Chapter 28

1.7K 23 1
                                    

Laura's POV

"Break up with Luke and come to me." Seryosong sabi niya.

"Trevor.." tawag ko sa pangalan niya. Nangingilid ang luha ko.

Deep in my heart, alam ko na itong alter niya na kausap ko ngayon ay hindi ang totoong pagkatao ni Trevor. Hindi rin ito personality at buhay ni Travis.

What happened to him? Paano siya umabot sa ganito?

"Trevor.."

Napatitig siya sa akin nung lapitan ko siya at hawakan ang pisngi niyang may sugat.

"Can you hear me, Trevor? Please.. say that you hear me."

Nagulat ako nung tinabig niya ang kamay ko at tinulak ako sa couch.

"I am Trevor! Sino pa bang tinatawag mo?! The Trevor you knew is gone! He is a coward, he is weak and fucking useless! So stop looking for him!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"At least he's nice and kind, unlike you!"

Natigilan siya sa sinabi ko at tila nagpigil ng galit.

"Kind? Makukuha ba kita kung papairalin ko yung kabaitan?" Sabi niya at nanggigigil na uminom ng wine.

"Yes!" Deretsong sagot ko. "Nagustuhan kita, Trevor." Natigilan siya sa sagot ko. "I used to always think of you. Palagi kitang hinihintay simula nung umalis ka. Kaya sobrang saya ko nung nakita ulit kita. I was really happy during those days we spent together. Pero you've changed. You became violent and you turned into someone I didn't know."

Unti-unting lumambot ang ekspresyon niya at napahawak siya sa ulo niya. Nangilid din ang mga luha niya at tumingin tingin pa sa paligid.

"Why.. Why am I here again?" Tila wala sa sariling tanong niya. "Why are you here?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "I'm sick! I'm sick! Stay away from me! I'm sick!" Sabi niya at nagpa-ikot ikot pa sa kuwarto at tila di alam ang gagawin.

Parang nadurog naman ang puso ko nung makita ang sitwasyon niya kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"Trevor.. stop. I'm here. Your best friend."

Naramdaman kong kumalma siya at hinaplos niya ang buhok ko habang umiiyak. Ipinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm scared of myself, Laura. I need help."

Umalis ako sa pagkakayakap at tiningnan ko siya.

"I'll help you. Gagaling ka. Okay?"

Nagulat ako nung namilipit siya sa sakit ng ulo.

"O-okay ka lang?"

Bigla siyang tumingin ng masama sa akin at galit na tinulak niya nanaman ako sa couch.

"What the hell just happened?!" Sabi niya at takot na takot na tumingin ako sa kanya.

Biglang nag-ring ang phone ko at nag-appear ang pangalan ni Luke sa screen. Agad ko namang pinatay iyon.

"Do you want to see him dead?" Tanong niya at sumindi pa ng sigarilyo.

Kinilabutan at natakot ako dahil sa sinabi niya.

"Don't dare to do that." Pilit ko tinatapangan ang sarili ko habang sinasabi iyon sa kanya.

Tumawa naman siya ng sarkastiko.

"Dare me." Sabi niya.

"Ano bang gusto mo?!" Nangingilid na luhang sabi ko.

"You." Mabilis niyang naubos ang isang stick ng sigarilyo niya kaya nag-sindi ulit siya. "Just stick with me and that stupid guy will be safe."

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now