DALAWANG araw na ang lumipas simula nong nangyari ang pag d-drama ni cidreck. Hindi kuna din siya nakita sa dalawang araw na nag daan siguro pinag bawalan na siya ni ma'am chris na lumabas ng kwarto niya.
Tsk! Buti nga sana pag kinulong siya don, mas maganda nayon wala siyang taong na estorbo.
"Okay kana glen? Kumusta yong mga sugat mo?"
Lumingon ako kay ate Mari sabay ngiti.
"Ayos na naman ang mga pasa ko, salamat sa pag gamot mo ate."
"Sinabi kona wag mo kong tatawaging ate."
Nag pout pa siya sa harap ko. Fifteen na si ate mari magka lapit lang yong edad nila ni senyorito cidreck.
"Oo nga pala. Nakita ko yong ginawa ni senyorito sayo, naku sarap niyang e hulog sa pool tapos lulunurin ko para ma totoo yong binibintang niya sayo.!"
Nanlaki ang mata kong naka tingin sakanya. Nakita niya ang nangyari? Bakit hindi siya lumapit?
"Hindi lang ako lumapit kasi ayaw kong naki alam tingin ko din kasi galit si ma'am chris non. Pero don't worry glen nasabi kona naman kay ma'am ang nangyari kaya siguro hindi na pinalabas yong pasaway nayon sa kwarto niya. Tsk! Buti sakanya yon!"
Tumawa lang ako. Pasalamat ako kasi nandito si mari kahit papano nawawala yong lungkot ko kapag naka kwentuhan ko siya.
"Mamaya na tayo mag usap. Tatapusin ko muna itong sinampay ko."
"Sige, Pumunta ka agad sa kwarto ko kapag tapos kana d'yan gagamutin ko yang mga sugat mo sa likod."
Tumango lang ako saka nag patuloy sa ginagawa. Pagka tapos kong maisampay lahat pumunta ako sa kusina para hugasan ang mga natitirang plato na hindi ko nahugasan kanina.
Kahit ganito ang routine ko buong araw masaya naman ako. Sa totoo lang gusto kong lumabas kaso hindi naman pwede. Makakalabas lang ako kapag nag groceries si mama ako kasi ang palagi niyang sinasama para mag dala ng mga pinamili.
Kaso marami yong nabili niya nong isang buwan kaya matatagalan pa bago ako maka labas ulit.
"Tsk! Why are you smiling idiot?"
Mabilis akong napa lingon sa pinto. Naka tayo si cidreck sa likod ko puno ng pawis ang mukha niya basa din ang sando niya.
"BIGYAN MO AKO NG TUBIG!"
Inirapan ko siya mag uutos na nga lang kailangan pang sumigaw. Hello nasa tabi mo lang ako damulag ka sarap niyang tadyakan.
Binigay ko sakanya ang isang baso ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay. Tumingin siya sa mukha ko at lilipat sa baso, pinag landas pa niya ang titig niya sa buong katawan ko.
"Anong nangyayari dyan sa katawan mo?"
Mahinahon niyang tanong. Gusto ko siyang sisihin dahil nagka ganito ako dahil sakanya pero baka ibaliktad lang din niya ang setwasyon.
"May nagawa lang kaya nagalit si mama."
"Siya ba ang may gawa niyan?"
Marahas niyang tanong kasabay ng malakas na pag lapag niya sa baso sa may lamesa dahilan para mabasag ito.
Kagat labi akong tumingin sa labas mg kusina. Baka merong maka kita sa nangyari at ako na naman ang sisihin.
Dali dali kong kinuha ang walis at dustpan para linisin ang basag na baso, ngunit hindi paman ako naka lapit sa kinatatayuan niya ay bigla niyang hinampas ng malakas ang lamesa dahilan para tumalon ako sa subrang gulat.
"B-bakit? Lilinisin ko lang yang mga bubug baka ma s-sugatan ka."
Hindi naman ako takot pero dahil sa subrang nerbyos kaya nanginginig ang boses ko.
BINABASA MO ANG
His Madness (BxB)
Romance"I don't know what mom sees in you to treat you as her son more than me. I can't let mom just ignore me while you enjoy the things she give you." nanginginig ako habang nakatingin sakanya. This is not the first time he yelled at me. But this is the...