Chapter 29

1.3K 20 2
                                    

Laura's POV

"Next pair, Laura and Luke."

Right. Performance na pala namin ngayon.

"Luke is not here, Ma'am." Sabi ko na lang.

Ilang araw ko na siyang hindi nakikitang pumapasok at alam kong dahil iyon sa akin. Hindi ko naman siya ma-contact, nadedetect ni Trevor yung mga activities ko sa phone ko.

"I'm here."

Nagulat ako nung dumating si Luke. Gulo gulo ang buhok niya at bagsak na bagsak ang itsura.

Nakaramdam naman ako ng kirot nung makita siya. Sobrang miss na miss ko na siya.

"Here." Ibinigay niya sa instructor namin ang flash drive na naglalaman ng music na sasayawin namin.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

Sa dami ng nangyari, hindi ko na masyadong natatandaan yung mga steps na pinag-aralan namin noon. Mas nakadagdag pa yung kaba na nararamdaman ko dahil kaharap ko siya.

"Woooh!" Sigaw ng mga kaklase namin nung nag-umpisa yung tugtog.

"Ang pogi mo, baby!" Sigaw ng mga bading sa likuran.

"Hala bagay sila." Dinig kong sabi ng isa at napakagat ako ng labi.

"Mas bagay kami, tanga!" Sagot naman nung katabi niya.

Siya muna ang nag-umpisa ng sayaw at habang pinapanood ko siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ito ang unang beses na napanood ko siyang sayawin 'to pero this time mas damang dama ko ang binubuhos niyang emosyon sa ginagawa niya.

"Woahh.." sabi ng mga kaklase namin dahil sa galing ni Luke.

Unti-unti siyang lumapit sa akin, hudyat na para itaas ko ang kamay ko at ilapat niya ang palad niya sa palad ko at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.

"Waaaah!" Napatili ang ilan naming kaklase.

Magkatitigan kami ni Luke. Parang nag-uusap ang mga mata namin. Para niyang sinasabing na-miss niya ako.

Bawat haplos at hawak niya ay sobrang nag-bibigay sa akin ng saya at the same time, lungkot. Heto na talaga ang huli. Hindi ko na mararamdaman pa ulit ang mga haplos at hawak niya. Hindi ko na rin matititigan ang mata niya.

Natapos ang performance namin at nagpalakpakan ang mga kaklase namin at napangiti sa amin yung professor namin.

"Great performance!" Sabi pa nito sa amin.

Sabay kaming umupo ni Luke at naramdaman ko ang matinding pagkailang.

Nag-umpisa na ang sunod na performers.

Nagulat ako nung pabulong na nagsalita si Luke.

"Why Travis and not me?"

Napatingin pa ako sa paligid at mukhang wala naman ibang nakakarinig bukod sa akin.

"Can't you just tell me what's going on?" Halata sa boses niya na sobrang frustrated niya nanaman.

"I need.. I need someone like him." I lied. "I need someone na maiintindihan yung principles ko sa buhay."

Tiningnan niya ako na may halong pagka-dismaya.

"You're not a good liar, Lau."

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya.

"Okay fine. I understand if ayaw mong sabihin pero I'll make ways to find it out."

Bumigat ang pag-hinga ko. Natatakot akong malaman niya dahil baka kung anong gawin niya at mapahamak siya pero at the same time gusto kong malaman niya at hilahin ako sa lahat ng problemang 'to.

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now