° CHAPTER 5

613 9 0
                                    

Tagumpay na nadala ako ni Dash sa Hospital . Nag alangan pa nga Ako dahil sobrang baho ko baka paalisin lang kami.

Pero tita Naman daw nya Ang may Ari Ng hospital kaya Wala akong nagawa , kundi ang tumango nalang. Kelangan ko rin naman Kasi ng tulong eh .

Ilang buntong hininga na lamang ang pinaka walan ko habang nakatitig sa ceiling . Tapos ng tingnan Ng doctor ang kalagayan ko, kelangan ko nalang daw magpahinga.

Anu na kaya mangyayari sa susunod na araw ko sa paaralang iyun.  Alam Kong Hindi ako tatantanan ng lalaking Yun base pa lang sa galit na nakaukit sa kanyang mata .

Nakakapagtaka lang , ba't sya galit saakin? Hindi ko naman sya Kilala at ni minsan ay Hindi kami nagkakilala sadyang Nung Araw na Yun lamang .

Anu kayang pinagmumulan Ng Galit nya , baka katulad lang din ng iba . Galit saakin Kasi masyado akong mababa kumpara sa mga katayuan nila. Oh baka Naman sadyang mainit lang Ang ulo kaya ganun.

Mabuti nalang ay walang nabali saakin , ayokong mahirapan sa sarili Kasi walang mag aalaga saakin pag nagkasakit Ako.

Wala ang magulang ko na titingin saakin , Walang Kapatid na papatawanin Ako. Tanging Ako lang mag Isa Ang mag iintindi sa Sarili kaya kung maaari ay panatilihin ko ang pagiging malakas. Though parang mahirap pero I'll try.

Kanina pang umalis si Dash sigurado ay papasok na Yun. Hindi muna ako papasok Ngayon , nakakatamad Lalo nat grabe ang kahihiyan ko kanina .

Si Dash nalang daw bahala mag excuse saakin. Mabait sya pero nandun parin saakin ang pagdududa .

Anu ang motibo nya at tinulungan nya ako? Hindi ko makapa ang sagot , Hindi ko kayang maghusga sa taong tumulong saakin. Sadyang palaisipan lang sakin Ang ginawa nyang pagtulong.

Napahikab Ako Ng maramdaman ang antok na lumukob sa Sistema ko.

Sa pagdaan ng minuto ay nawala ang mga agam agam ko at tuluyang nahulog sa pagkahimbing.

NAALIMPUNGATAN Ako Ng may marahang humahaplos sa buhok ko , kumunot ang noo ko.

"D-Dash?" Paos Ang boses Kong saad ,nagbabasakaling sya iyun pero napamulat Ako Ng walang sumagot.

Mapungay ang mata Kong tiningnan ito . I-its Hunter!
Anung ginagawa nya Dito? Sasaktan nya ba ulit ako?  Nilukob Ako ng takot at sobrang kaba Ang nararamdaman ko ng ngumisi ito saakin.

Agad Kong hinila ang kumot at tinaklob sa sariling katawan. Puno ng takot ang mata ko at alam Kong ramdam nya iyun base sa mga tinging pinapakita nya. Natutuwa syang nakikita na takot ako.

"Good to see you" malamig ngunit may pang iinsulto Ang Boses nito. Marahan akong napalunok.

"Akala ko naghihingalo kana kaya binisita kita" Saad nito at dinikwatro ang paa habang nangingising nakatingin saakin.

Ang maamo nyang mukha ay parang sumpa , kung gaanu kaganda ang panlabas nitong anyo ay sya namang kinasama Ng ugali nito.

"But thanks God , hinayaan ka pang mabuhay. Para siguro maramdaman mo pa ang paghihirap"

Napakuyom ang kamay ko , nag iinit ang sulok Ng Mata ko . H-hindi naman Ako mamamatay agad , siguro mababalian ako Ng buto pero mamatay? Hah parang Tama sya , nabuhay siguro ako para maramdaman ang sakit at lungkot ng pagiging Buhay.

"Your pathetic" ang mga insulto nya ay nagdadala ng mabibigat na mga damdamin saakin, tahimik Kong pinahid ang luha . Wala akong imik sa mga sinasabi nya , alam Kong totoo naman iyun pero ang mga Galit nya saakin ang nagbibigay katanungan saakin.

"Take a rest. See you tomorrow for your new suffering." He said then leave me with a heavy heart.

Sunod sunod ang naging hikbi ko . Hindi ko alam sobrang sakit sa pakiramdam ko ang makitang may mga taong Galit saakin.

Am I not lovable? Kasi pati pamilya ko ay iniwan Ako.

Siguro wala nang magmamahal saakin. Tanging Sarili ko nalang yata ang magiging kakampi ko.

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon