Pinagtitinginan si Autumn ng mga tao sa lobby ng kanilang opisina pagpasok niya roon. She was not in her usual get up. Although naka-long sleeves pa rin siya na de-kuwelyo, hindi naman niya suot ang skirt niyang napaglipasan na ng panahon. Nakapantalong maong siya gaya noong nakaraang linggo. She liked it when she wore it for the first time. Kaya naman sinubukan niyang magsuot ulit nang ganoon. Tyumempo talaga siyang wala ang amain niya— na kahit anong pilit ng ina, hindi siya nito napigilan.
This was the very time she did it on her own. Hindi sa dahil dala ng pagkakataon, kun’di dahil gusto niya talaga. Ang aliwalas sa pakiramdam, lalo na at parang nabawasan yata ng halos isang kilo ang suot niya. Dahil sa makakapal ang kaniyang palda at ilang patong din ang mga iyon, pahirap ang pagsusuot niyon sa kaniya lalo na kapag mainit ang panahon.
Dere-deretso siyang nag-time in. Ang mga lalaking nadaanan niya ay hindi makapaniwalang muli siyang nililingon. Hindi hapit ang suot niyang pantalon. Old style din iyon, pero ang lakas ng dating at bagay na bagay sa kaniya. Kitang-kita roon ang halos lagpas dalawang dangkal niyang bewang, pati na ang bilog na bilog niyang pang-upo.
She’s sexy. Iyon ang ipinakikita ng suot niya.
“God! Ikaw ba talaga iyan?!” Nanlalaki ang mga matang ilang beses pa siyang pinaraanan ng tingin ni Whinona mula ulo hanggang paa, at pabalik.
Ngumiti siya rito. “Bagay ba?” tanong niya.
Ipinilig nito ang ulo at agad na nag-time in din, bago bumalik sa tabi niya.
“Gosh! Hindi lang basta bagay, kahit yata bakla ma-i-inlove sa ’yo.” Umingos ito. “Sinasabi ko na nga ba, may itinatago kang angking ganda sa mga suot mong palda pa yata noong panahon ng mga Kastila!” palatak nito.
Iiling-iling na naglakad siya patungo sa elevator at nag-abang ng pagbubukas niyon. Sumunod naman sa kaniya ang kaibigan.
“Ganiyan na lang kasi ang isuot mo araw-araw. Kita mo naman, halos lahat ng mga tao lumuwa na ang mga mata katitingin sa iyo, eh, pantalon pa lang iyan na sinauna pa rin naman. What more pa kaya kung iyong usong mga damita ang isuot mo? Iyong mga sexy at mga dress na lagpas hita. I’m sure, luluhod lahat ng mga kalalakihan sa harapan mo,” walang prenong turan nito.
“Sus! Grabe ka naman! Hindi naman siguro.” Pumasok siya sa bumukas na elevator. Sila lang ni Whinona ang sumakay roon.
“Anong grabe ka riyan? Kung nagka-height ka nga lang papasa kang model, eh,” patuloy nitong pamumuri sa kaniya.
Napataas ang isa niyang kilay. “Pinupuri mo ba ako o nilalait mo na?” tanong niya rito.
“Pinupuri! Wala naman akong sinabing panlalait, ah,” mabilis na depensa nito sa sarili.
Natatawang nanahimik na lang siya. Kung siya nga lang ang tatanungin, gusto na niyang magsuot ng mga damit na gusto niya. Kaso, kaunting tiis pa ang kailangan niyang gawin para maisakatuparan iyon.
“Gale, magtapat ka nga sa akin.”
Kunot-noong nilingon niya si Whinona. Kanina pa pala ito nakatitig sa kaniya.
“May gusto ka kay Sir Enrico ano?” nakangiting wika nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “What?! Paano mo naman nasabi iyan?”
Ngumisi ito. “Tsk! Bigla ka kasing nagbago. Sa isang iglap, ang matagal mo ng nakasanayan ay unti-unti mong binabago. And these just happened mula noong maging secretary ka ni Sir Enrico,” paliwanag nito.
Matinding pag-iling ang ginawa niya. “Tigilan mo nga ako, Whin. Walang katotohanan ang sinasabi mo. I am doing this for myself,” aniya.
“And for our boss,” hirit nito.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...