CHAPTER 20

86 6 0
                                    

BUMUNTONG HININGA ako at pabagsak na umupo dito sa loob ng Library. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Cidreck, mali pala ilang weeks na pagka tapos ng prelim hindi na siya nag paramdam.

Aaminin ko man o hindi pero na m-miss kona talaga siya. Palagi ko siyang inaabangan sa labas ng building nila kaso hindi ko siya nakitang lumabas tanging si Mavis at mga barkada lang nila ang nakikita ko.

Nong isang araw sinadya ko talagang dumaan sa room niya pero wala akong nakitang Cidreck.

Hay, saan naba siya?

Napa hilamos ako sa mukha ko. Baka nag tatampo siya sakin, nong huling pagkikita namin ay may hindi kami pagkaka intindihan dalawa. Nasigawan ko siya at nasabihan ng masasakit na salita.

Inaamin ko namang kasalanan ko talaga. Pero hindi ko inasahan na hindi na siya magpapakita sakin pagka tapos non.

Mabilis akong napa tayo ng makita ko si Mavis na pumasok dito sa library, kailangan ko siyang tanungin at kulitin.

"Mavis!"

Agad na tumingin sakin ang working dito sa university siya ang naka duty ngayon.

"Tahimik Glen."

Tumango ako at nag peace sign kilala na niya ako kasi nga para kona din itong ginawang bahay tong library.

Muli kong tinignan si Mavis alam kong nakita niya ako pero hindi man lang niya ako nilapitan kaya ako na ang nag kusang lumapit sakanya. May kasama siyang babae na ngayon ko lang napansin hindi ko kasi ito nakita kanina pag pasok niya.

"Mavis."

Walang expression ang mukha niya. Naka tingin lang siya sa libro at para bang wala ako dito sa harapan niya.

"Mav—"

"Tell me what you need, hurry up i have something else to do."

Bumuntong hininga ako, hindi ko alam kong may atraso ba ako kay Mavis pero ramdam ko talaga na may inis siya sa akin.

"A-alam mo ba kong saan si Cidreck?"

"Yes, but I won't tell you where he is."

Umigting ang panga ko. Bakit ba nagagalit tong isang to sakin, wala naman akong ginawang masama sakanya.

"Sabihin muna gusto ko lang siyang maka usap. Sige na Mav sab—"

Tumigil ako sa pag sasalita ng tumingin siya sakin, masama ang titig niya gaya ko umiigting ang panga niya.

"He doesn't want to see you. You're pushing him away kaya bakit mo siya hinahanap ngayon isn't this what you want na umalis ang pinsan ko sa buhay mo?"

Naka awang ang bibig ko habang naka tingin lang kay Mavis. Ramdam ko ang pag daloy ng mainit kong luha sa pisngi ko. Ang sakit lang marinig na ayaw na niya akong makita.

Ito ba? Ito ba ang nararamdaman niya sa tuwing pinag tatabuyan ko siya? Napaka ingot mo talaga Reglen.

Siguro napagod na siya kakaintindi sakin. Tao lang din naman si Cidreck at kailangan ng pahinga.

FLASHBACK

SALUBONG ang kilay ko habang naka tingin kay Cidreck. Kong galit siya mas galit ako, nakakainis hindi naman niya kailangan na sundan ako sa club para lang ipahiya malaki na ako at nasa legal age na.

"Listen to me glen. I followed you because I was worried about you. Maraming manyak doon sa club."

Inirapan ko siya. Inis na inis talaga ako sakanya parang gusto ko siyang hambalusin. Kakatapos lang ng prelim at nag yaya si Ivan at Sandra na mag bar kasi pumasa kami tapos ito lang ang gagawin niya sinira lang niya ang una kong pasok sa club.

His Madness (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon