Chapter 33

1.1K 23 4
                                    

Luke's POV

Habang patuloy ang kasiyahan sa loob ng bahay ampunan ay isang hindi inaasahang bisita ang dumating.

"Sino si Laura?" Tanong ng isang lalaki na siguro ay nasa 40's to 50s na. Tila galit na galit ito.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Laura dahil sa takot na baka may masamang gawin ang lalaki.

Napansin ko naman ang pag-aalala at pag-kagulat sa mukha ni Laura.

"What do you need?" Seryosong tanong ko sa taong 'to.

Hindi pa man siya nakakasagot ay nagulat kami nung biglang dumating ang Nanay ni Laura na tila hingal na hingal. Kasunod nito ay ang step sister ni Laura na na-meet namin sa restaurant noon. Sa pagkakatanda ko, Larah ang pangalan niya.

"Hon.. Not here, please.."

Nagulat ako nung akmang susugudin ni Larah si Laura kaya agad kong hinarang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagyakap kay Laura. Nakita ko pang napapikit siya. Naramdaman ko naman ang pag-dapo ng kamay nung babae sa likuran ko. Medyo nasagi pa ang kamay kong naka-cast dahil sa injury kaya napapikit ako sa sakit. Kung hindi ko naharangan ito ay malamang nasaktan niya na si Laura.

Inis na hinarap ko ito.

"What the hell?!" Inis na sigaw ko at humarap sa kanya. Hindi na sumagi sa isip ko na nasa bahay ampunan kami at may mga Madre at mga batang nakarinig ng sinabi ko.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Sister.

"Mga bata, pasok muna kayo sa loob." Sabi ng isa pang Madre at pinaalis ang mga bata dito sa garden.

"That girl is ruining my family! My happy family!" Sigaw ni Larah sa mukha ko at naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Laura sa damit ko. Tila natatakot na siya sa nangyayari.

"Larah, stop!" Sigaw ng Mom ni Laura.

"So who's your fucking father?!" Tanong ni Larah.

"Iha, wala sa lugar ang mga salitang binibitawan mo." Sabi ni Sister.

"Can we talk somewhere else? Wag dito." Singit naman ni Mom.

Pumunta kami sa office nila Sister at doon nag-harap harap.

"Siya ba ang anak mo sa pagka-dalaga mommy?!" Masungit na tanong nito. "Kaya pala pumunta ka sa restaurant namin!"

Naririndi ako. Kung pagsalitaan niya si Laura ay akala mo kung sino.

"Don't you dare talk to her that way." Inis na sabi ko sa kanya.

"Ha!" Tumawa pa siya ng sarkastiko. "You don't know anything, Luke. Mag-iingat ka sa mga taong dinedate mo."

"So sinong Tatay ng batang yan?!" Tanong nung lalaki at di ko mapigilang samaan ito ng tingin.

Nakayuko lang naman si Laura. Sobrang nasasaktan ako sa sitwasyon niya. Hindi na siya tinigilan ng problema.

"Ano na Mommy?!" Inis na sigaw Nung kapatid ni Laura. Such a brat.

Narinig ko pa ang pag-buntong hininga niya at inangat niya ang mga tingin niya sa kanila.

Isang tingin na ngayon ko lang nakita mula sa kanya.

Tingin na punong puno ng poot.

"Bakit hindi niyo na lang sabihin sa kanila para matapos na?! Para umalis na kayo dito?! Hindi ba sabi ko hindi na kita kailangan?!" Sabi ni Laura habang tumataas ang boses. Kitang kita ko yung halo-halong emosyon sa itsura niya at ang sakit sakit na makitang nagkaka-ganyan siya.

"Wow! Wow!" Sarkastikong sabi ni Larah. "Hindi ka naman pala kailangan eh, ba't dinalaw mo pa 'to sa ospital?! Eh di sana kung di mo dinalaw, di ka sana nahuli eh di okay pa din yung pamilya natin ngayon! Eh di sana hindi mo nasaktan si Dad!"

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now