Patuloy sa pag-hakbang ang batang si Luke. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa thirteen years niyang namumuhay ay hindi siya sanay sa mundo sa labas dahil simula pa noon ay tila nakakulong na siya sa isang bahay na punong-puno ng hindi magandang ala-ala.
Bagama't may halong takot at pangamba sa kung ano ang pwede niyang kaharapin sa labas ay pakiramdam niya, nakalaya siya.
Hanggang sa mapagod siya at nag-pahinga sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Isa iyong parke na napapalibutan nang naglalakihang puno at palaruan ng mga bata.
Ngunit, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nag-takbuhan ang mga bata papunta sa loob ng isang malaking tahanan sa tabi ng isang simbahan.
'House of Stars orphanage'
Sumilong siya sa ilalim ng puno ngunit hindi iyon sapat para hindi siya mabasa.
"Hmm? Bakit di ka pumasok sa loob?"
Nagulat si Luke nung isang batang babae ang lumapit sa kanya. Morena, mahaba ang pilik-mata, natural na mapupula ang pisngi, at kulot ang dulo ng itim na itim na buhok nito. Punong puno naman ng pagtataka ang itsura nito.
"Tara na po, Kuya." Sabi ng batang babae at hinila siya sa kamay. Ngunit agad niyang hinigit ang kamay niya mula rito. "Eh?" Nalilitong tanong ng bata. "Baka pagalitan ka po nila sister kapag hindi ka pa po pumasok."
"I don't belong there." Seryosong sagot ni Luke sa batang babae.
"English.. hmm?" Bulong ng batang babae sa sarili niya. "You.. big brother.. Uhm.. we go.. inside?" Tanong niya pa ulit kay Luke habang hirap na hirap bumuo ng pangungusap gamit ang salitang Ingles.
Taka naman siyang tiningnan ni Luke. Hindi niya naintindihan ang gustong sabihin ng batang babae.
"Lau!" Tawag ng isang batang lalaki na may dala-dalang payong. "Lagot ka kanila sister! Nagpapaulan ka!" Pagmamaktol pa nito.
"Trevor, si Kuya kasi ayaw pumasok oh." Turo pa nung batang babae kay Luke.
"Kuya, papagalitan kayo ni Sister." Sabi ni Trevor.
"English speaking siya." Bulong ni Laura kay Trevor. "Kausapin mo, diba magaling ka mag-english?"
Napakunot ang noo ni Luke dahil naiintindihan niya ang sinasabi ng batang babae. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang sinasabing English speaking ito.
"Let's go inside, Kuya." Sabi ni Trevor. "Laura might get sick if we stay here."
"But I don't belong there. I'm not an orphan." Seryosong sagot nito.
"Ano daw, Trevor?"
"Hindi daw siya taga satin. Tara na Lau, hayaan mo na si Kuya." Sabi niya at hinila ang batang babae pero nagulat si Luke nung hawakan siya ng maliit na kamay nito sa kanyang braso.
"Big brother.. you wait. Rain rain will go away.. then you go?"
Pinilit niya intindihin ang gustong sabihin sa kanya ng batang babae.
"Pwede ako mag-stay?" Tanong ni Luke at gulat na napatingin si Trevor at Laura dito.
"Sabi mo englishero." Inis na sabi ni Trevor kay Laura.
YOU ARE READING
Awakened Pleasures (R-18)
Storie d'amoreWarning: R-18 ; Explicit Story Laura Marie Sebastino, a twenty year old orphan, who naturally grew up in a religious and conservative setting will get involved with his hot and famous schoolmate, Luke Mariano, an ex actor who is rumored to have a m...