“Why are we here?” tanong ni Autumn nang bumaba si Enrico sa kotse nito. Ipinagbukas muna siya nito ng pinto, bago kinuha sa trunk ang gamit nila.Patungo sila sa honeymoon nilang dalawa. Kahit anong pilit niya sa lalaki na huwag na lang, hindi niya ito nakumbinsi. Hindi raw papayag ang Mommy nito, dahil ang byenan mismo ang nagregalo ng honeymoon getaway na iyon sa kanila. Kaya kahit kinakabahan na siya nang husto sa mga sandaling iyon, wala na siyang nagawa pa kun’di sumunod dito. Ang ipinagtataka niya lang, bakit sa opisina sila nagpunta.
“Follow me,” anito at nagpatiuna ng maglakad sa kaniya. Nakapamulsa ito sa suot na gray shorts, habang hila-hila sa isang kamay ang maleta nila.
Nagmamadali siyang sumunod dito. Halos dalawang hakbang niya kasi ang isang hakbang nito.
Pagpasok niya sa elevator, pinindot nito ang rooftop button. Nagsalubong ang mga kilay niya.
“You look great.” Nilingon siya nito at sandaling pinasadahan ng tingin ang kaniyang itsura. Nakasuot siya ng paldang bulaklakin na hanggang tuhod, at tinernuhan iyon ng kulay green na blouse na V-neck ang style. May tali iyon sa gawing kaliwa na pa-ribbon.
Pigil na pigil niya ang mangiti. Gone now the manang look. She was now looking stunning on every dress that she wore. Puwede na rin siyang ipares sa asawa, at hindi na ito mapapahiya sa itsura niya.
Isa ang uri ng pananamit ang unti-unti niyang binago sa sarili, mula noong ipamili siya nito. Kaya kahit papaano, nasasanay na rin siya; pati na ang pagsusuot ng matataas na sapatos— na madalas ay ikinangangawit ng mga paa niya.
Hindi na rin niya halos nagagamit ang makapal niyang salamin. She used contact lenses, recommended by her doctor. Nagpumilit kasi si Enrico noon na magpatingin din siya sa mga mata kasama ito.
Pero minsan, hindi pa rin niya maiwasan ang magulat kapag pinupuri siya ng lalaki. Enrico had that character na bigla na lang siya nitong pupurihin sa walang kadahilanan. Basta gusto nito, kahit ano lumalabas sa bibig nito.
“You’re thinking?” Hinawakan nito ang kamay niya na ikinagulat niya.
Napatingin siya rito. Seryoso ang mukha nito, pero hindi maikakaila ang kakaibang kislap sa mga mata— na madalas niyang nakikita.
She shook her head. “W-wala naman.” Binawi niya ang kamay rito pero hindi nito iyon pinakawalan.
“We’re here.” Paglabas nila sa rooftop ay nakaabang na roon ang isang chopper.
Napaatras siya. Bigla siyang nakaramdam ng takot.
Nagtatakang nilingon siya ng asawa. “Why?”
Umiling siya. “I-I’m. . . afraid of heights. . .” mahinang wika niya na imposibleng marinig nito. Bukod sa malakas ang hangin doon, malakas din ang tunog na nililikha ng tila higanteng tutubi na iyon sa harapan nila.
“Don’t worry! I won’t let go of you!” malakas na wika nito bago siya hinila patungo sa nakaabang na chopper.
Kahit takot, nakaramdam naman siya ng kapanatagan sa narinig. Hindi man siya mahal ng asawa, ang salitang hindi siya pababayaan nito ay sapat na sa kaniya. Alam niyang totoo iyon, at alam niyang kailanman ay hindi nito hahayaang may mangyaring masama sa kaniya.
Nakasisiguro siya sa bagay na iyon.
Maingat siya nitong inalalayan pasakay sa chopper. Ito pa mismo ang nagkabit ng headphones sa kaniya, pagkuwa’y hindi na nito pinakawalan ang kamay niya.
Nang mag-umpisang gumalaw ang sinasakyan nila, mariin siyang napapikit at napasiksik sa dibdib ni Enrico. Ang isang kamay niya ay walang pag-aatubiling humawak sa braso nito. Mahigpit na mahigpit iyon at hindi na niya alintana kung mag-iiwan man ng bakas doon.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...