AUTUMN 23

37 5 0
                                    

Pangiti-ngiti si Autumn habang nagluluto ng almusal. Sinasabayan niya pa iyon ng pagkanta, kahit na sintunado.

Ganoon siya tuwing umaga. She likes to cook for her husband. Mas gusto rin naman nito ang ganoon. Mas ganado itong kumain.

“Hmm. . . I smell something delicious.” Sumungaw ang ulo ng kaniyang asawa sa pintuan ng kanilang kusina. Nakangiting lumapit ito sa kaniya. He hugged her from behind. “Gusto mo talaga yatang tumaba ako,” anito sabay halik sa pisngi niya.

Nakangiting nilingon niya ito. “At nasaan naman ang tabang sinasabi mo?” Pakunwa niya itong iningusan.

Kahit kasi anong kain nito, nananatiling fit ang katawan nito na ikinahahanga niya rito. He was not a gym addict like other men. Pero mas madalas na nag-sw-swimming ito. Iyon ang isa sa hilig nito na nalaman niya mula pa sa honeymoon nila. He’s a good diver. Marami rin itong alam tungkol sa mga lamang dagat na ikinahahanga niya rito. He could be a marine biologist. Pero mas pinili nitong pamunuan ang isa sa mga kompanya ng kanilang pamilya.

“What are you cooking?” Nilingon nito ang laman ng kawali. “What? Again?” Tila batang ngumuso ito.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit? Ayaw mo?”

Ang nasa kawali kasi ay tapa na maraming sibuyas. Nagluto rin siya ng sinangag na maraming bawang. Sinamahan na rin niya iyon ng sunny sideup eggs at tuyo. Ang lahat ng iyon ay paborito nito, ayon na rin sa kaniyang byenan.

Mabilis itong umiling. “No! Pero naman. . . talagang patatabain mo na ako niyan. Lagi kasi akong maraming nakakain kapag ganiyan ang luto mo, bukod sa masasarap talaga,” paliwanag nito.

Napangiti na lang siya. Huling-huli na niya ang kiliti nito. S*x and food. Sapat na iyon dito.

“Hindi ka naman tumataba, kaya balewala lang kung kakain ka nang marami,” aniya at ipinagpatuloy ang paghahalong ginagawa.

“Well, sa ngayon siguro hindi pa. Baka isang taon pa at para na akong manganganak sa laki ng tiyan.”

Malakas siyang napatawa. “Hay, naku, Mr. Lagdameo! Maligo ka na at may pasok ka pa,” taboy niya rito.

“Alright!” Isang mabilis na halik sa mga labi niya ang iginawad nito, bago nagmamadaling umakyat sa kanilang silid.

“You, two, look great together. Tama nga pala ang desisyon mo, anak,” nakangiting wika ng kaniyang ina. Kanina pa siguro itong naroon at pinagmamasdan sila.

“Yes, Mom. Wala na talaga akong mahihiling pa sa kaniya,” tugon niya. Hinango na niya ang niluluto at inilipat iyon sa bandehado. Tinulungan naman siya nito na maghayin.

Pagkatapos nilang maikasal ni Enrico, tumira na rin ang kaniyang ina sa bahay nila. Wala naman iyong problema sa asawa. Ito pa mismo ang nagsuhestyon niyon sa kaniya.

Nahihiya siya noong una-una, pero sinabi nitong wala naman na raw ibang titingin dito. Hindi nga naman niya ito puwedeng iwanan na mag-isa— lalo at matindi ang pinagdaanan nito. Gusto rin naman niyang sa pagsisimula nito ay naroon siya. She wanted her mother to forget everything. Pero alam naman niyang imposibleng iyong mangyari. From time to time, nakikita pa rin niya itong nakatingin sa kawalan.

“Nga pala, anak, anong balita sa kaniya?” tanong nito.

Nangunot ang noo niya. Isa pa iyon sa dahilan kaya hindi nito makalimutan ang asawa. Bigla na lang itong nagbubukas ng usapan tungkol sa kaniyang amain.

“Mom. . .” may pananaway na wika niya bago ito hinarap. “He will never come out there. You’re safe now— we’re safe here.”

Napabuntonghininga ito. “I was just wondering, maybe, if I co—”

“No, Mom. That’s not gonna happen. At saka, bakit ba hindi niyo sanayin ang sarili ninyo na hindi niyo na siya makikita pa? Do you still love him?” Nang-aarok ang mga matang tanong niya rito.

Umiling ito. “It’s not that, anak. My therapist said that I should face my fear heads on. Dahil hindi ako maka-m-move on kung hindi ko iyon gagawin,” paliwanag nito.

