Nagmamadaling lumabas si Autumn nang marinig niyang tumutunog ang cell phone niya. Kanina pa yata iyon pero tinatamad pa siyang tumayo sa pagkakaupo sa loob ng banyo. Ramdam na niya ang pagkapagal ng katawan kanina pa at hindi niya alam kung bakit.
Pasalampak siyang naupo sa kama nang sagutin iyon.
“Yes?” Nakangiti siya. Iba talaga ang hatid ng kaniyang asawa kapag ito ang tumatawag. He could uplift her mood any time.
“I want you to get dress,” makahulugang wika nito.
Nakaramdam siya ng excitement. “What is it this time?” malambing niyang tanong.
“Uhm. . . Dress the way you dress before— including that thick eyeglass.”
Narinig niya ang marahas nitong paghinga. Mas lumapad ang kaniyang pagkakangiti. Halatang kahit ang asawa ay excited na sa magaganap.
“Place?” Nilaro-laro niya ang dulo ng buhok. Naging habit na niya iyon kapag nakararamdam siya ng extreme emotion.
“Wanna guess?” pilyong tanong nito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi sabay higa sa kama. “Uhm. . . It’s still office hours. So, I don’t know. Lalabas ka ba? Tatakas ka sa work?” pilyang tugon niya.
Natawa ito. “No! Kahit kailan, little wife, hindi ako tumatakas sa trabaho ko. Isa pa, ako ang boss. Nasa sa akin kung aalis ako sa opisina nang maaga o hindi.”
Lumabi siya. “Eh, saan nga?”
Katahimikan. Matagal iyon na akala niya ay wala na ang asawa sa kabilang linya.
“Here. At the office,” anito pamaya-maya.
Napabangon siya. “Are you sure? Paano kung marinig tayo ni Miss Fely?” tanong niya rito.
“Tsk! Now you know how noisy you are,” he teased.
Namula siya. Kahit hindi niya nakikita ang asawa, alam niyang nagningning ang mga mata nito.
“But I like your noisiness. It makes me alive over and over again,” anito nang hindi siya sumagot.
“R-really?” Nakaramdam siya ng galak sa puso sa narinig.
“Yes, little wife. So, dress now. Dahil hindi ko masasabi how long I will patiently wait for you here. My mood is driving my sanity away,” he expressed.
“Okay! I’ll be there in an hour. Just wait.” Mabilis siyang tumayo.
“I will. Bye. . .”
Pagkatapos niyang magpaalam dito ay nagtungo na siya sa walk-in closet nila. Naroon pa naman ang mga luma niyang damit kaya may maisusuot siya.
Mabilis ang mga kamay na pumili siya nang maisusuot. Isang three-fourths na kulay dilaw ang napili niyang pang-itaas. May tali iyon sa bandang leeg. Ang pang-ibaba naman ay isang skirt na wrap style. Pero mas pinili niyang isuot ang isang itim na strappy sandals kaysa sa doll shoes na palagi niyang iteneterno roon.
At nang umiral ang kaniyang kapilyahan— na hindi niya alam na tinataglay pala niya, nagsuot pa siya ng lace na spaghetti strap sando bago pa niya isinuot ang lace din na itim namang bra, katerno ng panty niya. Nagsuot din siya ng cycling shorts para mas may thrill. Sigurado siyang hindi iyon inaasahan ng asawa niya.
Napangiti siya sa naging itsura. She looks like a woman who came from the past. A classic but chic one.
Dinampot niya ang shoulder bag at cell phone at nagmamadaling bumaba. Nasalubong pa niya ang ina sa sala.
“May lakad ka?” tanong nito.
Humalik muna siya sa pisngi nito bago sumagot. “Yes, Mom.”
Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Sa ganiyang anyo?” nagtatakang tanong nito.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...