AUTUMN 11

50 5 0
                                    

Marahas na napahilamos sa kaniyang mukha si Enrico. His eyes were blazing with fire. Parang anumang sandali ay sasabog ang dibdib niya sa tindi ng galit na nadarama.

“Who the h*ll did this to you?!” gigil niyang tanong sa babaeng kaharap. Naigtad ito at halata ang panginginig ng katawan.

Huminga siya nang malalim. Sunod-sunod iyon. He was trying to calm himself dahil alam niyang natatakot si Autumn sa kaniya. At iyon ang huling bagay na gusto niyang mangyari.

Lumuhod siya sa harapan nito. He raised her head slowly. Nangingilid sa luha ang mga mata nito.

“F*ck!” mahinang mura niya. He gently wiped her tears that started to fall. Para siyang sinasakal sa nakikitang anyo nito. Hindi siya makahinga.

“Sshh. . . It’s alright. I’m here. Wala ng makapananakit pa sa iyo. I promised,” masuyong wika niya.

His eyes roamed around her face. Namamasa na iyon. Then, his gaze went down on her neck. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay at inalis ang pagkakatali ng damit nito sa bandang leeg.

He swallowed hard. It was torture, yes, but he couldn’t let his other feelings rule over him.

Nang tatanggalin na niya ang butones ng suot nitong damit, pinigilan siya nito.

Nilingon niya ito. Nagtama ang mga mata nila. Larawan pa rin ng takot ang sa babae.

Umiling ito sa kaniya nang muling gumalaw ang kaniyang kamay. Pagkuwa’y huminga ito nang malalim. “A-ako na. . .” Mahina lang iyon pero umabot sa pandinig niya.

Hinayaan niya ito. Hinayaan niyang isa-isa nitong alisin ang butones ng kasuotan sa harapan niya. He felt all his senses alive. Pero nang tumambad sa kaniya ang itaas na bahagi ng katawan nito, para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

He’s lost for words. His mind wanted to shout— to curse repeatedly, but he couldn’t. What he was seeing was beyond his imagination. Para siyang sina**ksak nang paulit-ulit sa puso.

D*mn!

His anger now was above his control. Gusto niyang manakit. Gusto niyang saktan ang taong may kagagawan niyon kay Autumn, pero alam niyang hindi mareresolba niyon ang kinakaharap nitong problema.

Nakadama siya ng pagkahabag habang dahan-dahang pinararaanan ng mga daliri ang mga sugat nito sa braso. Ramdam niya ang pagbara ng kung ano sa kaniyang lalamunan. His eyes became cloudy. Pero sinikap niyang hindi iyon ipakita sa babae.

He may be an a**hole for f*cking all those women before, but he never tried hurting them. Not even a single tip of their hair. Ang dala niya sa mga ito ay ligaya at hindi dusa. His mothers’ rules always reminded him to be gentle to all the women he met. At ngayon niya naiintindihan ang totoong kahulugan ng mga paalalang iyon ng ina. 

He heaved a sigh— long and deep. Deep as much as he could to ease the madness he was feeling.

“Tell me. . . who did this to you?” basag niya sa katahimikan nila. Hindi lang mga braso nito ang may sugat at pasa. Maging ang likuran nito ay ganoon din.

Is she married? Is she living with a psychopath?

Pero alam niya ang sagot doon. Nabasa niya sa profile nito na single pa rin ito hanggang sa mga sandaling iyon. She’s living with her mother.

“I-I can’t. . .” anas nito. Itinaas nitong muli ang damit upang takpan ang mga marka ng karahasan sa katawan.

“Da**it, Miss Matinez! Huwag mong pagtakpan ang taong may gawa nito sa iyo!” inis na wika niya. Napapitlag naman ito.

SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon