“What was this, huh?” Salubong ang mga kilay ni Miss Arah Fuentes habang hawak ang ibinigay niyang mga dokumento na ipinaayos nito.
“Sabi niyo po kasi i-sort ko lang,” pabulong na tugon ni Autumn.
“Sort? Is this what you called sorting, huh?! Ganito ba ang sorting? Tingnan mo nga?” malakas nitong sigaw. Pinuno ng tinig nito ang buong marketing department na kinaroroonan nila. “Tingnan mo!” Idinukdok nito ang mga papel sa lamesa nito.
Napatingin siya roon. Binuklat niya iyong isa-isa. “Tama naman po.”
Napahimalamos sa mukha ang kaniyang boss. Si Miss Arah Fuentes ang head ng marketing department ng kompanyang pinapasukan niya— ang Lagdameo Cement and Steel. Isa ito sa mga kompanyang nasa ilalim ng Lagdameo Group of Companies— na noong simula ay isa lamang architectural and engineering firm.
Napalago pang lalo ni Mr. Leandro Lagdameo ang kompanya nito, kasama na rin ang kompanyang minana ng asawa nito sa yumaong ama— ang Quijano Builders. Katulong nito sa pagpapatakbo ng negosyo ang tatlong anak na lalaki, pati na ang asawa nito. At nagtatrabaho siya roon bilang isang office clerk. Iyon ang kauna-unahan niyang trabaho pagka-graduate niya sa kursong Hotel and Restaurant Management. May kalayuan sa nais niya, pero naninitili siya roon dahil sa maayos na benefits.
“These are not right, st**id! Hindi ka ba marunong tumingin? Hindi mo rin ba nakikitang kulang ang mga iyan? Nasaan na ang iba pa?” Isang linya na ang mga kilay nito habang nakatitig sa kaniya.
Mahigpit siyang napakapit sa splits ng suot niyang mahabang palda. Hindi maganda ang patulan ang babae dahil baka mawalan pa siya ng trabaho.
Huminga siya nang malalim. Hindi inaalis ang mga matang tinitigan niya ito. “Iyan lang po ang iniabot ninyo sa akin kanina. Wala na pong iba,” sagot niya.
“Wala ng iba?” Lumakad ito sa may lamesa niya na nasa di-kalayuan. May kinuha ito roong isa pang folder saka bumalik sa harap niya. “Anong tawag mo rito, ha?” Iniitsa nito ang folder sa harap niya. Tumama iyon sa kaniyang dibdib.
Napangiwi siya.
“Bakit hindi mo tingnan?” sarkastiko pang wika nito.
Hiyang-hiyang pinulot niya ang nagkalat na papeles sa sahig. Alam niyang kanina pa siya pinagtitinginan ng mga katrabaho. Gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan sa sobrang kahihiyan.
Inayos niya ang makapal na salamin bago tumayo. Pinasadahan niya ng tingin ang mga papeles na nasa palad. Kasamahan nga iyon nang ginagawa niya.
“Pero, wala pa naman po ito sa table ko kanina,” katwiran pa niya. Kahit papaano, gusto pa rin niyang ibangon ang sarili. Dahil sa tuwing masama ang mood ng kaniyang boss, siya ang napagdidiskitan nito.
“At talagang sumasagot ka pa, ha? Ang sabihin mo, palpak ka talagang magtrabaho!” Dinuro pa siya nito.
Hindi siya nakakibo. Sigurado siya, wala roon ang mga papel na iyon kanina. Wala naman siyang rason para magsinungaling dito, dahil alam na niya ang mangyayari.
“Ano pang itinatanga-tanga mo riyan? Kilos na at kailangan ko na iyan ora-mismo!” Ibinato nitong muli ang isa pang folder na naayos na niya. Kumalat na naman ang laman niyon sa sahig.
Nangingilid sa luhang yumuko siya. Pinulot niya ang mga iyon isa-isa.
“What was happening here?” tanong ng malagom na tinig mula sa kaniyang likuran.
Mabilis siyang napatayo at nanatiling nakayuko. Ang kaniyang mga kasamahan ay isa-isang bumati sa bagong dating.
“S-Sir!” kandautal na tumayo rin si Miss Fuentes sa kaniyang kinauupuan. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay inayos pa nito ang sarili at malapad na ngumiti sa lalaking tumigil sa kaniyang harapan.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...