This story contains mature contents not suitable for young readers so read at your own risk!
I've warned Be aware
THIS IS A FILIPINO-ENGLISH LANGUAGE STORY.
This is work of fiction. Names, characters, business, place, events and incident are either product of author's imagination or used in fictitions manner.
Any resemblance to actual person, living or dead or actual event are purely coincidental.Started at: January 13, 2024
End at:
***
PROLOGUE
"Glen gumising kanang bata ka aba't daig mo pa ang isang mayaman." Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumaba agad dahil masakit ang tagiliran ko. Kahapon pa to sumasakit dahil sa malakas na pag bundol ko sa gilid ng lamesa.
Hays.
"Hoi Glen gising na maram—"
"Oo na mama lalabas na!"
Bumuntong hininga ako saka tumayo. Hindi na ako nag bihis tutal dito lang naman ako sa bahay buong araw dito sa loob at labas ng mansion lang punta ko.
Oo nga pala ako si Glen Hera 13 year's old ang nag iisang anak ni Milissa Hera. Katulong si mama sa mansion nato noon paman nong hindi pa ako pinanganak dito narin ako sa mansion isinilang at nagka malay.
Malaki talaga ang pasasalamat ni mama kay Ma'am Pam ang may ari sa mansion siya lang kasi daw ang tanging kumupkop kay mama noong wala itong malalapitan na kamag anak.
"Morning Glen!"
Ngumiti ako kay ate Mari sa lahat ng katulong dito siya lang tangi kong nakakausap pati kasi si mama ay ayaw ako kausapin kapag nasa trabaho kahit na nasa kwarto hindi parin naman niya ako kinakausap.
"Morning 'din ate Mari."
"Mapapagalitan kana naman ni ante lisa ngayon kanina payon galit dahil ang tagal mo daw bumaba."
Piki akong ngumiti at tumango ganito naman lagi ang morning routine ko.
"Sanay na ako kay mama te."
"Kahit na huwag kang masanay nalang. O sha una na ako marami pa akong lalabhan sa likod."
Tumango ako saka lumiko. Dumiretso ako sa kusina kong saan talaga ang unang bahagi ng trabaho ko hindi ako ang tagapag luto tanging hugas at kunting tulong lang ang maibibigay ko.
"Buti at naisip mo pang bumaba."
Hindi ko nalang pinansin si mama hinugasan ko ang mga gamit na nagagamit niya sa pagluluto.
Hanggang sa natapos ako at umupo nalang sa upuan, tinignan ko lang kong paano si mama mag luto ayuko din siyang kausapin dahil magagalit lang siya kapag inistorbo.
"Tapos mona bang linisin ang pool?"
"Ahhh wala pa nakalimutan ko mama."
"Linisin mona agad dahil nay bisitang dadating ngayon. E arrange mona rin yong lamesa at ang mga upuan don. Bumalik ka agad dito pagka tapos mo don."
Tumango ako, tinignan ko si mama ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin parang hindi mag ina ang set up namin dito sa mansion.
Pa kanta kanta ako habang nag pupulot ng dahon, nilangoy kona rin ang iba yong hindi abot ng panongkit ko kaya subra konang basa.
"GLEN!"
BINABASA MO ANG
His Madness (BxB)
Storie d'amore"I don't know what mom sees in you to treat you as her son more than me. I can't let mom just ignore me while you enjoy the things she give you." nanginginig ako habang nakatingin sakanya. This is not the first time he yelled at me. But this is the...