“Do you want me to call her?” tanong ni Enrico nang lingunin siya.
Kanina pa nakatigil sa labas ng bahay— na kaniyang tinakbuhan, ang kotse ng lalaki. Natawagan na niya ang ina kagabi, pero hindi niya ito nakausap nang maayos.
Huminga siya nang malalim habang nakatanaw sa bahay na nasa harapan nila. Binuksan niya ang pintuan pero muling nagsalita ang lalaki sa kaniyang tabi
“Are you sure about this? You want me to come with you?” Nahihimigan niya ang pag-aalala sa tinig nito.
Umiling siya. “Let me manage this one.” Tuluyan na siyang bumaba ng sasakyan. Marahan siyang naglakad papunta sa may gate. Huminga ulit siya nang malalim bago binuksan iyon.
Pero hindi pa siya tuluyang nakahahakbang papasok ay may pumigil na sa braso niya. Paglingon niya ay seryosong nakamata sa kaniya si Enrico. Dahan-dahan nitong itinaas ang kamay niya at kitang-kita niya ang panginginig niyon— na hindi naman niya nararamdaman kanina.
Nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya, pagkuwa’y walang imik na nauna na itong pumasok sa loob kasunod siya.
Wala siyang nagawa kung hindi ang magpaubaya rito habang nakatitig sa magkahugpong nilang mga kamay. Tuloy-tuloy sila sa tapat ng pintuan ng bahay ng amain niya.
Tumingin sa kaniya si Enrico. Akmang kakatakok na ito nang magsalita siya. “Ako na.”
Huminga siya nang malalim. “Mom. . .” Tatlong sunod-sunod na katok ang ginawa niya. Subalit walang tugon mula sa loob kaya muli siyang kumatok. Mas malakas na iyon sa una. “Mom. . . ?”
Wala pa rin.
Napatingin siya kay Enrico. Wala namang imik na binalya nito ang kahoy na pintuan, sa pagkabigla niya.
“What are you doing?” saway niya rito.
“I am doing what is right,” malamig na tugon nito.
Nawalan siya ng imik.
Paulit-ulit na binalya nito ng malaking pangangatawan ang pintuan, hanggang sa mabuksan iyon. Bumungad sa kanila ang maayos na sala. Walang bakas ng kung anumang karahasan doon.
Sinulyapan siya ni Enrico na eksakto rin niyang nilingon. Tumango ito nang magtama ang mga mata nila.
Hawak pa rin nito ang kamay niya na pumasok sila sa loob. “Mom. . .” tawag niya sa ina.
“Maybe she’s in their room,” anang kaniyang kasama.
Tumango siya.
Nauna niyang tinungo ang silid ng kaniyang ina kasunod ang lalaki. Lumunok muna siya ng ilang beses bago kumatok sa pinto.
“Mom. . . ? Are you there?” Idinikit pa niya ang tenga sa pinto, ngunit wala siyang narinig mula roon. “Mom!” Mas nilakasan pa niya ang tinig at pagkatok.
Pinipilit niyang patatagin ang sarili pero pakiramdam niya, anumang sandali, ay babagsak siya sa sahig. Kinakabahan na siya nang husto.
“Mom, please. . . kung nariyan kayo, sumagot kayo. . .” basag ang tinig na pakiusap niya. “Mo—”
“Sshhh!” mabilis na saway sa kaniya ni Enrico.
Tumahimik naman siya. Pareho nilang inilapit ang tenga sa pinto. May mahinang kaluskos silang naririnig mula roon.
Walang inaksayang sandali si Enrico. Gaya kanina ay binalya nitong muli ang pintuan. Pawisan na ito nang tuluyang bumukas iyon.
“Mom!” Mabilis siyang pumasok sa kwarto nito pero wala roon ang ina. Iginala niya ang mga mata sa paligid, pero kahit anino nito ay wala.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomantikWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...