Chapter 22

192 6 0
                                    

Nanatiling nakatulala ako sa kawalan , iniisip kung bakit pinagtanggol ako ni Hunter. Concern ba Siya sakin? Anu ba ang ugnayan nila ni Denice? Teka bakit parang curious ako.

Napailing nalang ako at binaling ang paningin sa langit. Tumingala ako. At muling inisip ang mga alaalang bumisita sa isip ko kanina. Totoo ba ang mga Yun? Oh baka Dala lang Ng pag iisa.

NASA garden parin ako. Umalis agad si Hunter kaya balik pag iisa ako .

Humugot ako Ng malalim na hininga at pinikit ang magkabilang mata.

Nalilito ako.

Ang mga alaala bang Yun ay parte Ng nakaraan ko? Bakit ngayon lang pumasok sa isip ko ang mga Yun. Bakit Hindi pamilyar sakin.

Sino ba talaga ako .

Raquin ba talaga ang pangalan ko?
Revales ba ako?

Naguguluhan na ako. Puno Ng katanungan ang isip ko. Hindi ko alam kung sino ang sasagot sa mga katanungan ko. Siguro sarili ko rin mismo.

Ramdam ko ang pag iinit Ng sulok Ng mga mata ko. Mas Lalo ko nalang pinikit Ng mariin ang mata ko at pinigil ang luha na wag pumatak.

Sa matinding kaguluhan Ng isip ko ay nanghihina ang loob ko. Para bang Hindi ko kilala ang sarili ko sa pag kakataong to.

Minulat ko ang mata ko at dahan dahang tumayo. Sa ngayon ay kailangan Kong malaman Kong anung nilalaman Ng mga alaalang bumalik sa isip ko.

Paunti unti , nais Kong malaman kung sino talaga ako.

Ang alaala ko lang ang tanging makakasagot sakin. Kaya hihintayin ko ang utak ko mismo ang magsabi kung sino talaga ako.

-+-

"Hi"

Napalingon ako sa lalaking humarang sakin. Naglalakad ako papuntang classroom Ng may humarang sakin. Mahigpit Kong niyakap ang lunch box na hawak ko.

Tinitigan ako nito sa mukha na nagpailang sakin. Bakit ganyan Siya makatingin? May Mali ba sa mukha ko.

"Matagal na kitang gustong lapitan kaso nahihiya ako eh" kumamot ito sa batok Niya at nahihiyang ngumiti sakin.

"E-eto nga pala para Sayo" may nilabas syang chocolate galing sa bulsa Niya at inabot ito sakin. Napasulyap ako sa kamay nyang may hawak na chocolate at sa mukha niyang masayang nakatitig sakin.

Nakakahiya naman kung Hindi ko tatanggapin. Napapalunok Kong kukunin Sana ang chocolate.

"No more boys My Quin ."

Si Hunter , napapikit ako at binaba ang kamay at nginitian ang lalaki Ng hilaw bago binaling ang tingin Kay hunter na NASA likod Ng lalaki.

Masama itong nakatitig sa likod Ng lalaking kumakausap sakin. Na para bang Isang maling galaw lang nito ay maaaring katapusan na nito .

"A-ah, may b-boyfriend Ka na pala. S-sige alis na ako. " dali daling umalis ang lalaki at di na nag atubiling lumingon Kay hunter o saakin man lang. Maraming takot Kay hunter Dito. Sabagay nakakatakot naman talaga ito.

"Nawala lang ako saglit nanlalake kana"

Marahan itong lumapit saakin . Kaya tumalikod ako at dali daling lumayo sakanya. Baka saktan niya ulit ako.

Napalunok ako Ng sariling laway Ng maramdaman Kong hinawakan Niya ang braso ko na para bang pinipigilan Niya akong lumayo sakanya.

Hindi ito mariin o masakit man lang . Para bang may pag iingat sa hawak nito.

"H-hindi, Hindi ako nanglalake. L-lumapit lang Siya sakin " mas Lalo Kong niyakap ang lunch box.

Bakit feeling ko ay may nobyo akong nagseselos ? Namula ang magkabilang pisngi ko. Mabuti nalang ay nakatalikod ako kundi kahihiyan talaga to.

Anu ba ang pinag iisip mo Raquin? Masyado kang assumera. Hindi mo magiging nobyo ang Isang Hunter  Kase pagiging mabait nga Sayo ay Hindi Niya magawa eh!

Nga naman . Malabong Malabo nga naman . Pero Kasi eh.

"My Quin ."

Nabalik ako sa reyalidad Ng may tumapik sa pisngi ko. NASA harapan ko na pala si Hunter , Ewan ko ba kung naghahalucinate lang ako o anu pero may nakikita akong pag aalala sa mata nito.

Bumuntong hininga ito sa harap ko at hinaplos ang dalawang pisngi ko .bakit may halong lambing ang haplos Niya.

Anong nangyayari Kay hunter?

"I won't hurt you anymore my Quin. I promise."

Tumibok Ng malakas ang Dibdib ko.

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon