CHAPTER 33

66 2 1
                                    

"OKAY LANG PO BA KAYO SIR?"

tinignan ko si manong driver at ngumiti. "Ayos lang manong, wag mo nalang akong pansinin." Nakakainis talaga bakit ba ako nag kakaganito? Alam ko naman ang motibo ng lalaking yon noon pa sinasaktan na niya ako.

"Nandito na po tayo Sir." Napa tingin ako kay manong. Bakit ang bilis?

"Kanina ka pa po kasi lutang Sir kaya hindi mo napansin na nandito na tayo."

Ngumiti nalang ako at nag bayad na.

Sa ngayon ay d-distansya na muna ako kay Cidreck, nasasaktan ako pag nakikita siya. Ano ba kasing nakain ko at nag pauto sa lalaking yon?

Nag buntong hininga ako, iwan kung ilang buntong hininga na ba ang nagagawa ko sa araw nato.

'ting.'

Dinampot ko ang cellphone na naka patong sa study table. Nakita ko agad ang name ni Earl sa screen.

I read his message, about lang naman kay Cidreck ang sinasabi niya. Kisyo hinanap raw ako nito, ano pa at hinanap niya ako para saktan at ipamukha sa akin na hindi niya ako gusto.

Mapakla akong napa tawa dahil sa naisip ko, kahit kailan hindi talaga ako mamahalin ni ng isang Cidreck. Nakakaawa lang ako kasi nangangarap ako sa pag mamahal niya.

Nang matapos ako sa pag liligpit ay agad akong umalis sa bahay niya mahirap na at baka maabutan pa ako kahit alam ko naman na hindi niya talaga ako susundan.

Earl:
Paki sabi nalang sa boss mo na huling araw kona ito ngayon, pasensya na sa biglaang pag alis ko pero mas makakabuti para sa akin kung aalis nalang ako.

Salamat sa pansamantalang pag papatuloy niya sa akin sa bahay niya.

Binasa ko ng maigi ang text ko, parang gusto kong bawiin. Tinignan ko ulit ang malaking bahay ni Cidreck. Ang sarap sanang tumira d'yan kasama ang taong mahal mo pero nakaka lungkot lang dahil hindi ako ang taong pinangarap ni Cidreck na makasama sa bahay na iyan.

“Manong paki hatid po ako sa terminal papuntang ****.” Mabilis akong sumakay sa pinara kong taxi. Tahimik lamang ako sa buong byahe iniisip ang panandaliang kasiyahan na nararamdaman ko kasama ang taong nanakit at nag pahirap sakin.

Hay, dibali na. Sa kakaunting oras ay nagawa niya parin akong pasayahin kahit hindi totoo ang pinaparamdam niya.

'ting'

Tinignan ko ang cellphone ko ng tumunog ito.

Boss sungit:
Where are you?! Maraming trabaho dito sa office at ikaw kung saan saan kalang nag pupupunta, huwag mong gawing big deal ang nangyari kanina.

Unti unti kong nararamdaman ang pag daloy ng luha ko sa pisngi. Ano pa bang aasahan ko sakanya? Masanay kana Glen, masanay kana sa mga sakit na ibinibigay niya sayo.

Ano kaya ang tingin niya sa akin? Noong may mangyari sa amin, ano kaya ang iniisip niya? Ano kaya ang relasyon namin dalawa.

Mariin na lamang akong napa pikit at hindi na pinansin ang mga text niya. Kung mananatili ako sa tabi niya ay siguradong masasaktan lamang ako.

Kaya mas mabuti narin siguro itong naisip kong paraan, ang iwan at hindi na siya makita pa ulit.

Kahit puro pananakit ang ginawa niya sa akin noon ay nagawa ko paring mahulog sakanya, kahit siguro anong pag hihirap ang ibigay niya sa akin ay magugustuhan ko parin siya.

His Madness (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon