Nagising ako dahil sa pagba-vibrate ng cellphone kong nasa gilid ko. Sinagot ko ito kahit hindi makita ng maayos kung sino ang tumatawag sapagkat isang mata lang ang binuksan ko at malabo pa medyo dahil bagong gising lang ako.
"Hello?" walang gana kong paunang bati.
"Love.."
Napabalikwas ako at napaupo sa hinihigaan ko. Dali-dali kong tinignan ang caller I.D, number lang ito pero alam kong si Allen ito. Siya lang ang taong tumatawag sa 'kin ng gano'ng endearment.
Pero ang alam ko naka save 'yong number niya sa 'kin, a. Binigay niya 'yon noong unang beses niya akong hinatid dito sa bahay na galing kaming bar.
Sinulyapan ko iyong alarm clock na nakalagay sa bed side table ko. Alas tres na ng madaling araw.
"Allen?"
"Hmm? I'm sorry, love. I woke you up."
"H-Huh? O-Okay lang naman," mahinang saad ko.
"Sorry. I'm sorry, love, because I called you late. I think i left my phone there," medyo pasigaw na ani nito sa kabilang linya. Rinig ko rin ang malakas na tugtog.
Nasa bar pa siya? Wala rin kaya siya sa VIP kaya maingay?
"Ah, check ko na lang sa baba. Wait lang."
"It's okay, love. Just look for it tomorrow morning," pigil niya sa akin.
"Hindi ayos lang, iinom din kasi ako ng tubig. Wait mo na lang din i-check ko," agap ko.
"Are you sure, love?"
"Opo." Humihikab kong sagot.
Rinig ko ang mahinang tawa niya bago sumagot. "Okay, I'm waiting, baby."
Baby? Tama ba rinig ko? Ang dami naman niya atang endearment sa 'kin.
Kahit inaantok pa. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at dahan-dahan nagtungo pababa.
Agad ko namang nakita ang cellphone niyang nakalapag sa coffee table. Nandito rin iyong dalawang bar ng chocolate na binigay niya at pati iyong plastic ng mga binili niya sa convenience store. Nakalimutan ko na 'to.
"Allen nand--" hindi ko na natapos ang balak na sasabihin ng may marinig ako sa kabilang linya.
"Allen, si Hera!" Pasigaw na sambit ng isang boses ng babae.
Sabi no girls allowed? Kaya ba hindi agad tumawag? Shemay! Labas na nga pala ako do'n.
"Hey, love. What did you say?" muling rinig kong ani ni Allen kaya napabalik ako sa wisyo.
"Huh? Ano sabi ko na--" muling hindi ko na naman natapos ang balak na dapat sabihin ng makarinig muli ng isang boses ng babae.
"Hi, boy's can I join?" saad ng babae.
"Nako! Hindi pwede Hera. Pauwi na kami," ani ng isang lalaki. Mukhang boses iyon ni Jasper.
"Fuck off!" rinig kong sigaw ni Allen at rinig ko rin ang pag-aray ng isang babae.
"Ano bang problema, Allen?! Dati naman hindi ka nagagalit kapag kumakandong ako sa 'yo!" galit na tinig ng babae.
Ano daw?!
"What?!" muling ani ni Allen.
"Hera, please lang lumayo at tumahimik ka!" tinig muli ni Jasper iyon.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...