AUTUMN 7

33 4 0
                                    

Sinalubong sila ng Head of Production, na si Mr. Reynan Santos, pagdating nila sa factory. Nasa mid-forties na ito at sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pioneer ng LCS.

“What happened?” hindi ngumingiting tanong ng boss nila rito.

Nakasunod lang si Autumn dito habang hawak ang iPad, kung saan siya nag-r-record ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho. Mas convenient iyon at mas madaling magpasok ng input. Connected na kasi iyon sa computer na nasa opisina at sa laptop na ginagamit niya kapag ganoong wala sila main office.

“Nagkaroon po ng electric malfunction. Sumabog po ang tatlo sa main switch natin,” imporma ni Mr. Santos sa boss nila. Isinusulat naman iyon ni Autumn.

“How did it happen? Hindi ba ch-n-eck ng electrician natin ang mga switch? Paano ang production? Hindi ba iyon apektado?” sunod-sunod na tanong ng lalaki.

“Our electrician already checked it last night. Siguro po ay nag-overheat kaya ganoon ang nangyari. Wala po muna tayong production ngayong araw habang inaayos pa ng mga electrician ang damages ng mga switch,” tugon ni Mr. Santos.

Tumuloy sila sa area kung saan nagsusuot ng safety gear bago pumasok sa mismong factory. Iyon ay para maiwasan ang mga malalang aksidente kung saka-sakali man.

Kumuha si Enrico ng isang helmet. Kukuha na rin sana siya, pero nagulat pa siya nang ang kinuha ng lalaki ay sa kaniya pala nito isusuot. Ni hindi niya nagawang magpasalamat dito sa kabiglaan.

Pagkatapos siyang suotan nito, ay ang sarili naman nito ang inaasikaso. Hindi rin nito nakalimutang bigyan siya ng face mask at gloves. Bukod sa alikabok, may mga dangerous chemicals din na masama sa katawan kapag nalanghap at nahawakan, kaya kinakailangan nila ng pananggalang doon at ibayong pag-iingat na rin.

“Let’s go,” anito nang harapin si Mr. Santos na naghihintay sa kanila.

“This way, Sir.” Iginiya sila nito papasok sa loob ng factory, patungo sa mismong electrical room.

Sampung tao ang nadatnan nila roon. Abala ang mga ito sa pagsasaayos ng mga nasirang switch. Hindi rin naman nga basta-basta ang mga equipment sa factory. Isang sira ng mga iyon, katumbas ay milyong piso ng halaga ng kita at danyos.

“Can you fix them today?” her boss asked.

“Negative, Sir. Tomorrow, or the least, tonight,” sagot ng head electrician na bahagya lang silang nilingon.

Time was running. Iyon ang kalaban sa ganoong sitwasyon. The more they wasted time, the more na mas malulugi ang kompanya.

“Do you need more hand?” tanong muli ng boss nila.

Kung hindi siya nagkakamali, pagiging engineer ang tinapos nito. Kumuha lang ng business course sa graduate school, saka nag-masteral.

“Yes, Sir, if you could. Hindi ko na kayo tatanggihan.” Hindi na nahiya ang head electrician dahil kailangan naman talaga nila ng tulong.

Walang pag-aalinlangang tumulong si Enrico sa mga ito. hinubad muna nito ang suot na long sleeves at ibinigay sa kaniya— sa pagkabigla niya, bago ito nagsuot ng overall. Kipkip ang mabangong damit nito na nanonood si Autumn sa isang tabi. Hindi naman siya puwedeng umalis dahil isa iyon sa patakaran ng lalaki.

Inabot na sila ng gabi pero hindi pa rin tapos ang ginagawa roon. Nakatulog na rin siya kahihintay sa boss niya. Paggising niya, abala pa rin ito.

Tumayo siya sandali at nag-unat. Kanina pa kasi nangangalay ang likuran niya sa kinauupuang plastic na upuan.

Tiningnan niya ang orasan. Mag-a-alas-dose na ng hatinggabi.

“Mukhang hindi talaga kami uuwi ngayong gabi,” aniya sa sarili.

SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon