° CHAPTER 10

868 10 0
                                    

Dahan dahan Kong minulat ang aking MGA mata , iniisip na sana panaginip lang Ang mga naganap ngunit Lalo akong nanghina ng mabungaran ko Ang Hindi Kilalang kwarto.

Nilibot ko ang paningin , it's just a plain room. Magmula sa kurtinang puti , ang bintanang parang rehas Ang desenyo . Ang puting kama na may puting kumot din. Lahat puti ang nakikita ko sa kwartong ito. Hindi ko alam kung nasaan Ako , pero ang huling naaalala ko lang ay dinala Ako ni Hunter SA kung saan.

Muling nanumbalik ang takot saakin , pilitin ko Mang maging kalmado pero lagi akong pinapangunahan ng matinding takot.

Tumayo Ako at muling nilibot ang paningin , I need to escape. Walang rason para manatili Ako Dito. Sa kwartong to ay may sariling banyo. Kaya marahan Kong tinungo Ang banyo.

Walang pag aalinlangan ko itong pinasok. Naghanap Ako ng bintana na kakasya ang katawan ko.

Maaari Kong ikapahamak ang magiging aksyon ko pero kailangan Kong subukan , ayokong mamatay ng Hindi sinusubukan ang tumakas.

Nagdiwang ang kaloob looban ko ng makita ang bintanang medyo Malaki , sakto Ang katawan ko. Medyo mataas ito pero kaya ko Namang abutin .

Linock ko muna Ang pinto ng banyo , at isinampa ang paa sa inidoro. Sinimulan Kong iangat ang Sarili.

"Here is your------- RAQUIN! WHERE THE H*LL ARE YOU!" Dumagundong Ang galit nitong sigaw , kaya Wala akong inaksaya na Oras at agarang pinagkasya Ang Sarili sa bintana. Ramdam ko ang mabibigat nitong yabag papunta Dito sa banyo kaya kailangan Kong madaliin ang kilos.

"Open this God*mn door!" Malalakas na kalabog ang kanyang ginagawa at kita ko na Ang malapit na pagkasira Ng pinto. Nang mabubuksan na ito ay saktong naihulog ko na Ang Sarili palabas.

"F*CK! YOU CAN'T ESCAPE FROM ME!"

Napadaing Ako ng maramdaman ang matinding pagkahulog. Agaran Kong itinayo ang Sarili Ang mabilis ang kilos na tumakbo palayo.

Hindi ko alam kung nasan ako ,pero sisikapin ko ang makatakas sa impyernong to.

Hindi ko na alam kung saan ako napadpad , pero hinahanap ko ang daan papuntang kalsada. Nasa kagubatan Kasi ang mansyon na iyun kaya hirap akong hanapin ang kalsada.

Sa ilang Oras Kong pagtakbo ay sa wakas nahanap ko na Rin ang kalsada. Nakahinga ako Ng maluwag , agaran akong pumara ng taxi. Nagdalawang isip pa ito kung pasasakyin ako nito ngunit pumayag nalang ito ng magmaakawa ako. Kailangan Kong makaalis Dito as soon as possible. Ayokong mapunta sa Wala Ang paghihirap Kong makatakas.

Halos maiyak ako sa tuwa ng umandar Ang taxi , sa wakas at makakalayo na rin ako sa Lugar na to.

Huminto Ang taxi sa eskinita kung saan naroon Ang bahay ko. Pinaghintay ko Muna ito at kumuha Ng Pera sa bahay.

Pagkaabot ko sakanya ng bayad ay Todo pasalamat Ako sa kadahilanang tulong nya saakin. Hindi man NYa alam ngunit laking pasasalamat ko ng pasakayin Ako nito.

Pagod Kong tinungo Ang Bahay ko , nakaramdam ako ng kaginhawaan ng maramdaman Kong ligtas na akong muli.

Hiniga ko ang sarili sa papag , Hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa sobrang takot na naramdaman ko kanina na baka maabutan Ako at tuluyan na nyang patayin.

Sa pag iisip ko ng malalim at sa sobrang pagod na rin ay Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising , lunes na. Dalawang araw akong walang pasok sa trabaho kaya mahihirapan ako sa panggastos Ngayon.

Balak Kong huwag pumasok ngayon , o kung sa anu mang Araw man. Mahirap pumasok pag nandun ang magiging dahilan ng paghihirap ko.

Naligo na Ako at nag bihis ng pormal , balak Kong maghanap ng panibagong trabaho.

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon