“S-sir. . . wala na ba talaga kayong magagawa? I mean. . .” nag-aatubiling wika ni Autumn sa lalaki.
“I’m tired, Miss Martinez. All I wanted to do right now is to get some rest,” anito habang nakapikit at nakasandal sa metal na dingding ng elevator. Patungo na sila sa silid nila sa mga sandaling iyon.
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Autumn. Halata naman kasi sa itsura ng boss niyang pagod na pagod na ito. And all she did was whine for a simple thing.
Pero hindi naman simpleng bagay lang ang gagamit kayo ng iisang silid! Sigaw ng kabilang bahagi ng kaniyang isipan.
Eh, anong magagawa niya? Alangan namang umuwi siyang mag-isa sa oras na iyon? Bukod sa wala ng byahe, magiging katawa-tawa naman siya.
Nang tumunog ang sinasakyan nilang elevator, unang lumabas si Enrico. Nakayuko lang siya habang nakasunod dito. Tumigil ito sa tapat ng isang pintuan, inilabas nito ang isang card key at itinapat iyon sa sensor. Isang click ang kaniyang narinig bago iyon bumukas.
Tuloy-tuloy na pumasok doon ang lalaki. Naiwan pa rin siya sa labas na hindi mapakali. Ayos lang sana sa kaniya kung sa magkaibang kwarto sila matutulog, ang kaso, hindi! Kaya pimihadong mapapatay siya ng amain niya kapag nalaman nito ang gagawin niya.
“Papasok ka ba o tatayo ka na lang diyan buong magdamag?” may halong inis sa tinig na tanong sa kaniya ng lalaki.
Huminga siya nang malalim pagkuwa’y marahang humakbang papasok sa loob. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Malawak ang silid na nakuha nila. Iyon na lang talaga ang available sa hotel na iyon. Nasa VIP suite sila kung hindi siya nagkakamali. Kompleto kasi iyon sa mga gamit. May ref, dining table sa isang sulok, may mini sala na may couch at malaking TV, mayroon ding working table, cabinet para sa mga gamit at malaking kama sa gitna— na may tig-isang bedside table sa magkabilang tabi. Ang isang pintuan sa gawing kaliwa niya ay alam niyang banyo. At sa ganoong klase ng kwarto, alam niyang malaki ang espasyo niyon sa loob.
“I’ll just freshen up,” anito bago tinungo ang banyo dala ang isang puting tuwalya.
Tinungo niya ang sofa at doon naupo. Inilabas niya ang cell phone na nasa bag. Nakita niya ang missed calls doon ng kaniyang ina.
Huminga siya nang malalim bago ito tinawagan. Alam niyang gising pa rin ito sa mga sandaling iyon.
“Autumn, anak, asan ka ba? Bakit wala ka pa rito?” sunod-sunod na tanong nito sa paanas na tinig. Alam niyang nag-iingat ito na huwag marinig ng asawa.
Tumingin siya sa labas ng pintuan patungong balcony. “Nag-overtime ako, Mommy. May tinatapos kaming trabaho ng boss ko. Bukas pa ng hapon ako makauuwi,” imporma niya.
“Bukas ng hapon?!” bulalas nito. Dinig pa niya ang pagtatakip nito sa bibig. “Autumn naman. . . alam mong magagalit ang Daddy Luis mo kapag nalaman niya ito.”
“Please, Mom. . . may trabaho ako at ayaw kong isipin ang bagay na iyan. Kung natatakot kayo sa maari niyang gawin sa akin at sa inyo, kayo na ang bahalang lumusot. Matagal ko ng sinasabi sa inyo na umalis na tayo sa bahay na iyan, kayo naman ang aayaw.” Hindi niya mapigilang hindi maging sarkastiko. Sawang-sawa na kasi siya sa klase ng buhay na mayroon sila. Sa buhay na puro takot na lang ang hatid sa kaniyang dibdib.
Narinig niya ang pagbuntonghininga nito. “Alright. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya. Just take care of yourself,” anito.
“I am not your little girl anymore. Malaki na ako, Mommy. Kaya ko na ang sarili ko. Sana ganoon ka rin,” aniya bago pinindot ang end button.
Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila, dahil ayaw naman niyang paulit-ulit na sermunan ang ina. Dahil kahit anong gawin niya, iisa pa rin ang bagsak nila, mananatili pa rin ito sa piling ng kaniyang amain. At nananawa na siya— nananawa na siyang pagsabihan ito. Kaya ang plano niya, kapag handa na ang lahat, aalis sila ng Pilipinas sa ayaw o sa gusto ng kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomansaWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...