Sabado.
Paulit-ulit kong tiningnan ang sarili ko sa salamin.
I'm wearing a brown turtle neck long sleeve blouse and simple maong pants. Nilugay ko rin ang buhok ko at nag-lagay ng kaunting make up.
Sinuot ko rin ang kwintas na bigay ni Mama sa akin nung 18th birthday ko.
"Do I look okay, Cady?" Tanong ko kay Cady kahit alam kong hindi niya ako sasagutin.
I heard a knock on the door. Mukhang si Luke iyon, nag-hihintay sa labas ng kuwarto.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas.
Napatigil ako nung makita ang ayos ni Luke.
Simpleng blue stripes na polo ang suot niya at bagsak ang buhok niya. Litaw na litaw pa din ang kagwapuhan niya, nakakahiya tuloy tabihan siya.
Nginitian niya ako at nailang ako nung tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Let's go?" Sabi niya pa at sabay kaming bumaba.
Tahimik lang ako hanggang sa loob ng sasakyan. Kinakabahan na kasi ako. Ni hindi nga ako nakatulog nang maayos.
Ngayong araw kasi, niyaya ako ni Luke na lumabas. Doon kami pupunta sa restaurant ng nanay ko. Gusto ko siyang makausap at tanungin ang mga nangyari.
"Calm down." Sabi ni Luke nung mapansin ang pagkabalisa ko.
"Kinakabahan talaga ako." Sabi ko.
Nung makarating kami sa restaurant ay lalong bumilis ang kabog ng puso ko.
Nag-park naman si Luke at hinawakan niya ang kamay ko.
"Shh, kasama mo naman ako." Sabi niya at nadala nanaman ako nung mga salitang iyon.
Inalis niya ang seatbelt ko kaya sobrang lapit ng mukha niya sa leeg ko. Naalala ko nanaman yung nangyari nung nakaraan. He kissed my neck and I really liked it. Hindi ko na maalis sa sistema ko iyon at hinahanap ko pa.
"Do you want a kiss?" Nakangising tanong niya at napaiwas ako ng tingin.
"Okay ka lang ba, nasa sasakyan tayo oh?"
Natawa naman siya sa sinabi ko. Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko kahit naalis niya naman ang seatbelt ko at ang lapit lapit ng mukha niya sa akin.
"No one will see us here." Sabi niya at nag-init lalo ang pisngi ko.
Heto nanaman siya eh. Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang.
Pero ilang segundo na akong nakapikit hindi ko man lang naramdaman na lumapat ang labi niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya agad akong dumilat.
Natatawang nakatingin siya sa akin.
"So you want a kiss, huh?" Pang-aasar niya at napanguso ako.
"Alis nga. Nakakainis ka! Pinag-titripan-" Hindi niya nanaman ako pinatapos.
He sealed my lips with his kisses.
"Hmm.." he added a sound na parang nasasarapan siya kaya nag-init ang pakiramdam ko.
Matapos ang halos dalawang minuto ay tumigil siya at habol habol ko naman ang hininga ko. That was intense.
Nanlaki ang mga mata ko nung makitang namumula ang labi niya. Nakuha niya yata iyon mula sa lipstick ko.
"Uy punasan mo labi mo." Sabi ko at tiningnan niya ang sarili niya sa salamin.
"Dilaan mo." Sabi niya pa. Halatang nang-aasar. Inirapan ko na lang siya. "You too, fix yourself."
YOU ARE READING
Awakened Pleasures (R-18)
RomanceWarning: R-18 ; Explicit Story Laura Marie Sebastino, a twenty year old orphan, who naturally grew up in a religious and conservative setting will get involved with his hot and famous schoolmate, Luke Mariano, an ex actor who is rumored to have a m...