“Good morning, Mom,” bati niya sa ina nang maabutan niya ito sa sala habang naghihikab pa. Humalik siya sa pisngi nito.
“Good morning, anak. Kakain ka na ba?”
Tumango siya. “Yes, Mom. Nagugutom na ako,” nakangiting tugon niya.
Napailing ito. “Paano tanghali ka ng magising. Nine na. Ako na nga ang naghanda ng pagkain ng asawa mo. Ipagigising sana kita, kaso sabi niya huwag na raw. Hayaan ko lang daw na matulog ka.”
“Tinatamad kasi akong bumangon kanina.” Tumuloy siya sa dining kasunod ang ina. Naupo siya sa isang upuan doon.
“Ganoon ba. . .” Pinagmasdan siya nitong mabuti. Nakaramdam naman siya ng pagkailang.
“Mom. . . don’t stare at me like that.” Nakangiting nilingon niya si Berna; isa sa mga kasama nila roon. Dala na nito ang pinggan para sa kaniya. “Thanks,” aniya bago sumandok ng pagkain. Nakatingin pa rin sa kaniya ang ina nang lingunin ito.
Ngumiti ito nang makahulugan sa kaniya.
“What is it?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito.
Umiling ito. “Nothing, anak. You are just. . . glowing.”
Pakunwa niya itong inirapan habang patuloy sa pagkain. “Sus! Bakit kaya hindi niyo na lang ako direktahin.” Ang nasa isip niya ay ang hinihiling nito noong nakaraan.
Malapad ito napangiti. “That’s not what I meant, anak.”
“Huwag kang mag-alala, Mommy. Nasabi ko na kay Enrico ang gusto ninyong mangyari. Sasamahan ka raw namin pagpunta sa presinto,” wika niya.
Nagliwanag naman ang mukha ng ina. “Talaga?”
Natawa siya. “Kayo, kung saan-saan niyo pa ako dinadaan, alam ko naman kung ano ang gusto ninyong sabihin.” Uminom siya ng juice saka nagpatuloy sa pagkain.
“Dahan-dahan. Baka mamaya mabulunan ka. Wala ka namang kaagaw,” saway sa kaniya ng ina. Halos hindi na kasi niya nginunguya ang pagkain sa bibig.
“Ang sarap po kasi, lalo na siguro kong may alamang.” May tortang talong na nakahain, hotdogs, scrambled eggs, at sinangag. Para siyang biglang natakam sa tortang talong na may kamatis, sibuyas at alamang sa ibabaw.
Napataas ang dalawang kilay ng ina. “You’re taste buds changed,” hindi napigilang komento nito.
Tumango siya. “Nito lang, Mommy. Basta ang sarap kumain,” aniya.
Hindi sumagot ang ina. Siya naman ay nagpatuloy sa pagkain. Nang makatapos ay umakyat siyang muli sa silid nila ng asawa. Humiga siyang muli dahil bigla siyang inantok. Nagising na lamang siya sa tapik sa kaniyang balikat.
“Anak, gising. Nariyan ang byenan mo sa ibaba,” anang kaniyang ina.
Tinatamad na nagmulat siya ng mga mata. “Ano raw hong kailangan?” Ayaw pa niyang bumangon. Gusto pa niyang matulog.
“Mag-aaya raw siyang mag-shopping para sa birthday ni balae,” anito.
Wala siyang nagawa kun’di bumangon. Naglinis muna siya ng katawan bago bumaba.
“Honey, sorry for barging in. Naistorbo ko pa yata ang tulog mo,” apologetic na wika ng byenan niya.
Ngumiti siya rito bago humalik sa pisngi. “It’s okay, Mommy.”
Naupo silang tatlo sa sofa na naroon.
“By the way, I came here para sana ayain ka sa labas, kung okay lang sa iyo. Kayo ni balae,” umpisa nito.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...