AUTUMN 26

60 5 0
                                    

“Are you done?” tanong ni Enrico nang silipin siya sa walk-in closet nila. Ngayon ang kaarawan ng byenan niyang lalaki, at naghahanda na siya ng sarili.

Tinitigan niya ang repleksyon nito sa salamin, pagkuwa’y walang kabuhay-buhay na tumango.

“Are you sure you’re okay?” Nag-aalalang lumapit ito sa kaniya. Pinisil nito ang kaniyang magkabilang balikat. “Ilang araw ka ng halos hindi ako kibuin. May problema ba? May masakit ba sa iyo?” sunod-sunod nitong tanong.

Umiling siya. Wala siyang lakas ng loob na aminin dito ang totoong nararamdaman. Ayaw niyang ipamakahiya ang sarili. Kung mahal siya nito, sasabihin naman siguro nito iyon sa kaniya.

Ang totoo, nasasaktan pa rin siya sa kaalamang nagkikita ito at si Miss Fuentes. Ang nasaksihan niya sa restaurant noong kasama ang byenang babae ang halos dumurog sa puso niya. Binura lahat niyon ang pag-asang mayroon siya. At gusto na niyang umiyak. Pero kung gagawin niya iyon, mas lalong magtataka ang asawa.

“Huwag na lang kaya tayong tumuloy,” basag nito sa kaniyang pag-iisip.

Mariin siyang umiling. “No. Inaasahan tayo ni Mommy Chesca. Saka, nakakahiya naman sa daddy mo.” Tiningnan niyang mabuti ang sarili sa salamin. She was wearing a green evening gown. V-neck iyon na naghantad sa mayayaman niyang dibdib, habang uka naman ang likuran. Hapit na hapit iyon sa katawan niya, kaya na-emphasize niyon ang perpektong hubog ng kaniyang katawan.

Itinali niya ng pa-bun ang buhok. Nag-iwan lang siya ng ilang hibla sa magkabilang gilid ng pisngi. Isinuot niya ang diamond set of jewelry na regalo ng kaniyang byenang babae. Tinanggihan niya iyon, pero mapilit ito. Sa huli, napapayag na rin siya ng byenan.

“Alright. Pero kung may iniinda ka mamaya sa party, magsabi ka kaagad para makauwi tayo nang maaga,” anito. Ito pa mismo ang kumuha ng purse niya at binibit iyon. “Let’s go?”

Tumango siya. Para siyang robot na sinasabayan ito sa paglalakad.

Nauna na kanina pa ang mommy niya sa mga byenan. Ang sabi kasi nito ay tutulungan ang kaniyang byenan na babae sa pag-aayos sa mansyon kaya hinayaan niya ito. Mukha kasing magkasundong-magkasundo ang dalawa. Ayos naman iyon sa kaniya. Mas makatutulong kasi iyon para tuluyang gumaling ang ina, dahil may iba itong nakakasama bukod sa kanila ni Enrico. Nasasanay na rin itong lumabas-labas ng bahay kasama ang kaniyang byenang babae.

Inalalayan siya ng asawa na sumakay sa kotse nito. Pag-upo nito sa tabi niya ay nilingon siya nito.

“You look gorgeous, by the way,” anito bago pinaandar ang sasakyan.

Lihim siyang napangiti. Bahagyang nawala ang nadarama niyang hapdi sa dibdib sa narinig. Kahit naman siguro nambababae ang asawa niya, hindi pa rin nito makuhang ikaila na maganda talaga siya.

Pagdating nila sa party, marami na ang tao roon. Sinalubong agad sila ng kaniyang mga byenan.

“Why, you’re so stunning, honey!” nakangiting palatak ng kaniyang byenang babae bago siya hinalikan sa pisngi.

“Thanks, Mommy.” Kimi siyang ngumiti rito bago hinalikan sa pisngi ang byenang lalaki. “Happy birthday po,” bati niya rito.

“Happy birthday, Dad,” bati naman ni Enrico sa ama. Humalik din ito sa pisngi ng ina, pero halata ang pangangasim ng mukha ng huli. “What? May kasalanan na naman ba ako?” tanong ng kaniyang asawa rito.

Inirapan lang ito ng kaniyang byenan bago siya binalingan. “Your mom is enjoying the party. She’s with some of my friends. Come, puntahan natin siya,” aya nito sa kaniya.

Nilingon niya ang asawa. Tumango naman ito. “Go. I’ll just stay here with dad,” anito.

“Let’s go, honey. Hayaan na lang muna natin sila. They will just talk about business at maiinip ka lang,” untag ng kaniyang byenan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon