Napangiti si Autumn nang bumungad sa kaniya ang napakagandang cabin styled villa na tutuluyan nila. Kung madilim-dilim sa dinaanan nila ni Enrico kanina, pagdating sa mismong resort, maliwanag na ang buong paligid.
May kani-kaniyang lamppost ang bawat cabin na napakalalayo sa isa’t isa. Sinadya talaga ng may-ari na bigyan ng privacy ang bawat guests na nais manatili roon. Bukod doon, ang ilaw sa loob ng cabin ay nagpapalit-palit. Puwedeng dim, puwedeng bright, puwede rin namang totally off na talaga.
Nang buksan iyon ni Enrico, excited siyang sumunod dito. Malaking kama ang unang bumungad sa kaniya— na nababalutan ng puting-puting bedsheet. Mayroon iyong mosquito net na ipinasadya talaga. Wala iyong aircon dahil na rin sa napakalamig na lugar.
May maliit na lamesang kahoy iyon na pandalawahan, walang TV o kahit anong entertainment devices, maliban sa gitarang nakalagay sa stand sa isang tabi. May mini kitchen iyon na sakto lang ang gamit sa dalawang tao rin. Bukod doon, may sarili rin iyong banyo.
Kung tutuusin, simple lang naman talaga ang itsura niyon. Gawa ang buong villa sa kahoy, kaya pati mga kagamitan sa loob ay kahoy rin. Pero kahit na ganoon, alam niyang lahat ng pumupunta roon ay nagnanais na muling balik-balikan ang lugar. Napakatahimik at napakapayapa kasi roon. Wala ring telepono o internet. It was like you turned back in time and live as simple as that.
Walang problema, walang gulo.
Binuksan ni Enrico ang maleta nila, na nasa isang sulok. Nauna iyong dumating doon dala ng tauhan ng resort na sumundo sa kanila kanina.
Ang mismong byenan ang naghanda ng mga gamit nila, kaya wala siyang ideya kung ano-ano ang inilagay nito roon. Hindi niya kasi ito mapigilan kahit anong tanggi niya, asikasong-asikaso talaga siya nito. Ayaw naman niyang pasamain ang loob ng babae.
“You shower first,” ani Enrico na hindi siya nililingon. May hinahanap pa rin ito sa loob ng maleta.
Tumabi siya rito at nakiusyuso sa kanilang mga gamit. Pero ganoon na lang ang pamumula ng kaniyang mukha nang makita ang hawak niyo. Isa iyong lacy T-back na kulay pula.
Nangungunot ang noo nitong tumingin sa kaniya.
Madali niyang hinablot sa kamay nito ang hawak. Kinipkip niya iyon nang mahigpit sa kamay, pagkuwa’y tiningnan ang iba pa niyang damit. Pero nanlumo lang siya sa nakita. Dahil kung hindi halos labas na ang kaluluwa niya, maiiksing damit at shorts naman ang naroon— na halos wala na rin namang itinago.
Madali siyang kumuha ng maiksing cotton shorts at crop top na pang-itaas. Wala na rin naman siyang pagpipilian.
Pagkatapos, malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang banyo. Kumakabog ang kaniyang dibdib nang makapasok doon.
Ilang beses muna siyang huminga nang malalim bago iginala ang mga mata sa paligid. Napangiti siya. Kung simple ang labas, hindi naman tinipid ang banyo. Marangya ang istilo niyon at malaki— na ang dingding ay may pinagtapi-tagping kawayan. Ang nakatutuwa pa, may jacuzzi iyon na kasya ang dalawang tao. Ang sahog na nakapalibot dito ay pawang kulay puting bato na katamtaman lang ang laki.
Mabilis siyang naghubad ng damit at lumapit sa jacuzzi. Tinimpla niya ang tubig niyon bago lumusong. Pasandig siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Ang maligamgam na tubig ay nagpapakalma sa kaniyang buong katawan, kaya hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Nakatulog na rin siya roon. Nagising na lamang siya na parang may humahaplos sa kaniya.
Nang idilat niya ang mga mata, serysosong mukha ni Enrico ang bumungad sa kaniya. Kasalo na rin niya ito sa jacuzzi habang ang isang kamay nito ay humahaplos sa may braso niya.
Napalunok siya at napatitig na lang dito. Ang sensasyong ipinadarama nito ay tumatangay sa matino niyang pag-iisip.
“A-anong ginawa mo rito?” tanong niya. Pilit niyang inaalis ang nadaramang kaba sa dibdib.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...