A/N: Babaguhin ko ang POV para kasi akong mauubusan ng mga line kapag POV ni Cidreck or Reglen ginagamit ko.
BUSANGOT ang mukha ni Glen ng lumabas sa restaurant. Pano ba naman kanina pa siya hindi pinapansin ni Cidreck. Hindi niya alam kong may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan o baka sumumpong na naman ang pagka seloso.
Pero nasasaktan siya sa tuwing maiisip na sakanya nag selos ang binata dahil kinausap siya ni Tuff. Hindi na niya alam kong ano ang dapat isipin para lang hindi siya mag selos at mag overthink masyado.
"Are you okay?" Bakas sa boses ni Cidreck ang pag aalala, ngunit hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni reglen. Hindi din siya sumagot sa tanong ng binata.
"Where are we going? Hindi ito ang daan pabalik sa companya mo." Kasing tabang ng boses niya ang mukha na ipinapakita niya kay Cidreck.
Hindi naman siguro masamang mag tampo siya gayong nag seselos naman siya sa pinapakita ni Cidreck sa harapan niya kanina. Sa tuwing ngumingiti si Cidreck kay Tuff ay unti unting nauubos ang lakas niya.
"Sa condo mo tayo pupunta, kukunin natin ang gamit mo." Naka ngiti nitong sagot sakanya. Ngunit agad na kumunot ang nuo ni Glen, wala naman siyang naaalala na pumayag siya sa kondisyon nito.
"I've never said yes." Masungit niyang sagot sa binata na sinuklian lang nito ng mahinang tawa. "Akala ko pumayag kana since boyfriend mo naman ako."
Umismid si Glen. Hindi naman sila mag boyfriend noon papunta palang kong hindi lang nangyari ang accidente na naka hadlang sakanilang dalawa.
Hindi na niya sinagot si Cidreck dahil may mga katanungan na naman na umiikot sa utak niya.
"May naaalala kana ba?" Mahina niyang tanong sa binata. "Slight, palagi kong nakikita ang mukha mo sa panaginip kaya sure ako na may nakaraan tayo." Naka ngiti nitong sagot sakanya.
Ang ngiting naka paskil sa labi ni Cidreck ay unti unting nawala, napalitan ito ng lungkot habang mariing naka hawak sa manobela. Nagtataka tuloy si Glen kong ano na naman ang nasa isip ng binata ngunit hindi na siya nakialam o nag tanong.
Nang makarating sila sa condo niya ay walang pasabi siyang lumabas at naunang mag lakad papasok, bahala na si Cidreck kong susunod ba o sa kotche nalang mag hintay. Ngunit agad namang pumantay sakanya ang binata habang may pag tataka sa mukha.
"Ano bang nangyayari sayo? Why are you acting like that?" Kunot nuong tanong nito habang ang kamay ay naka akbay sakanya. "Wala lang ako sa mood." Mahina niyang sagot at pilit inaaalis ang malaki nitong kamay sa balikat niya.
"Are you jealous?" Marahas na nilingon ni Glen si Cidreck, malaki ang ngiti nito at nag taas baba pa ang kilay. "Why would i?" Muli, inikutan na naman niya ito ng mata. Naiinis siya, dapat mag tampo siya pero bakit sa simpleng akbay at sa boses ng binata ay may nag sasabi sakanya na wag nang mag tampo at palampasin nalang ang nangyari kanina.
Bumuntong hininga si Glen at hinayaan nalang ang binata na yumapos sa katawan niya. Nag tataka pa ang guard at ibang tao ng dumaan sila sa hallway papasok sa elevator.
Sino bang hindi mag tataka kong ang dalawang lalaki na nag lalakad tapos ang isa ay kulang nalang na sumakay sa kasama niyang lalaki.
Yumuko at umiling nalang si Glen. Gusto naman niya ang ginagawa ng binata. Akala ko ba naiinis ka? Umirap siya dahil sa naisip, pati utak niya kinukontra siya.
"Yan lang ba ang gamit mo?" Nag tatakang tanong ng katabi niya. "Hindi ko dadalhin lahat, hindi naman ako forever titira sa bahay mo."
"Pano mo nasabi?" Marahas niyang nilingon si Cidreck. Hindi niya alam kong anong balak ng binata kong bakit doon siya titira bahay nito. Hindi naman ito nakaalala kaya wala talaga siyang maisip na dahilan para doon diya tumira sa puder nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/360325450-288-k315085.jpg)
BINABASA MO ANG
His Madness (BxB)
Romance"I don't know what mom sees in you to treat you as her son more than me. I can't let mom just ignore me while you enjoy the things she give you." nanginginig ako habang nakatingin sakanya. This is not the first time he yelled at me. But this is the...