Sa tatlong Araw na lumipas , naging tahimik Ang Buhay ko. At sa tatlong Araw din yun ay Hindi ako pumasok ng paaralan. Tanging trabaho lang Ang pinagkaabalahan ko. Hindi ko pa rin Kilala Ang amo namin ,dahil di pa Naman ito nagpapakita. Napaka misteryoso Ng dating nito saakin. Dahil agaran akong natanggap kahit Hindi man lang ako kinilatis ng pinaka amo talaga. Hindi ba sya nangangamba na baka masamang tao Ako? O ayos lang sakanya Kasi mayaman naman sya. Napailing Ako sa naisip. Tinuon ko ang atensyon sa pag wawalis .
NASA harden ako Ng mansyon , likod bahagi ito nakapwesto kaya ayos pagtaguan to . Napakaganda ng mga halamang bulaklak , napakabango ng halimuyak Hindi nakakasawang langhapin.
Matapos Kong magwalis ay kinuha ko Ang hose . Sinimulan ko Namang diligan ang mga tanim. Kung ganito lang araw Araw Ang gagawin ko tiyak na palaging kalmado ang isip ko.Napabuntong hininga ako , matagal tagal na ring hindi ko naramdaman ang payapang kapaligiran. Magmula ng pumasok ako sa paaralang iyun , halos sunod sunod na kamalasan ang nangyari saakin. Hindi ko alam kung bakit ganun , tanging ako lang ang pinag iinitan nila.
Nakakalungkot Mang isipin na halos mawalan Ako ng sariling buhay magmula ng nakaapak ako dun. Siguro kung iBang tao lang nakaranas nun , siguro naisipan na nilang wakasan ang sariling Buhay.
Nakaka trauma , may araw na parang ayoko nalang pumasok kaso para sa pangarap ay gagawin Ang lahat.
Pero Ngayon , mas nakakatakot na sigurong pumasok matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Hunter.
Sa isipin palang na sobrang Galit ito dahil sa ginawang pagtakas ko. Ay tiyak na matinding parusa nanaman Ang aabutin ko sa mga kamay nito.
"Quin! Dalian mo Dyan at kailangan mo raw pumasok ng eskwelahan!"
Automatiko Akong napalingon sa entrada Ng Hardin naroon si Keyla nakangiti saakin habang kinukumpas ang mga kamay na para bang pinapalapit ako nito.
Pinatay ko Ang hose at nilagay ito sa kinalalagyan nito kanina. Kunot noo akong lumapit dito habang pinupunas ang basang kamay sa uniporme ko.
"Huh? Sino nagsabi?" Takang tanong ko dito , ngumiti ito ng matamis saakin at marahang pinisil ang ilong ko. Nakasimangot Kong tinampal ang kamay nito na kinatawa Naman nya.
"Si amo daw Ang nagsabi , Sabi ni Manang." Kinikilig sya habang sinasambit ang MGA salitang yun. Napangiwi Ako. Gwapo ba ang amo Namin para kiligin sya Ng ganyan?
Napakamot Ako sa ulo ko , at bahagyang umiling sakanya.
"Ayokong pumasok eh." Napahinto Ako ng itapat nito ang daliri sa bibig ko.
"Shhh , utos talaga eh." Saad nito at hinila na ako paalis Ng harden. Patuloy Ako nitong hinila papuntang mansyon.
Nang nasa loob na kami ay sumalubong SI Manang Linda.
Ngumiti ito saakin."Papasok ka Ngayon iha, magtatrabaho ka lang daw pag Oras ng sabado at linggo pero Dito ka pa rin mananatili." Saad nito , naguguluhan ko itong tiningnan.
"Ha? Panu po pag ayokong pumasok." Alanganing Saad ko, napailing ito at tumalikod saakin.
"Wala kang magagawa iha, utos nya kaya dapat sundin. Don't worry may allowance ka naman weekly." Saad nito at umalis sa harapan namin.
Naguguluhan kong tinitigan ang bulto nitong papalayo samin ,napabaling ang tingin ko sa kasama ko ng sundutin nito ang tagiliran ko.
"Ang totoo , magkakilala ba kayo ni sir." May halong panunukso ang boses nito , kaya napakamot Ako sa pisngi ko at tinabig ang kamay nito.
"Hindi noh, wala nga akong ideya kung bakit parang sya pa mag papaaral saakin eh." Saad ko , totoo naman eh. Mas lalo tuloy dumami ang katanungan ko patungkol sa amo namin .
![](https://img.wattpad.com/cover/361826400-288-k230534.jpg)
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION
RandomHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...