CHAPTER 6

132 11 0
                                    

SOMEONE'S POV

NAPANGITI nalang ako habang binabasa ang sulat na nasa kama niya. Sa wakas makaka pag pahinga narin siya sa mga pasakit niya dito sa mansion.

Dear Mama,

        Hi ma, siguro nasa malayo na ako kapag nabasa mona itong sulat. Pasensya na mama kong hindi ko kayo masasamahan diyan sa pag tatrabaho. Pero pangako po kapag may naipundar na po ako babalikan kita dito hahanapin ko lang ang lugar kong saan ako bagay at kong saan ako hindi nasasaktan. Pasensya ulit ma kong hindi ako malakas, Hindi ko kasi alam kong saan ako kukuha ng lakas ng loob para lumaban alam ko kasi na kasalanan ko talaga. Hahanapin ko rin si papa para sabihin na humingi siya ng tawad sa inyo, kapag nahanap kona siya saka na po kami hihingi tawad at luluhud sa harap niyo mama. Alam ko na hindi ako ang anak na pinapangarap niyo hindi ako ang hiningi niyo ni papa god pero pasalamat parin ako kasi hindi mo ako pina laglag noong nasa tiyan mopa ako. I love you ma promise babalik ako sayo kapag naka ipon na ang gwapo nyong anak mali pala maganda pala dapat.
Mag iingat ka palagi mama saka nasa ibabaw ng table ko ang gamot mo para maka tulog ka nang mahimbing tuwing gabie.

Nagmamahal
Reglen Hera

"I love you too anak, masaya ako na sa wakas ay namulat kana."

Ayaw kong sakin mesmo marinig ni glen na lumayas na siya dito sa mansion, ayukong sabihin sakanya mesmo dahil ayaw kong dagdagan ang sakit at pag tatampo niya galing sakin.

Gusto ko siyang yakapin at patahanin tuwing gabie. Sinasadya kong bumaba para tignan siya sa loob ng kwarto niya na para lang isang kulungan ni taffy.

Gabie gabie naririnig ko ang bawat hikbi at mga hinanakit niya, doon ko din nalaman na palagi siyang sinasaktan ng ni Chris, gusto kong kumprontahin si Cidreck pero hindi ko din siya masisi dahil tulad ko ay ganon din ang nangyari sa mommy niya.

Nakikita niya kong ano ang ginagawa ng hayop na lalaking iyon sa mommy niya hindi lang isang beses kundi maraming beses na.

"Mag iingat ka glen, hihintayin parin kita dito sa mansion."

✧✧✧

"Ano ba gusto mo dito sa baba o don sa itaas."

"Pwede tignan yong kwarto sa itaas?"

Tumango ang landlady nitong apartment na napili kong rintahan, bukod sa mura na medjo maganda pa ang kwarto.

Umakyat kami sa taas, hindi naman masyadong mataas sampong hagdan lang yata ito.

Lima ang kwarto dito sa itaas kapariho lang ng nasa baba.

"Ano pong kwarto yong hindi pa narentahan?"

"Ah doon sa pinaka huli."

Sumunod ako sakanya, magaganda ang pinto malaki rin ang space hindi rin masyadong naririnig sa labas kong anong ginagawa nong may ari sa loob.

Binuksan niya ang pinto, subrang linis kama at medyo malaki na table lang ang nakikita ko. May sarili ng kotson yong kama na hindi naman masyadong maliit kasya ang dalawang tao, at dahil maliit ako kahit mag lumikot pa ako hindi ako mahuhulog.

"Okay naba sayo ito?"

"Ahh opo kukunin ko po."

Binunut ko ang dalawang libo, 3k ang isang buwan mas maayos na kiss ibang apartment na napuntahan ko. 5k tapos luma na ang kwarto.

His Madness (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon