Chapter 23

5.6K 99 36
                                    

Nagising ako ng tumama ang liwanag na nagmula sa labas ng bintana.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Allen kagabi napagpasyahan na rin ng lahat na magpahinga na.

Hindi ko nga makalimutan ang binitawan niyang linya na halos hindi pa nagpatulog sa akin. Buti kahit papaano nagising pa ako ng maaga.

Tatlong kwarto ang nakalaan sa aming lahat. Kasama ko si Kelly at Amira sa isang kwarto. Ang walong lalaki naman sa dalawang kwartong natira.

Lumingon ako bandang kaliwa ko. Si Amira na natutulog sa pang-isahang kama, gano'n din si Kelly na nasa harap namin nakapwesto. Lahat kaming tatlo sa pang-isahang kama natulog.

Kinapa ko iyong cellphone ko na nilagay ko sa ilalim ng unan kagabi bago ako matulog. 8:15 na pala. Dahan-dahan akong tumayo sa higaan, maingat at walang ingay upang hindi magising ang dalawang babaeng tulog na tulog pa.

Saglit akong uminat at muling walang ingay na nagtungo sa cr dito sa kwarto. Saglit ko lang din ginawa ang dapat gawin bago lumabas ng cr at nagtungo sa pinto ng kwarto.

Nagugutom na kasi ako. May maliit na kusina paglabas mo ng kwarto. Nakalaan 'yon para sa tatlong kwartong kinuha nila.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Ayoko talagang makagawa ng ingay dahil mukhang pagod na pagod ang dalawang babaeng kasama ko dahil sa kakalangoy nila sa dagat kagabi.

Nang makalabas saglit ko pang sinilip si Kelly at Amira bago dahan-dahan sinara ang pinto. Halos mapasigaw naman ako ng mapatingin sa bandang gilid ko.

Si Allen na nakasandal sa pader at taimtim na nakatingin sa akin.

Hindi ko manlang siya napansin.

Umayos siya nang tayo nang humakbang ako tungo sa pwesto niya.

"Kanina ka pa diyan?" mahinang tanong ko, baka kasi magising ang dalawang babaeng nasa kwarto at ang iba pa naming mga kasama.

Umiiling siya bago sumagot. "No, love. Just 1 hour."

Bahagya naman akong nagulat sa sagot niya. Hindi raw tapos may pag-iling pa, e isang oras na pala siyang nand'yan. Kulang ata siya sa tulog. Kung ako 'yan nangangawit na agad ako, siya kasi mukhang chill lang. Napailing na lang din tuloy ako.

"Kumain ka na?" pagkawari tanong ko na lang.

"Not yet. I'm waiting for you, love," simpleng sagot niya lang.

Natuod naman ako ng hawakan niya ang kanang balikat ko bago inayos ang soot ko. Tinakpan niya ang strap ng bra kong hindi ko pansing kita na pala.

Ayan na naman siya sa pagiging Clingy gentleman niya.

Hinawakan ko iyong dulo ng soot niya.

"Tara na, kain na tayo." Hihilahin ko na sana siya nang mapahinto ako dahil kinuha niya 'yong kamay kong hawak ang dulo ng damit niya.

Pinagsalikop niya iyong kamay naming dalawa at siya na ang maingat na naghila sa akin patungong kusina.

"What do you want to eat, love?" tanong niya pagkapasok namin sa kusina.

"Bakit, magluluto ka?" pabiro kong tanong.

Pero deep in side, hinihiling ko na sana siya ang magluto mukha kasing wala pang lutong pagkain. Hindi pa naman ako marunong magluto. Si Mama kasi ang chef sa bahay.

Marunong lang ako mag-bake sa pagluluto ako tagilid.

"Yeah," simpleng sagot niya.

Napahinga naman ako ng malalim bago siya ngitian. Saglit naman siyang napakunot noo at nagtatanong na nakatitig sa akin.

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon