"GLEN!"Agad akong napalingon sa boses na nanggaling sa pinto.
"Bakit Cid?"
Tanong ko ngunit hindi ko siya tinignan. Alam kong salubong at galit na naman ang tingin na pinupukol niya sakin.
"Senyorito yan dapat itawag mo sakin. Tsk! Din naman tropa!"
Hindi ko siya pinansin, si Ma'am Chris naman kasi ang nag sabi sakin na huwag nang tawaging senyorito ang anak niya dahil magka edad lang naman kami.
Pero itong anak niya subrang angas gusto niya talaga akong gawing alila.
"What are you doing?"
Naka pamiwang siya habang naka tingin sakin na lumulutang dito sa pool. Hindi naman kasi abot ng panungkit ko ang ibang dahon kaya wala akong choice kondi ang sisirin ito.
Inirapan ko siya. Obvious namang nangunguha ako ng dahon no, sarap hambalusin.
"Hey kiddo don't ever roll your eyes on me!"
Hindi ko parin siya pinansin bagkos ay umahon ako sa pool. Tapos na naman ang trabaho ko dito kaya babalik na ako sa kusina.
"Aba't! Ayaw mo kong pansinin ah!"
Huli na ng malaman kong nasa likod ko pala siya, niyakap niya ako sabay talon sa pool. Hindi siya marunong lumangoy kaya agad siyang humawak sa likod ko para hindi malunod.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Naliligo?"
Ngumisi siya sakin sabay sigaw
"MOMMY HELP ME M-MOM H-HELP!"
hindi ko alam kong anong binabalak niya basta naka hawak ako sa buhok niya at huli na ng mapagtanto ko.
"Ohh my gosshhh! GLEN WHAT ARE YOU DOING!"
"Naku glen bata ka! Balak mo bang patayin si senyorito cidreck!"
Mabilis na tumalon si Ma'am Chris at kinarga ang anak niya. Nakita ko pa itong ngumisi sakin bago pumikit.
"My god he's not breathing manang lisa."
Natataranta si Ma'am pati narin si mama. Pero ako hito chill lang habang umaahon, hindi naman kasi siya nalunod.
"What have you done glen? Ano bang ginagawa nyo at nasa pool kayo?"
Hindi ako nilingon ni Ma'am Pam at patuloy lang siyang nag pump sa bandang dibdib ni cidreck.
Wala naman akong kasalanan pero hindi ko maiwasan na kabahan lalo na sa titig ni mama sakin. Ano na naman ang aabutin ko mamaya.
"Gosshhh thank you lord. Are you okay cid? What happened?"
Mariin akong napalunok ng tumingin sakin si cidreck nandon ang maliit na ngisi sa mapula pulang labi niya. Pati si mama at Ma'am ay napa tingin narin sakin.
"B-bakit?"
Mahina kong tanong. Nanginginig ang boses ko dahil sa ginaw.

BINABASA MO ANG
His Madness (BxB)
Roman d'amour"I don't know what mom sees in you to treat you as her son more than me. I can't let mom just ignore me while you enjoy the things she give you." nanginginig ako habang nakatingin sakanya. This is not the first time he yelled at me. But this is the...