"Snow... Allen!"
Dumako ang tingin ko sa mga lalaking papalapit sa amin ni Allen. Ang tatlo niyang kaibigan. Jasper, Seth, at iyong mukhang masungit.
Mabilis ko naman silang sinenyasan na tumigil sandali na agad naman nilang nakuha. Bahagya akong yumuko upang mabulongan si Allen na hanggang ngayon ay nakayakap sa akin.
Yakap-yakap niya ako patagilid. Nakasubsob ang muka niya sa bandang gilid ng leeg ko, nakatanaw naman ako sa dagat dahil pagkatapos niyang umiyak bigla na lang itong nanahimik. As in wala siyang sinasabing kung ano kun'di pagyakap lang sa akin.
Nag-alala na nga ako dahil halos siguro isang oras nakayakap lang talaga siya sa akin. Kada kasi susubukan ko siyang yayain na bumalik na sa cottage kung nasaan ang mga kasama namin hihigpit bahagya ang yakap niya at uungol ng mahina. Ipinaparating na ayaw niya pang bumalik.
Hindi talaga kasi ako marunong mag comfort ng tao pag-usapang salita na makakagaan sa loob nila, kaya ang pag-aya na lang sa kanya pabalik sa cottage ang nasasabi ko.
Kanina nga habang umiiyak siya sinasabayan ko rin. Hindi ko kasi talaga mapigil ang luha ko. Awang-awa ako sa kanya, sa sitwasyon niya.
Mas malakas pa nga ata ang iyak ko kesa sa iyak niya.
"Allen.." wala pa akong nasisimulan na sabihin, pangalan niya palang ng maramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng kamay niyang hawak ang baywang ko.
Ayaw niya paring bumalik.
Maliit na lang akong napabuntong hininga bago muling dumako ulit ang tingin ko kila Jasper. I mouthed 'Bakit?' sumenyas naman silang dalawa ni Seth na kakain.
Tango lang sinagot ko at muling bumalik ang atensyon kay Allen. Inabot ko ang buhok nito bago sinuklay-suklay gamit ang kamay ko.
"Allen kakain na raw tayo sabi nila Jasper. Kumain ka muna alam kong hindi ka pa kumakain mula kanina pa. Kung gusto mong mag-stay tayo dito sasamahan kita kahit magdamag pa, pero sa ngayon kumain ka muna, please.." mahinang alo ko sa kanya. Ngunit iling lang ang tanging sagot niya.
"Allen, sige na.." pilit kong hinihila ang kaniyang mga brasong nakayakap sa akin pero ayaw niya talagang bumitaw.
Baka mapano siya kapag hindi pa kumain.
Muli kong tinanaw ang tatlong lalaking hanggang ngayon nag-aantay pa rin sa amin sa hindi kalayuan. Umiling-iling ako sa kanila, I mouthed 'Mamaya na lang.'
Napakunot noo naman ako nang magsimulang maglakad iyong lalaking mukhang masungit papatungo sa amin. Napipilitang sumunod sa kanya si Jasper at Seth.
Gusto ko man silang pigilan ulit ngunit nakaramdam na ako nanghiya. Alam kong alam nila kung bakit ganito si Allen. Una pa lang kanina na hindi sila nagtataka kung bakit hindi pa bumabalik ito. Samantalang tatlong oras na itong wala.
Malamang pinaalam ni Allen sa kanila kung nasaan siya.
"Bro.." panimulang usal noong lalaki nang tuluyan na silang makalapit sa amin ni Allen.
"I don't want," mabilisang sambit ni Allen.
Parang alam niya na agad kung anong balak sabihin ng kaibigan niya.
"Kung ayaw mo kahit para na lang sa girlfriend mo, gawin mo. Hindi mo ba naisip na baka nag-aalala na siya sa 'yo? Kahit hawak ka niya ngayon hindi 'yon mawawala sa kanya."
Mabilis namang umangat ang ulo ni Allen dahil sa narinig mula sa kaibigan. Mabilis ding nagtama ang mga mata naming dalawa. Naglalakbay ang kanyang mga mata sa aking muka na para bang binabasa at sinasaulo niya ang bawat anggulo.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...