"MORNING."
Bungad ni Cidreck sa kakagising lang na si Glen. Maganda ang ngiti ng binata may suot itong apron at may bitbit pa na sandok.
"Morning din."
"Mag ayos kana, breakfast is ready."
"Susunod ako."
Hinubad nito ang apron saka nag lakad sa closet para mag hanap ng damit, Glen looked away as Cidreck's perfect body appeared in front of him. Tumikhim siya at tumayo para pumasok sa banyo, hindi kaya ang makipag titigan sa abs ni Cidreck.
He even heard Cidreck's soft laugh before he finally entered the bathroom.
Umiling siya, pinag luluko lang yata siya ni Cidreck. Wala na ito sa kwarto ng lumabas siya sa banyo. Ngumiti siya ng maalalang pinag handa siya nito ng umagahan.
Natigil lang siya sa pag iisip ng marinig niya ang mahinang katok galing sa labas.
"Sir handa na po ang breakfast, bilisan n'yo daw dahil may meeting po si Sir Saze."
"Susunod na po."
Binilisan niya ang pag bibihis at agad na bumaba sa dinner. Mula sa kinatatayuan niya tanaw niya si Cidreck na seryoso habang naka tingin sa cellphone nito, may bitbit na kape ang kaliwa niyang kamay.
Ang hot. Kinurot niya ang sarili habang papalapit sa binata.
Tahimik siyang umupo sa tabi ng binata. Hindi parin nito binaba ang cellphone bagkos ay sumama pa ang titinig nito sa screen.
'Ano kayang tinitignan niya?' mahinang bulong ni Glen, bahagya siyang tumingkayad sa upuan upang silipin ang screen ng cellphone ni Cidreck ngunit agad na binaba ng binata sa phone. Pike itonh tumikhim at kunot nuong tinignan si Glen.
"What? Bakit ganyan ka maka tingin?"
"Curious lang ako kong sino ka text mo." Pilit niyang pinasigla ang boses niya kahit ang totoo ay gusto na nitong pumiyok. Hindi alam ni Glen kong bakit umaakto siya ng ganon eh hindi naman siya boyfriend ng binata.
"Ahh si Tuff gusto niya makipag kita sakin mamaya."
Agad na tumaas ang kilay ni Glen dahil sa narinig, makikipag kita? Kahapon lang nag kikita ang dalawa kaya bakit gusto pa ni Tuff na makita si Cidreck.
Ang kaninang masaya niyang mood ay agad napalitan ng pagka irita. Ayaw niyang magalit kay Tuff dahil ito ang tumulong sakanya noong panahon na wala siyang matakbuhan, pero naiinis siya sa sarili dahil hindi niya mapigilan ang sarili na magalit kay Tuff.
Maraming tanong na tumatakbo sa isip Glen ng lumabas sila sa kotche. Ngayon papasok na sila sa companya ni Cidreck, at ito na naman ang inis na bumalot sa sistema niya.
"What are you thinking?" Kunot nuo narin si Cidreck habang naka tingin sakanya, agad siyang bumuntong hininga. "Iniisip ko si mama." Matamlay niyang sagot sa binata, kahit ang totoo ay ito mismo ang iniisip niya.
Oo nga pala, nasaan kaya ngayon si Mama? Mas lalo siyang napa isip, sa oras na ito ay hindi na si Tuff at Cidreck ang laman ng isip niya, kundi ang ina niyang subrang tagal na niyang hindi nakikita.
"If I'm not busy, i will find your mother." Sagot ni Cidreck. Marahan pa nitong hinaplos ang likod ni Glen dahilan para mapaiktad ito dahil sa kiliti.
"Ahh huwag na nakakahiya na sayo."
"No it's okay, kikilalanin kona din siyang Mama dahil magiging Mama kona naman siya soon."
Umiwas ng tingin si Glen ng makita ang mapag larong ngiti ng binata. Nakakainis huwag kang kiligin self. Mahina niyang kinurot ang sarili ng hindi niya mapigilang ngumiti.
BINABASA MO ANG
His Madness (BxB)
Romansa"I don't know what mom sees in you to treat you as her son more than me. I can't let mom just ignore me while you enjoy the things she give you." nanginginig ako habang nakatingin sakanya. This is not the first time he yelled at me. But this is the...