“Sandali!” Tumatakbong hinabol ni Autumn ang papasarang pintuan ng elevator. Wala ng gasinong tao noon sa lobby dahil five minutes na siyang late!
Hindi yata narinig ng tao sa loob niyon ang sigaw niya. Kaya agad niyang iniharang ang isang kamay. Napaigik siya sa sakit dahil sa ginawa.
Nang bumukas iyong muli, nakayukong pumasok siya roon. Pinindot niya ang twelfth floor saka inayos ang nagusot na damit.
Pinagsalikop niya ang kamay sa harapan. Tiningnan niya ang monitor kung saan nag-iindika ng bawat palapag na nilalagpasan ng elevator. Pakiramdam niya bumagal sa pag-akyat iyon. Pinagpapawisan na siya dahil alam niyang makagagalitan na naman siya ni Miss Arah.
Nang tumunog ang elevator, kipkip ang mga gamit na madali siyang lumabas doon. Subalit, nakaiilang hakbang pa lamang siya ay masama na ang tingin sa kaniya ng kaniyang superior.
Akmang bubuka na ang bibig nito nang sumara iyong muli. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ilalim ng malapad na salamin. Bigla kasing natulala ang babae habang nakatingin sa kaniya. Maging ang mga kasamahan niya ay sa kaniya rin nakatingin.
Alanganin siyang ngumiti sa mga ito. “G-good morning,” bati niya na bahagya pang kumaway. Susukot-sukot na pupunta na sana siya sa kaniyang lamesa nang may tumikhim sa kaniyang likuran.
“Ay, palaka!” bulalas niya. Napaigtad pa siya at nahulog ang mga dala-dalahan sa sahig.
Kaagad niya iyong pinulot nang hindi tinitingnan kung sino ang nasa likuran. Dadamputin na niya ang payong nang may malalaking kamay na kumuha niyon. Paglingon niya rito ay nanlaki ang mga mata niya.
There, was standing their boss— Enrico Lagdameo!
Madali siyang napatayo. Walang imik na iniabot nito sa kaniya ang payong. Kimi naman niyang kinuha iyon.
Lihim siyang napailing. Bakit hindi man lang niya naramdamang naroon ang lalaki? Ibig bang sabihin, ito ang kasabay niya sa elevator?
“G-good morning, Sir,” nauutal na wika niya. Tatalikod na sana siya nang magsalita ito.
“Stay.”
Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Ang baritonong tinig nito ay naghatid ng kakaibang kilabot sa buo niyang pagkatao. Muntikan pa siyang mapapikit kung hindi napigilan ang sarili. Because the man in front of her smells really great!
Sandali niya itong pinasadahan ng tingin. The man was wearing a plain white long sleeves buttoned-down polo and black slacks. Itim din ang kumikinang sa linis na sapatos nito.
Nilagpasan siya nito. Hindi naman siya gumagalaw sa kinatatayuan kahit nanginginig ang mga tuhod niya. Enrico Lagdameo’s presence alone was nerve-wracking! Kahit yata sino matatakot dito.
Lumapit ito sa lamesa ni Miss Fuentes na noo’y malapad na ang pagkakangiti. “Anything I can for you, Sir?” malambing tanong nito. Parang bigla ay naging maamong pusa ito.
Tumango ang lalaki. “Yes. I want Miss Martines to report at my office starting today,” anito na ikabigla ng lahat; lalo na niya.
Nawalan ng kulay ang mukha ni Miss Fuentes. “S-Sir. . . ?” Halatang kahit ito ay nabigla sa narinig.
“I want Miss Martinez to report at my office now. Iyon ang dahilan kaya ako nagpunta rito. I just wanted to inform you personally. Humanap ka na lang ng karelyebo niya.” Tumalikod na ito at deretsong naglakad patungo sa kaniya. “I want you on my office immediately.” Dere-deretso na nitong tinungo ang elevator.
Hindi siya magkaintindihan kung susunod ba dito o hindi. Napalingon pa siya kay Whinona. Pinandilatan naman siya nito ng mga mata at sinenyasang sumunod sa boss nila gamit ang dalawang kamay.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...