Chapter 13

2.6K 28 4
                                    

Nilalanghap ko ang hangin habang nakabukas ang bintana nang sasakyan ni Luke. Kitang kita ko ang dagat sa paligid. Sobrang puti ng buhangin. Hindi ko akalain na makakarating kami sa bandang norte.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko kanina pero hindi ko maitatangging sobrang saya ko rin ngayon. First time ko makapunta sa ibang lugar at si Luke pa ang kasama ko. Ang taong hindi ko inaasahang magugustuhan ko.

Nakangiting tiningnan ko siya at tumingin rin siya sa akin. Para pa siyang nag-taka kung bakit ako nakangiti sa kanya.

"Thank you." Sabi ko.

"Mamaya ka na mag-thank you pag nakarating na tayo sa mismong pupuntahan natin."

Maya-maya ay huminto na si Luke sa isang parking area at kita pa din banda dito ang dagat.

"Welcome to L.U." sabi ni Luke at nanlaki ang mga mata ko.

"Grabe, umabot tayo sa La Union?" Tuwang tuwa na sabi ko at napatakip pa ako sa bibig ko.

Kaya pala ang sakit ng puwet ko, ang tagal pala nang byahe namin. Sa dami kong iniisip, hindi ko iyon masyadong namalayan.

"P-pero wala akong baong damit." Sabi ko.

"Wala din naman ako." Sabi niya. "Bili na lang tayo."

Nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko. Yung hawak na parang mag-jowa.

Napakagat ako sa labi ko. Wala kaming label pero kung kumilos si Luke, para ko siyang jowa.

Hinayaan ko na lang, gusto ko din naman. Tatanggi pa ba ako?

Kaya heto, habang nag-lalakad kami papunta sa bilihan nang mga damit ay magka-holding hands kami.

"Si Luke besh, si Luke." Dinig kong sabi ng ilang babae.

"Oo nga no. May girlfriend pala siya.."

"Lagi naman siya may kasamang babae."

Nag-pintig naman ang tenga ko dahil sa sinabi nung isang babae. Pilit ko pinakalma ang sarili ko. Ayokong dumagdag iyon sa iisipin ko. Sa ngayon, mag-eenjoy lang ako sa lugar na 'to. Lalong lalo na dahil first time ko lang makapunta dito.

Nung makarating kami sa bilihan nang mga damit ay as usual, maraming tumitingin kay Luke at nagpapa-cute. Hinayaan ko na lang at pumili na nang mga damit.

May nakita akong mahabang summer dress. Automatic na ganung klase ang kinuha ko. Bumili rin ako ng rash guard para susuotin ko pang-swimming in case.

"Ako na mag-babayad." Sabi ko kay Luke at napatingin siya sa akin. "Pambawi man lang."

Tumango na lang siya at binayaran ko ang mga pinamili namin. Binawasan ko 'yung laman ng envelope na bigay ng nanay ko na may halagang 50k sa loob.

Maya-maya pa ay nag-check in na kami sa isang hotel.

"One room."

Napalingon ako sa sinabi ni Luke sa babae sa reception area. Binayaran niya iyon at binigay sa kanya ang key card.

"Uyyy.." sabi ko. "P-parehas tayo ng kuwarto?" Nahihiyang tanong ko.

"Don't worry." Nakangiting sabi niya. "Kaya kong matulog sa couch." Sabi niya at humawak pa sa bewang ko. Sobrang sweet nang dating kapag ginagawa niya iyon. Bumibilis ang tibok ng puso ko. "Pero kung gusto mong may ibang gawin, ready din naman ako."

"Sira." Nahihiyang sabi ko at hinampas siya nang mahina sa dibdib niya. Natawa naman siya.

Nung makarating kami sa room namin ay sinalampak niya ang mga gamit niya sa couch.

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now