Chapter 18

4.3K 93 15
                                    

Nagising ako dahil sa may naamoy akong pagkain. Napa-ayos naman ako ng upo habang kinukusot ang mga mata. Nasilaw ako sa liwanag ng maiayos ko na ang patingin. Maliwanag na pala at mukhang hindi lang liwanag dahil mukhang tanghali na.

Napalingon naman ako sa kaliwang bahagi ko ng mapansing wala na kami sa sea side. Wala si Allen sa pwesto niya at maayos na nakataas na rin ang upuan nitong ginawa niyang higaan kagabi.

Agad naman lumipat ang mga mata ko sa labas ng bintana ng sasakyan nito. Nasa tapat kami ng isang convenience store tanaw ko rin siyang nasa loob ng convince store na 'yon.

Lumipat naman ang tingin ko sa pagkaing nasa ibabaw. Mukhang iyon ang pagkaing nagpagising sa akin. Dalawang cup noodles at sana akin ang isa.

Napansin ko namang nakasoot na ako ng seatbelt pero nakakumot pa rin sa akin ang jacket ni Allen at pati na rin ang comforter nitong gamit kagabi.

Muli akong napaayos ng upo ng bumukas ang pintuan ng sasakyan at pumasok si Allen. Mabilis namang napadpad sa akin ang mga mata niya.

"You're awake," ani niya at inabot sa akin iyong isang cup noodles na agad ko namang kinuha.

"Salamat.." pagpapasalamat ko na medyo paos pa.

"Drink this first, love." Inabot niya sa akin ang trumbler ko na may maligamgam na tubig. Mukhang kakahuha niya lang din nito.

Ininom ko naman iyon bago ibinalik sa kanya, siya na iyong nagsara ng tumbler ko. Kinalikot niya ang gilid ng upuan ko upang bumalik sa dati at makaupo na ako ng mas maayos. Sinimulan ko ng kainin iyong noodles at gano'n din siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Tumikhim ako handa ng magsalita ng unahan niya ako.

"You want to pee?" tanong niya.

Hindi ko alam kung tanong ba iyon dahil nahulaan niya ang balak kong sabihin o alam niya na talagang iihi ako. Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon.

Inilagay niya naman iyong cup noodles niyang wala ng laman sa isang plastic. Pinagana niya ang makina ng sasakyan at nag-drive na paalis. Mabilis lang nang huminto siya sa isang gas station.

"Saglit lang ako," saad ko sa kanya ng lingon ko siya. Tango lang ang tinugon nito. Kinuha niya naman sa akin ang cup noodles kong naubos na bago inilagay rin sa plastic. Tinanggal ko ang seatbelt ko at dali-dali ng bumaba.

May kinausap akong isang staff, mabait ito at buti na lang nagpapagamit sila ng cr sa ibang tao. Tinuro niya sa akin kung saan ang cr nila para sa publiko. Pumanik na ako tungong cr pagkatapos kong mahinang nagpasalamat sa kanya.

Mabilis lang ang kilos ko at nakapagpalit na rin ako para sa red days ko. Soot ko pa rin nga iyong jacket ni Kelly na pinahiram sa akin upang pangtakip sa likod ng palda ko kung sakaling matagusan. Nakihilamos na rin ako roon dahil hindi naman ako sure sa itsura ng muka kung ayos pa ba. Lalo na at bagong gising lang ako.

Dali-dali na akong lumabas ng cr at muling nagpasalamat sa babaeng staff na kausap ko kanina ng makasalubong ko ito.

Lakad-takbo naman ang ginawa ko tungo sa kotse ni Allen.

"Your hair is wet, love," ani niya ng mabungarang kong may ininom siyang kape na mukhang galing pa sa isang mamahaling coffee shop nang makapasok ako sa sasakyan niya.

"Ah, naghilamos kasi ako," mahinang sagot ko lang sa kanya.

Ang tinutukoy nitong basang buhok ko iyong mga nakalugay na hibla ng harapan ng buhok ko na nabasa dahil madaliang hilamos ang nagawa ko.

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon