Luke's POV
"I wanna see her.. I wanna see my daughter."
"Are you now acknowledging her as your daughter?" Sarkastikong tanong ko at umiwas siya ng tingin. Hindi siya makasagot. "I don't think this is the right time for you to do that, Sir.." Seryosong sabi ko. "Wait for her condition to be okay."
"A-alright.. Then I'll leave for now. P-please make sure she's gonna be alright.. and about the hospital bills, I'd like to pay for it-"
"Laura would feel uncomfortable if you do that. It'd be better if you don't do anything right now."
Mas mabuti nang si Laura ang mag-desisyon para sa bagay na 'to.
"But.." bumuntong hininga pa siya. "A-alright. I'm going now."
*******
Laura's POV
"Oh eto pa. Eto yung lessons na na-missed mo." Sabi ni Cess habang sinesend yung mga files na nicompile nila ni Gelee para sa mga lessons na na-missed ko.
Kausap ko naman sila thru video call.
"Thank you.." sinserong sabi ko. "The best talaga kayo!"
Natawa naman sila parehas.
"Nambola pa si Ateng oh." Sagot ni Gelee. "Ikaw ba Luke, hindi ka pa ba babalik?" Dugtong niya.
"Kita mong may cast pa yung kamay oh." Turo ni Cess at naging seryoso ang mukha ni Luke. "Atsaka asa kang iwanan niya yung asawa niya no."
"Ay sorry naman, sana all na lang." Sagot ni Gelee at nagtawanan sila kasama si Luke.
Pilit akong nakitawa pero sa loob loob ko, hindi ko mapigilang mangamba.
These past few days, sariling kondisyon, sitwasyon at problema ko lang ang pumapasok sa isip ko.
Hindi ko man lang naisip na kamustahin yung pakiramdam ni Luke.
Yung kamay niyang may injury..
Iyon ang kamay na ginagamit niya sa pag-ddrawing.
Paano kung matagal pa gumaling ang kamay niya?
Paano yung pangarap niya na matagal niyang ipinaglaban?
Nung matapos ang tawag ay seryoso akong tumingin kay Luke na sa ngayon ay inaayos ang mga dadalhin naming gamit pabalik sa Manila.
"Luke.." tawag ko dito. "What are you gonna do now?"
Takang tumingin naman siya sa akin at itinigil ang ginagawa niya.
"What do you mean, wifey?"
"Luke.. your hand would be fine, right?"
"Y-yes, of course."
"How long? Does it still hurts?"
"Maybe soon? But it doesn't hurt anymore. Aalisin na rin yung cast nito. Pupunta agad ako sa family doctor namin para maasikaso." Nakangiting sabi niya at nawala naman ang pangamba na nararamdaman ko.
"I'll put this in the car." Sabi niya at binuhat ang bag. Tumango naman ako.
Naiwan niya yung phone niya sa mesa kaya nakita ko ang pag-vibrate nito.
Nakita kong nag-pop ang text ni Ms. Emma sa screen.
'Son, I received a call from Doc Smith. Why did you cancel the appointment? You need to start your therapy as soon as possible.'
Halos manghina ako sa mga nabasa ko.
"Wifey, tell me if you're ready to go na." Sabi niya pagbalik niya sa kuwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/359911612-288-k685345.jpg)
YOU ARE READING
Awakened Pleasures (R-18)
RomansWarning: R-18 ; Explicit Story Laura Marie Sebastino, a twenty year old orphan, who naturally grew up in a religious and conservative setting will get involved with his hot and famous schoolmate, Luke Mariano, an ex actor who is rumored to have a m...