Nakaupo kami ni Hunter sa may mini hills , kahit naiilang ako dahil magkatabi kami ay wala akong nagawa dahil dito lang talaga tanaw na tanaw ang magandang view ng papalubog na araw.
He's silent the whole minute passed .
Tanging mga huni lamang ng mga kuliglig ang namayani , walang sinu man ang naisin wasakin ang nakakabinging katahimikan. Tiningnan ko ito. Tulala ito habang nakatitig sa araw na papalubog. Kaya napabaling na rin doon ang paningin ko.
May malabong ala-ala ang pumasok sa isip ko pero hindi ko alam kung sino ang naroroon basta ang alam ko lang ay nangyari din dito sa mismong hills na to.
Mariin kong hinawakan ang ulo at bahagyang iniling baka sakaling mawala ang sakit, nagtagumpay naman ako dahil sa nawala rin ito agad.
What was that.
Buntong hininga kong binaling ang paningin sa katabi ko ngunit ganun na lamang ang kaba ko ng makitang nakatingin na ito sakin. Walang mababakas na emosyon ang mukha nito habang nakatitig sakin.
Sus parang kanina lang umiiyak to , kung di ko lang napagkamalan na multo baka sakaling nasilip ko pa kung pati ba pag iyak nito eh wala ba din bang emosyon.
"You saw me break down earlier." saad nito , napataas ang isang kilay ko. Saw daw? Eh hindi ko nga nakita. Nagkibit balikat ako .
"Hindi naman." nilaro ko ang laylayan ng damit ko at inisip na ito ang pinaka magandang pagkakaabalahan ngayon.
Rinig ko ang paghinga nito ng malalim kasabay ng pag iwas nito ng tingin saakin.
"I will stay away with you , this time. To fix my self."
Napatingin ako sakanya , bakas ang pagtataka sa mukha ko. Nasa unahan lang ang paningin nito.
"Ang mga ginawa ko sayo masyadong grabe ,and I'm being toxic towards you." kita ko ang lungkot na dumaan sa mga mata nito.
"hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag hinayaan ko pa ang mas malalang magawa ko sayo." he paused a minute.
"Yes , tama sila. I'm afraid to lose you the way I lose her. " he heaved a deep sigh and stared in nowhere.
"I-I was being scared of being alone again, kaya nagagawa ko yun. Siguro, tama sila. Dapat nga siguro kitang layuan. K-kasi baka sa kakaselos ko ay mas lalo ka lang masaktan. And I hate it. Ayaw ko man ay gagawin ko pa rin."
Tumingin ang mga mata niyang mapupungay sakin ,malayo sa Hunter na puro galit ang kayang maramdaman. He's different today , ang kanyang awrang matamnlay ay nagbibigay lungkot saakin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon kaya tanging pagtataka lamang ang nakaukit sa mukha ko.
Nagulat ako ng makitang may isang butil ng luha ang lumabas sa kaliwang mata niya. Gulat ko itong pinahid. Mariin siyang pumikit na para bang dinaramdam ang init ng palad ko.
"S-stop." hindi ko alam pero ramdam ko ang hirap sa boses niya, para bang hirap siyang layuan ako. Labag sa kalooban niya. Napatigil ang palad ko sa pagpahid ng luha niya dahil mariin niya itong hinawakan.
Sa sobrang higpit ay ramdam ko ang pamamanhid , napadaing ako. Pabalang niya itong binitiwan at siya na mismo ang nagpahid sa sariling luha niya.
Tumayo siya kaya napatingala ako sakanya, wala na ang matamlay niyang mukha. Malamig na ulit ito. Walang emosyon ang mga mata niya , ang labi niyang mariin na magkalapat. Ang kamay niyang nakasuksok sa magkabilang bulsa niya. Habang prenteng nakatingin sa unahan.
"umuwi kana , magagabi na."saad nito at tumalikod saakin.
Nakatingin lang ako sakanya hinihintay na mauna itong umalis.
Kunot noo ako nitong nilingon at sinamaan ng tingin."go home already." matigas ang pagkakasabi nito. Kaya tumayo nalang ako sa pagkakaupo.
"eto na." saad ko sa mahinang boses, hindi ako nito pinansin dahil hinila niya nalang ako papauna sakanya. Wala akong nagawa kundi sumunod.
Nakangiwi ako habang naglalakad kami dahil tinutulak niya ako para mas mapadali ang paglalakad ko.
"wag naman mang tulak uyy." halos hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa kakatulak nito. Rinig ko lang ang pagsinghal nito.
"Mabagal ka kasi." rinig kong sabi nito at pinagpatuloy ang pagtulak saakin.
Nakalabas kami ng parkeng iyun na puro tulak lang saakin ang ginagawa niya. Para tuloy akong hostage sa ginagawa niya.
He drive me home. Hindi ko alam pero ramdam ko ang lungkot ng matanaw ko ang matipuno nitong likod na papalayo na saakin. And I must say na seryoso siya sa mga sinabi niya.
"Take care , no boys allowed. If I see you with boys again . Don't expect that I will stick to my words."
Huling saad niya bago tuluyang umalis. And I know na iiwasan na niya ako in other day. Ayos lang para rin naman sakanya yun or para sakin din. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumunta ng kwarto ko. Nadaanan ko pa si Misha na masama ang titig sakin but hindi ko ito pinansin, masyado akong pagod para pansinin ang istorbong tulad niya.
---
A/N.
Ngayon lang ulit
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION
RandomHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...