Siya naman ang napabuntonghininga. Tama rin naman na habang mas maaga pa, harapin na nito ang bagay na iyon. Pero nag-aalala pa rin siya. Paano kung bumalik ito sa dati kapag nakita ang amain?

“Pero hindi ba masyado pang maaga? Can you handle it? Can you handle him kapag nakita mo na siya?” Iyon ang lumabas sa bibig niya. Ayaw niyang ipahalata rito na natatakot siya.

Ngumiti ito. “I should. Para sa akin at para sa iyo, anak. I should take a courage to face him. Hindi puwedeng maging duwag ako habambuhay.”

“That’s not cowardice, Mom. That’s simply taking all the things slowly with proper caution. Ayokong mabigla kayo. You know what will happen kapag nangyari iyon, right?”

Tumango ito, pagkuwa’y malungkot na ngumiti at hinawakan siya sa pisngi. “Hindi na iyon mangyayari, anak. We are now secured here. Your husband did everything for us to get free. Hindi ko naman hahayaan na mabalewala lang iyon. Ang sa akin lang, gusto ko siyang harapin para matapos na ang lahat ng ito. Para makausad na tayong lahat. Dahil habang hindi ko siya hinaharap, naririyan ang pangamba sa isip at puso mo para sa akin.”

“It’s not that, Mom.” Umiling-iling siya.

“Huwag ka ng magkaila. Mothers know everything when it comes to their children. At alam kong lagi kang nag-aalala para sa akin. I promised I won’t go back there again. We have a happy life now to begin with. Bakit babalikan ko pa ang masakit na nakaraan nating iyon, hindi ba?” pangungumbinsi nito.

Hindi siya sumagot. Huling-huli na kasi siya nito.

“Sooner or later, anak, you’ll fill this house with you children. Kaya dapat ngayon pa lang, handa na ako— handa na tayo.”

“Mom. . .” Namumula ang pisngi niya. Sandaling nawaglit ang bagay na iyon sa isip niya.

Tinaasan siya nito ng kilay. “What? Huwag mong sabihin sa aking wala kayong balak mag-anak ni Enrico?”

Umiling siya. “Hindi naman sa ganoon. Hindi pa lang namin iyon napag-uusapan.”

Napangiti ito. Totoo na iyon na umabot hanggang sa mga mata nito. “Knowing how your husband looks at you, walang hindi siya gagawin para sa iyo, anak. Mahal na mahal ka ng asawa mo at maswerte ka sa kaniya,” anito.

Sandali siyang natigilan sa narinig. Napakurap pa siya habang inaanalisa iyon.

Totoo ba ang sinasabi ng kaniyang ina? Totoo bang mahal siya ni Enrico? Dahil wala naman itong sinasabing ganoon sa kaniya. He was not vocal on what he really feels for her. Ang alam niya lang, maalaga ito. Iyon lang. Madali naman kasi iyong ipagkamali sa pagmamahal. Kaya umpisa pa lang ay hindi na siya umaasa sa bagay na iyon, dahil kahit siya ay ganoon din dito.

Kinapa niya ang dibdib.

Hindi niya nga ba mahal ang asawa? Talaga bang click lang sila sa isa’t isa kaya wala siyang nakakapang pangamba sa puso?

Pero bakit sa tuwing wala ito, na-m-miss niya ito? Pero bakit sa tuwing naaalala niya ang asawa, napangingiti siya? Pero bakit laging malakas ang kabog ng kaniyang dibdib, malayo o malapit man ito? Talaga bang hindi niya ito mahal?

No, Autumn. You’re wrong. You love him, noon pa man, anang puso’t isip niya.

Pero bakit sa halip na matuwa siya, kalungkutan ang nadama niya sa dibdib? Bakit ganoon?

“Natulala ka na riyan. Nag-aalala ka bang hindi ka mahal ng asawa mo?” pukaw ng kaniyang ina sa malalim niyang pag-iisip.

Pilit siyang ngumiti rito sabay iling. “Hindi naman, Mom. It’s just that. . . parang hindi pa ako handa sa sinasabi ninyo,” pagsisinungaling niya.

Pinisil nito ang kamay niya. “Don’t worry. Kaya nga naririto ako para gabayan ka. At kaya gusto ko na ring matapos ang lahat,” anito.

Tumango siya. “Alright. . . I’ll ask Enrico about it.”

Malapad itong ngumiti sabay yakap sa kaniya. “Thanks, anak. Salamat sa lahat-lahat. I promised, this time, I will be brave for you,” bulong nito.

Tumango siya. Naniniwala naman siya sa bagay na iyon. Pareho silang fighter ng ina, at mas malakas sila kung magkasama nilang haharapin ang kanilang nakaraan.

SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon