"OIII BAKIT kasama mo yong mayaman na may ari nitong university?"
Hindi ko sinagot si Ivan tanging kibit balikat lang ginawa ko. Isang buwan narin pala simula ng umuwi ako sa puder ni Cidreck. Hindi ko naman talaga gusto ang tumira sakanya kaso pinag bantaan na naman ako ng tukmol.
"Sige na! Sabihin muna kasi."
"Basta mahabang storya."
Bumusangot siya. Si Ivan ang taong hindi titigil kapag hindi nakuha ang gustong sagot kaya ang nangyari buong araw niya akong kinulit tungkol sa bali-balita na kami na daw ni Cidreck.
Bumuntong hininga ako saka tumingin sa labas. Hindi na masyadong busy tapos na ang preliminary kaya nakaka hinga na ako ng maayos ngayon.
Tinignan ko si Ivan ng kalabit siya sakin ng kalabit kala mo gustong dumede. Inis ko siyang tinignan.
"Uuwi kana agad?"
Tumango ako, gusto ko sana gumala sana kaso palagi akong sinasabay ni Cidreck, matagal tagal na akong hindi naka gala dahil kay Cidreck na puro nalang bawal ang naririnig ko sakanya. Hindi na niya ako sinaktan pero parang kinulong naman niya ako sa mansion niyang bahay.
"Oo, bakit?"
"Sabagay susunduin ka pala ng ahermmm b-boyfriend mo."
Malakas ko siyang pinalo. "Hindi ko kasi siya boyfriend."
"Asosss ang possessive nga non eh may ganon bang kaibigan na subra kong maka bakod sayo."
Inirapan ko lang siya wala akong salitang maibabato sakanya kasi totoo namang subrang possessive no Cid. Feeling ko nga pati dito sa room may spy siya. Feelingon yan glen?
Patuloy kami sa kulitan ni Ivan kasi pinipilit niya ako na umamin napahinto lang kami ng may malakas na humampas sa mesa at malakas na pag tikhim.
Sabay kaming natahimik ni Ivan at tumingin sa pinto. Masamang at nanlilisik na mata ang una kong nakita.
"You two are done flirting."
Napa lunok ako, tinignan ko si Ivan na hindi na maka galaw sa kina uupuan dahil sa kaba. Para siyang na statua.
"M-mauna na ako G-glen nandyan na pala sundo mo."
Tumango lang ako, sabay kaming tumayo at nag lakad papunta kay Cidreck pero si Ivan halos lumuhod aa harap nito para lang maka daan.
Subrang sama ng tingin ni Cidreck sakanya para na siyang pinapatay nito sa isip.
"I don't want to see you talking to my property like that!"
Halos mabali akong le-eg ni Ivan sa kakatango. Kahit ako nakaka ramdam narin ng kaba at takot.
"And you!"
Umigting ang panga niyang naka tingin sakin dahilan para mag baba ako ng tingin ngunit mas lalo lang akong natakot ng nakita kong naka kuyom ang kamao niya namumula ang kamay niya at nakikita ko ang ugat na lumalabas dito.
"Let's go!"
Malamig niyang saad. Nag angat ako ng tingin at luminga linga para hanapin sana si Ivan kaso ang bilis naka takbo ng tokmol.
Bumuntong hininga ako saka sumunod kay Cidreck patungo sa parking lot. Marami pa akong studyante na nakakasalubong yong iba tinataasan ako ng kilay meron ding ngumingiti at yong iba titingin sakin at titingin din kay Cidreck na salubong ang kilay na halatang galit.
"Get in."
Mabilis akong pumasok sa driver set yes sa harap na niya ako pinaupo.
Napatalon ako ng padabog niyang sinarado ang pinto, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang maka pasok na siya sa kotche.
BINABASA MO ANG
His Madness (BxB)
Romance"I don't know what mom sees in you to treat you as her son more than me. I can't let mom just ignore me while you enjoy the things she give you." nanginginig ako habang nakatingin sakanya. This is not the first time he yelled at me. But this is the...