AUTUMN 15

42 1 6
                                    

“Hi, Mom. . .” mahinang wika ni Autumn nang unti-unting bumukas ang mga mata ng kaniyang ina. Ilang araw na rin itong unconscious, kaya’t nakahinga siya nang maluwag nang magising ito.

Marahang iniikot nito ang paningin sa kinaroroonan, pagkuwa’y dumako ang mga mata nito sa kaniya. Lumunok muna ito bago nagsalita, “Where are we, anak?” Mahinang-mahina lang iyon. Halatang hindi pa ito masyadong binabawian ng lakas.

Ngumiti siya, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha. “We’re at the hospital, Mom. Dinala ka namin dito noong nakaraang araw pa. And I am thankful that you’re awake now,” aniya. Pilit niyang itinatago ang panginginig ng tinig.

Bahagya itong tumango kasabay ng muling pagpikit.

Kinabahan siya. “Do you feel anything? May masakit ba sa inyo? Tell me. . .” magkakasunod niyang tanong.

Umiling ito. Huminga rin nang malalim. Napangiwi pa ito at sandaling dinama ang tagiliran.

Sinundan niya ng tingin iyon. Ang iniinda nito ay isa lamang sa dulot ng pambubugbog dito. Her mother suffered from a multiple fractured rib. Ang sabi ng doctor nito, mabuti na lang daw at walang organs ang napinsala rito. Iyon nga lang, mukhang kailangan pa itong i-therapy dahil may bali rin ito sa tuhod at sakong.

At hindi lang iyon ang kailangang i-therapy rito. Payo rin ng doctor na komunsulta sila sa psychiatrist, para daw sa traumang tinamo nito— pati na rin siya. Mas mainam daw na sabay nilang gawin iyong mag-ina upang madali nitong ma-overcome ang lahat ng nangyari.

“Where is your Tito Luis?” tanong nito. Lakip sa tinig ang matinding takot.

Pinisil niya ang kamay nito. “Don’t worry, Mom, hindi na siya makalalabas pa ng kulungan sa ginawa niya sa iyo. Sinampahan ko na siya ng iba’t ibang kaso. Hindi na siya kailanman makalalapit pa sa atin,” mariing wika niya.

“P-pero. . . paano ka? Paano ang mga videos mo?”

Napakunot ang noo niya. “Anong ibig ninyong sabihin, Mommy?”

Nag-iwas ito ng tingin. “W-wala. Kalimutan mo na ang sinabi ko,” anito.

“Mommy. . .” May babala ang tinig niya. “What videos?”

Hindi ito sumagot. Nanatiling nakatikom ang bibig nito.

“Gusto mo bang tanungin ko pa ang asawa mo?”

Marahas itong napalingon sa kaniya. Puno ng takot ang mga mata nito. “N-no. . . Don’t do that.”

“Then, tell me.” Seryoso niyang pinagmasdan ang ina.

Her mother sighed. Tumingin ito sa malayo. “He has videos of you,” pag-amin nito sa mahinang tinig.

Nanindig ang mga balahibo niya sa narinig, ngunit hindi iyon ipinahalata sa ina. “Videos of what?”

Tinitigan siya nito sa mga mata. “He’s secretly filming you. Iyon ang dahilan kayo natatakot akong iwanan siya. Dahil ang sabi niya, kapag ginawa ko iyon, ilalabas niya ang mga videos mo,” mangiyak-ngiyak na kuwento nito.

Nanlaki ang ulo niya sa narinig. Pagkuwa’y mahigpit na ikinuyom ang mga kamao. “Ha**p talaga siya, Mommy. Ha**p siya! Hindi lang siya mabubulok sa kulungan. Masusunog din ang kaluluwa niya sa imp**no sa ginawa niya sa atin!” nanginginig ang tinig na wika niya.

“I-I’m so sorry, anak. I’m so sorry. . . Dahil sa akin nangyari ang lahat ng ito.” Kumawala ang luha sa magkabilang pisngi ng ina.

Madali niya iyong tinuyo ng mga palad. “Don’t say that. Hindi mo naman alam na ganoon siya. Hindi mo kasalanan kung bakit ganoon kaitim ang budhi niya. Hindi mo kasalanan na hindi siya tao, Mom.”  Niyakap niya ito.

SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon