"What is it, 'Honey?'
Hindi ko malunok ang pagkain ko. Parang may nakabara na sa lalamunan ko. Bakit kailangan ko pang ma-witness 'to? Hindi pa ba sapat yung makita ko sila sa school kanina?
Akala ko ba ako lang yung babae na dinala niya dito? So dalawa na kami?
"Hindi mo naman sinabing may bisita ka." Sabi ng babae kay Luke at ngumiti pa sa akin. "Who is she?"
"She's Laura, my friend." Deretsong sagot ni Luke at may kirot akong naramdaman.
Totoo naman, magkaibigan lang kami. Pero ang sakit pakinggan.
We already kissed yet we're just friends.
"Hi Laura." Lumapit pa yung babae sakin kaya dali-dali kong nilunok yung pagkain ko para makapag-salita.
"H-Hello." Awkward na sagot ko.
"I'm Hani, Luke's cousin."
'Luke's cousin.' Nag-paulit ulit iyon sa pandinig ko.
'Pinsan lang pala, eh?'
"Ate Hani, I found it. Let's go na." Biglang sulpot ng isang babae na siguro ay nasa fifteen years old ang edad at may dala-dalang paper bag. "Ay, hello po." Bati nito sa akin at nginitian ko siya. "Ikaw kuya Luke ah, lumalove-life ka na ah." Pang-aasar pa nito.
"Alis na bata." Sabi ni Luke na tila nang-aasar at ngumuso naman ito.
"Oh siya, una na kami bago pa mag-away 'tong dalawang 'to. Kinuha lang namin tong bilin ni Tita Ems." Sabi niya pa sa amin ni Luke. "Let's go, Hannah."
Maya-maya ay naiwan kaming dalawa ni Luke sa kusina at hindi pa nag-sisink in lahat sa akin. Parang ang bilis nang mga pang-yayari.
So ang babaeng pinagseselosan ko ay pinsan niya pala?
"You're acting weird." Sabi ni Luke nung mabilis akong pumunta sa lababo para hugasan ang mga plato. Hindi ko naman siya pinansin.
"Hey you, are you just going to look at her doing your job?" Sabi niya sa isang maid at sinamaan ko siya ng tingin dahil sa way nang pagkakasabi niya. Isa pa, ako naman ang nag-kusa kaya dapat hindi siya magalit sa kahit sinong kasama niya dito sa bahay.
"What?" Kunot noong tanong niya.
"Ma'am ako na po." Sabi ng maid.
Hinayaan ko na lang siya. Parang wala akong energy na makipagtalo pa kay Luke.
I feel safe with him, but at the same time, my heart hurts.
I used to argue a lot with him before, until he saved me, and I've seen his other side that made me realize my true feelings. But right now, I'm really confused. I don't understand our relationship or why I am allowing him and myself to do things we shouldn't do. Is this one of the things that love can do to a person?
"Are you okay?" Tanong niya at bumalik ako sa wisyo. Nandito nga pala siya sa harap ko.
"Pagod lang ako." Sabi ko at umiwas ng tingin.
I couldn't even handle his stares anymore. Baka mas lalo lang akong mahulog.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"Let's go upstairs." Sabi niya.
Heto nanaman siya sa treatment niyang ganyan sa akin at heto nanaman ako, hindi pumapalag kahit may pangamba nang nararamdaman.
Umakyat kami pero sa terrace kami dumeretso.
Ngayon lang ako nakapunta dito at napakasarap ng hangin dito.
YOU ARE READING
Awakened Pleasures (R-18)
Storie d'amoreWarning: R-18 ; Explicit Story Laura Marie Sebastino, a twenty year old orphan, who naturally grew up in a religious and conservative setting will get involved with his hot and famous schoolmate, Luke Mariano, an ex actor who is rumored to have a m...