KANINA PA kami naka upo dito sa loob ng cafeteria. Hindi ako makakain ng maayos kong patuloy lang niya akong titignan, hindi ko alam kong bakit niya ako niyaya dito na kumain eh Wala naman siyang binili na pagkain.
Bakit siya bibili eh sakanya itong companya.
Bumuntong hininga ako saka ko nilapag ang tenedor sinadya ko talagang lakasan. Gutom na gutom na ako pero hindi naman ako maka concentrate sa pag kain dahil sa titig niya.
Nag angat ako ng tingin ngunit hindi ko inakala sa nakikita ko. Malungkot ang titig niya may luha pang dumaloy sa magkabila niyang pisngi.
"S-sir bakit ka po umiiyak."
Natataranta na ako. Ano na naman bang arte to Cidreck? Kinuha ko yong tissue na nasa tabi ko saka ko pinunasan ang luha niya sa pisngi. Hindi naman siya pumalag naka titig lang siya sa mukha ko na parang kinakabisado ang buo kong pagka tao.
"B-bakit g-ganyan ka makatingin s-sir?"
Agad siyang umiwas ng tingin at bahagyang umiling. Nakakainis ka Cidreck, ano ba talaga ang gusto mo? Hindi mo alam kong gaano kita ka miss. Ito na ehhh abot kamay na kita nahahawakan na kita pero bakit? Bakit feeling ko ang layo mo parin sa akin? Bakit feeling ko hindi ikaw ang Cidreck na minahal ko.
Busy ako sa pag o-overthink ng bigla siyang nag tanong. Na talagang nagpa durog sakin ng husto. Ano bang nangyari sa dalawang taon na hindi siya nagpakita sa akin?
"Nag kita naba tayo dati Reglen? Your n-name it's seems familiar t-to me."
Umawang ang labi ko habang naka tingin sakanya. Hindi kona kayang pigilan ang luha na kaninang umaga kopa pinipigilan.
"B-bakit Cidreck? B-bakit hindi mo ako maalala? N-nag tatampo kaparin ba sakin hanggang ngayon?"
Yumuko ako at humagulhol ang sakit sa pakiramdam na hindi na nga niya ako naalala. Ang sakit na tuluyan na talaga niya akong binura sa buhay niya, feeling ko may amnesia siya basi sa mga tingin niya sakin halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Ako nag tatampo sayo? B-bakit naman ako mag tatampo?"
"C-cid what happened 2 years ago? Please sagutin mo ako."
Kumunot ang nuo niya at mariing pumikit. Please Cidreck sagutin mo ako para malinawan ako. Hindi ko matanggap na matutulog ako mamaya na hindi ko makuha ang sagot na gusto ko.
"S-so kilala mo nga a-ako?" Namamangha niyang tanong. Malaki ang ngiti niya, ngiti na matagal ko mang hinintay. "Ang sabi ni Mom na accidente ako 2 year's ago ang totoo yon lang sinabi niya sa akin na accidente ako, gusto kong mag hanap ng impormasyon kong bakit ako na accidente."
Malungkot siyang yumuko. "I lost my memories. At ang pangalan mo lang ang tanging nag bibigay sakin ng excitement. Hindi ko alam kong bakit pero nong first time na binanggit ni Mavis ang pangalan mo parang nabuhay ulit ako. I'm sorry pero ako talaga ang nag pumilit kay Mavis na ipasok ka dito sa companya ko, i want to meet you personally. Feeling ko malaki ang parte mo sa buhay ko dati."
Sa subrang shocked ko hindi ako naka sagot sa sinabi niya. Kaya ba hindi kona siya nakita simula ng gabing yon? Possible din kayang ako ang dahilan kong bakit siya na accidente?
Weird pero masaya ako. Kahit sinabi niyang wala siyang maalala masaya parin ako kasi kilala ako ng puso niya, sa isip lang niya ako nawala pero sa puso niya nanatili parin ako doon.
Kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya. "I'm sorry. Promise tutulungan kitang makaalala ulit. But wait bakit ko ako tinawag na boyfriend kanina eh hindi mo naman ako kilala?"
![](https://img.wattpad.com/cover/360325450-288-k315085.jpg)
BINABASA MO ANG
His Madness (BxB)
Romance"I don't know what mom sees in you to treat you as her son more than me. I can't let mom just ignore me while you enjoy the things she give you." nanginginig ako habang nakatingin sakanya. This is not the first time he yelled at me. But this is the...