Chapter 3

3.4K 31 3
                                    

"Your place.. or mine?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ba puwedeng dito na lang tayo? Dun sa garden, gym or dance hall ng university?"

Sarkastiko siyang tumawa dahil sa sinabi ko.

"Do you think I'll do something to you? Excuse me, you're not my type." Sabi niya at tumaas nanaman ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Nakakapang-init ng ulo. Wala na talaga 'tong ibang ginawa kundi inisin ako.

"Hindi ba puwedeng nag-iingat lang? Especially from someone like you."

Tila hindi naman siya naapektuhan sa sinabi ko.

"So ano, sa inyo na lang?"

"Hindi nga ba puwedeng dito na lang sa school?" Pag-uulit ko at tila nauubusan na siya ng pasensya. Ganun din ako.

"Okay, kung gusto mong lahat ng mata naka-tingin sa atin, then sige dito tayo sa school. I'm famous, remember?"

"Ha! Famous? Hindi nga kita kilala eh."

"Oh really, as if I care. Oh ano, dito na lang?"

Napatingin ako sa paligid at napalunok ako nung makita ang mga babaeng matalim ang tingin sa akin.

"S-sa inyo na lang." Sabi ko.

Hindi ko naman puwedeng isuggest ang apartment ko dahil ako lang mag-isa ang nakatira don at bilin nila Sister, hindi ako puwedeng mag-papasok nang kahit sinong lalaki sa tinutuluyan ko. Higit sa lahat, hindi kami makakagalaw doon dahil masikip.

"Okay, let's go." Sabi niya at sumunod ako sa kanya.

Napansin ko na lang na nandito na kami sa parking. Tumapat siya sa isang malaking motor.

Inabot niya sa akin ang isang helmet. Pasimple kong ni-figure out sa utak ko kung paano iyon isuot dahil sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakasakay sa motor.

"Why?" Takang tanong niya sa akin at napaiwas ako ng tingin.

"H-hindi ako marunong mag-suot ng helmet." Sabi ko at nakita ko pa ang pag-tawa niya.

"Really?" Kinuha niya sa akin ang helmet at pinanood ko kung paano niya alisin ang lock nito. "See?" Sabi niya at tumango ako.

Nagulat ako nung lumapit siya sa akin at isinuot sa akin ang helmet. Amoy na amoy ko ang pabango niya at kitang kita ko ang adams apple niya sa harap ko.

"And you're done. Let's go.." sabi niya at sumakay na sa motor niya.

"Wait." Sabi ko pa. "B-bagalan mo lang mag-drive ah. Tsaka wag mo ako dalhin sa kung saan."

Muli siyang tumawa. Hindi ko maintindihan kung anong nakakatawa sa sinasabi ko.

"I assure you, wala akong gagawing masama sayo kahit hilingin mo pa."

Napaikot ulit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Tara na nga." Inis na sabi ko at lumapit sa motor niya.

Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung paano ako aakyat.

"Oh come on, baka pati pag sakay hindi mo kaya?" Sabi niya tsaka inabot sa akin ang kamay niya.

"K-kaya ko na." Sabi ko at hindi pinansin ang kamay niya. Nakita ko naman ang pag-iling iling niya.

"Tapakan mo 'yun bago ka sumakay." Pag-instruct niya pa at sinunod ko siya. Muntik ako ma-out of balance, mabuti na lang ay nahawakan niya ako sa braso. Muntik na rin tuloy ma-out of balance yung motor niya.

"S-sorry." Napapahiyang sabi ko.

"Ang kulit mo kasi." Kunot noong sabi niya. Halatang nauubusan na ng pasensiya. "Hold my hand." Sabi ko at alanganing hinawakan ko iyon at inalalayan niya ako sa pag-akyat. "Ready?"

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now