AUTUMN 22

40 4 0
                                    

Halos hindi na siya tinantanan ng asawa. Sa buong durasyon ng honeymoon nila, napatuluyan niyang isa itong tunay na mandirigma. Enrico liked to play games. He liked to add twist on every lovemaking they did. He like role-playing. Minsan sinasabi nito sa kaniya kung ano, minsan naman ginugulat na lang siya nito. At sa tuwing maalala niya ang mga iyon, napangingiti na lang siya.

Definitely, her husband was one hell of hot-blooded male specie. Minsan wala rin itong kapagularan. Kung kailan ito igupo ng antok, saka pa lamang ito titigil. And she was really amazed by his stamina. Mabuti na rin lang at nasasabayan niya iyon.

“Hmm. . . mukhang masaya ang maging Mrs. Lucio Enrico Lagdameo, ah,” tudyo ni Whinona sa kaniya.

Nakipagkita siya rito dahil na-m-miss na niya ang kadaldalan ng kaibigan. Isa pa, naiinip siya sa kanila. Mula noong inalok siya ng kasal ni Enrico, hindi na siya nito pinagtrabaho pa. Intindihin na lang daw niya ang kalagayan ng kaniyang ina at ang pagpapagaling nito. Hindi naman na siya tumanggi pa, dahil siya man ay kailangan din noon ng pahinga. Kaya naman ng inipon niya ang gastos nila ng ina. Iyon nga lang, hindi iyon nangyari dahil si Enrico ang umako ng lahat.

“What do you mean?” nakataas ang isang kilay na tanong niya rito. Lunch break noon at nasa isang restaurant sila malapit sa LCS.

Umingos ito sabay inom. “Sus! Kakaiba kaya ang glow sa mga mata mo. Ikaw, ha, hindi ko talaga akalain na kayo ni Sir Enrico ang magkakatuluyan. Imagine, kinuha ka lang naman niyang sub sa secretary niya tapos, sa altar na nauwi ang lahat! Ang haba ng hair!” palatak nito.

Bahagya naman siyang nakadama ng pagkailang sa sinabi nito. Para kasing ang labas niyon ay inakit niya ang kanilang boss.

“Oh, huwag mong haluan ng ibang meaning ang sinabi ko.” Tinitigan siya nito sa mga mata. “You’re beautiful, Gale. Alam ko na iyan noon pa man but look at you now. Ibang Gale na ang nakikita ko. Wala na ang makapal na salamin at ang tila balot na balot mong pananamit. You can flex your beautiful bod now proudly. Akala ko nga noon may kung ano-ano ka sa katawan. Like moles, scars or a huge birthmark. Pero tingnan mo naman.” Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.

She was wearing a tight-fitted jeans. Tenernuhan niya iyon ng maiksing pang-itaas na halos pumantay lang sa itaas ng kaniyang pantalon, kaya bahagyang lumalabas ang makinis niyang tiyan. She just let her hair down. Kaya sa itsura niya, mukha siyang isang dyosa na bumaba sa lupa.

Pero kung noong una-una na nakita nito ang katawan niya, baka mas kaawaan siya nito. Walang alam si Whinona sa pinagdaanan niya. Hindi lumabas ang balitang iyon dahil hinarang lahat ni Enrico. Kaya pati ang kalagayan ng kaniyang ina ay hindi rin lumabas. Isa kasi ang kasal nila sa nailathala sa isang magazine. Hindi naman iyon maiiwasan dahil batang-batang bilyonaryo ang napangasawa niya. The magazine dubbed their wedding as, Fairytale: The Happy Ever After. At naging best seller pa iyon nang nasabing magazine dahil wala pang kalahating araw ay sold out na agad lahat ng kopya.

Tumaltak si Whinona. “Walang panama sa ganda mo si Lily Collins, ano! Kaya hindi na ako magtataka kung nagustuhan ka ni Sir Enrico. Tunay na hindi siya bulag,” natatawang patuloy nito.

Napailing na lang siya. “Lily Collins? Grabe ka naman! Hindi naman ako ganoon kaganda,” kontra niya sa sinabi nito.

Mariin itong umiling. “Hindi, kaya! Totoo ang sinasabi ko. Hindi sa dahil kaibigan kita, kun’di iyon talaga ang nakikita ng mga mata ko. Kaya alam kong patay na patay sa iyo si Sir!” Sinabayan pa nito iyon ng impit na pagtili.

Natatawang kinuha niya ang inuming laan para sa kaniya at ininom iyon. “Naku! Tigilan mo nga ako. En—” Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang tumunog ang cell phone niyang nasa ibabaw ng lamesa. Nang silipin niya iyon ay numero ng asawa ang nakarehistro. Nakita rin iyon ni Whinona kaya para itong sinilihan sa kilig.

SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon