Sandaling nag-unat ng kaniyang katawan si Enrico. Kanina pa siya nagbabasa ng mga bagong proposals na ibinigay sa kaniya ng planning department para sa expansion ng LCS. Marami-rami rin siyang kailangang pag-aralan at tapusin at halos hindi pa siya nakapangangalahati sa ginagawa.
Iginalaw-galaw niya ang ulo. He did a bit of head stretching. Minasahe rin niya ang batok na kanina pa nakararamdaman ng ngalay.
Babalik na sana siyang muli sa ginagawa nang mapatingin sa glass wall ng kaniyang opisina; kung saan nakikita niya ang kaniyang bagong sekretarya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang unti-unting nahuhulog ang ulo nito sa pagkakayuko. Bigla siyang napatayo nang tuluyan ng napasubsob ang ulo nito sa lamesang nasa harapan.
Napatingin siya sa labas.
“F*ck!” mahinang usal niya. Nakumpirma ang kaniyang hinala nang tingnan niya ang orasan. Pasado alas-onse na pala.
Naiiling na kinuha niya ang coat at isinampay iyon sa braso. Binuksan din niya ang drawer na nilalagyan niya ng susi ng kaniyang sasakyan at tinungo ang pintuan palabas.
Halos tatlong linggo na ring nagtatrabaho sa kaniya si Autumn. At tatlong linggo na ring matyaga nitong sinusunod ang mga sinasabi niya. She literally stays wherever he is. Wala siyang naririnig na kahit anong reklamo rito, kahit pa nga halos hindi naman na ito nakauuwi sa kanila. Madalas kasi siyang nag-o-overtime.
Pagtapat niya sa lamesa nito ay pinagmasdan niya ang babae. Hindi nakabawas ang walang kaayusang buhok nito; na bahagyang tumatabing sa makinis nitong mukha, sa kagandahan nitong taglay. Her lips were still inviting. Mas lalo itong naging kaakit-akit dahil bahagyang nakanganga ang dalaga.
Napabuntonghininga siya habang pilit na pinakakalma ang sarili. No doubt that the woman was very sexy in her own way. Hindi lang talaga iyon mapapansin ng iba dahil sa kakaibang istilo ng pananamit nito.
He leaned a bit closer. Wala itong katagi-tagiyawat sa mukha. Kahit pinagbakasan niyon ay wala.
Nang magsawa sa pagmamasid dito ay tumayo siya ng tuwid. “Miss Martinez. . .” Hindi iyon malakas, ngunit hindi rin mahina. Sakto lang iyon para magising ito.
Pero mukhang hindi yata siya nito narinig. Ni hindi man lang ito gumalaw sa kinauupuan.
He extended his arm to wake her up again, pero bigla siyang natigilan. Autumn was crying while sleeping. Kitang-kita ng kaniyang mga mata ang paglalandas ng mga luha nito sa magkabilang pisngi. She even sobbed and continuously cried.
Nabahala siya. Autumn must be having a bad dream.
“Miss Martinez. . . Miss Martinez?” Niyugyog niya ang balikat nito.
Bigla naman itong nagmulat ng mga mata. Ikinisap-kisap nito iyon na parang kinikilala ang lugar na kinaroroonan. Nang maalala, napaupo ito nang tuwid sabay baling sa kaniya.
“S-sir. . . P-pasensya na po, nakatulog ako. May ipag-uutos po ba kayo? Kape?” alertong tanong nito. Pagkatapos pahiran ang magkabilang pisngi ay tumayo ito, at pupunta na sana sa pantry pero agad niya itong hinawakan sa braso.
“Aw!” impit nitong daing.
Kaagad niya itong nabitawan. “I’m sorry. I didn’t mean to,” hinging-paumanhin niya rito.
“A-ayos lang, Sir,” inayos nito ang suot na long sleeves.
“Huwag ka ng mag-abalang magtimpla, hindi naman ako iinom. In fact, I’m gonna send you home,” aniya.
“H-ho?!” bulalas nito. “Puwede naman akong umuwing mag-isa. Kaya ko naman po.”
Napakunot ang noo niya. He saw a glimpse of fear in her eyes. Takot ba ito sa kaniya?
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...