Naging tulala ako sa buong klase , ang nasa utak ko lang ay ang mga sinabi ni Dash. Natauhan lang ako ng may kumalabit saakin.
Nabungaran ko ang nag aalalang mukha ni Dash.
"What's wrong."
Umiling lang ako sa tanong nito at tumayo na ng makita kong wala ng teacher sa loob ng silid.
"kung inaalala mo ang sinabi ko , dont mind it." sabi nito at inalalayan akong humakbang. Naiilang akong lumayo dito at naunang maglakad sakanya. Ramdam ko naman ang pagsunod nito.
Dumiritso ako sa garden kung saan una kaming nagkita ni Hunter. Gusto kong malinawan sa mga nalaman ko. My curiousity kills me.
Nang makarating ako ay dali dali kong tinungo ang puno na kung saan ang unang pakikipag usap nya saakin ay doon nangyari. Hindi nakasunod saakin si Dash dahil sabi niya ay pupunta muna sya sa cafeteria para bumili ng makakain namin.
Malungkot akong napabuntong hininga ng tanging malamig na simoy ng hangin ang siyang sumalubong saakin . Walang anino ni Hunter. Nasan kaya siya? Sa loob ng dalawang linggong iyun ay hindi sya nagpakita sakin. Kahit anv umuwi man lang ng mansyon ay hindi nya ginawa.
Maraming katanungan ang nasa isip ko. Gusto kong malinawan. Baka sakaling maintindihan ko pa siya. Hindi naman ganun katigas ang puso ko para hindi magpatawad sa kapwa.
Tatalikod na sana ako ng maramdaman ko ang isang titig galing sa taas. Tumingala ako.
Sumalubong saakin ang malamig ngunit may bahid ng lungkot niyang mga mata. Sumilay saakin ang munting ngiti na kinagulat nito. Tumalon ito sa harapan ko.
Muling nanumbalik sa isipan ko ang unang pagtatagpo namin, kagaya nito pero hindi dati ay purong takot lang ang nararamdaman ko. Hindi tulad ngayon na awa ang nararamdaman ko.
"How are you." malamig na tanong nito saakin, nakapamulsa ang dalawang kamay nito habang diritsong nakatingin saakin.
"I-im fine. How about you."
Kita ko ang pagkunot ng noo nito at bahagyang tumawa ,yung tawang walang bakas ng emosyon.
"after what I did to you, your asking me that." may bahid ng pagkadismaya ang boses nito. Umiwas ako ng tingin at hindi maiwasan ang mas lalong maawa sakanya. Alam ko walang tao anv gustong makaramdam ng awa sa kapwa pero hindi ko magawang pigilan ang sariling maawa sakanya.
"Tell me ,did they tell you already?" bumalik ang mas seryosong mukha nito na syang kinakatakutan ko noon.
Tumango ako at hindi magawang tumingin sakanya. Tumalikod ito saakin .
"I dont need your pity. She's better than you , but why tha h*ll Im acting this way. Your not even kind as her." he said coldly.
"stay away from away me, and I'll do the same." he said and walk away.
Ramdam ko ang kirot sa puso. He's words makes my heart twitched in pain.
+
Ilang minuto akong naging tulala sa aking kinatatayuan nang tuluyan ng dumating si Dash bitbit ang mga pagkain. Inayos ko ang sarili at pinilit na isawalang bahala ang lungkot na nararamdaman. Ayokong mahalata nito ang aking nararamdaman masyadong mababaw para macomfort.
"I saw Hunter , nag usap ba kayo? He's colder as f*ck." hindi ko tinugunan ang naging hayag nito , ang atensyon ko ay nakabaling lamang sa mga pagkain. Tinulungan ko itong ipwesto lahat ng pagkain.
Nang kumain na kami ay hindi ko mapigilang malungkot muli , he only said that but why the hell I'm hurt . Mas ayos nga siguro yun para hindi na magpatuloy ang nararamdaman niya .
Ilang subo lang ang nagawa ko at nawalan ng gana , ramdam ko ang mga titig na pinupukol sakin ni Dash ngunit nanatiling tikom ang mga labi nito. He thinks I'm weird today, and I'm agree too.
Siya ang umubos sa mga pagkain , and I'm glad na hindi siya nagtatanong. He's giving me privacy.
Sa boung magdamag ay pinilit kong kalimutan ang naging pag uusap namin. Pumasok na ito sa lahat ng subject pero hindi katulad dati, ang mga tingin namin ay hindi na nagtatagpo at siya na ang gumagawa nang paraan para hindi na mangyari yun.
And it's easy for him though , kasi likas na snobber siya. Unlike me.
Sa oras ng uwian naman ay napagpasyahan kong hindi muna umuwi ng maaga . Hindi rin ako nagpahatid kay Dash kahit na ang dami nitong sinasabi para mapilit ako.
Nanatili muna ako sa lumang parke , walang katao tao dito dahil sa abandonado na ito. Tanging ako lang.
Marahan kong tinutulak ang sarili para magalaw ang swing na kinauupuan ko. Nakakaramdam ako munting ginhawa pag pumupunta ako dito , para bang may malaking parte ang parkeng ito saakin.
Ilang minuto ang linagi ko dito at napagpasyahan ng tumayo. Tatalikod na sana ako ng may maaninag akong tao sa bandang mini hills. Nangilabot ako, may multo dito?
Kahit sobrang panginginig ng kalamnan ko ay pikit mata ko itong tinungo . Mahihinang lakad ang ginawa ko para hindi makuha ang atensyon nito. Mas lalo akong napalunok ng tuluyan na akong makalapit.
Natigilan ako, schoolmate kami? Yung uniform niya pareho sa uniform namin although hindi na yun nasusuot dun kasi mga pasaway estudyante dun.
Pero mas lalo akong natigilan ng mahinang nag tataas baba ang balikat nito. Lalaki ito base sa sout at hair cut. Nakakatakot lang kasi baka humarap saakin at yung mukha baka maraming dugo. Mukha pa naman itong hindi pa gusto ang mamatay base sa iyak nito.
Nakagat ko ang babang bahagi ng aking labi. Tatalikod na sana ako ng magsalita ito.
"who are you"
Ilang santo ba ang natawag ko sa pagdadasal , siguro mga sampo. Multo na nga nag eenglish pa. Napapikit ako at nagbingi bingihan na muling humakbang.
"Quin"
Kilala niya ako ? Isasama na ata ako ng multong ito------
Halos tumili ako ng hawakan nito ang braso ko , malamig ang kamay nito. Mas lalong nanginig ang katawan ko. Hihimatayin na ata ako sa kaba.
"Why are you shaking?"
Napatingin ako dito , mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ito. Si Hunter lang pala. Binawi ko ang braso ko at nanghihina na umupo sa tabi. Sobrang kaba ko ay parang nanlalambot mga tuhod ko. Kunot noo itong nakatitig saakin . Alam kong namumutla ako dahil sa takot.
Akala ko multo na eh.
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION
RandomHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...