AUTUMN 16

39 1 0
                                    

Ikinurap-kurap ni Autumn ang mga mata. Tama ba ang narinig niya o nabibingi lamang siya.

“S-sir. . . ?” anang saleslady na mas unang nakabawi sa kabiglaan.

“You heard me. Ask my fiancée.” Binalingan siya ni Enrico. “What are your sizes, love?” Ito pa mismo ang nagtanong sa kaniya. Sinabayan pa nito iyon ng pagngiti.

Mas lalo lang siyang hindi nakaimik. Ang kabog ng kaniyang dibdib ay palakas nang palakas. Halos bumingi na iyon sa kaniya.

Seeing Enrico smiling was a beautiful sight to look at. Hindi ito nakasasawang pagmasdan. Mas lalo itong gumwapo— mas lalo itong naging kaakit-akit. Bakit ba kasi sinalo na nitong lahat ang katangian ng isang kamahal-mahal na lalaki? Hindi niya tuloy malaman kung nananaginip ba siya o talaga lang pinaglalaruan siya nito. At hindi niya rin malaman kung paano pipigilan ang pusong kanina pa nagwewelga sa dibdib niya.

Tumikhim ito nang malakas. “Love? Naghihintay sila,” untag nito. Bakas ang kaseryosohan sa mukha, ngunit hindi maikakaila ang kakaibang kislap ng mga mata nito. Parang sinasadyang tudyuhin siya ng mga iyon.

Ipinilig niya ang ulo at tumayo, pero hindi para lumapit dito. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang bubog na pintuan ng boutique. Subalit, hindi pa man lumalapat ang kamay niya roon ay may humagip na sa braso niya. Nagtatanong ang mga mata ni Enrico nang malingunan niya ito.

“And what do you think your doing?” Mahina lang iyon pero puno ng babala.

“I-I. . .” Napangiwi siya. “Nasasaktan ako.” Bigla kasing humigpit ang pagkakakapit nito sa kaniya.

Bahagya nitong niluwagan ang hawak sa braso niya, pero hindi siya tuluyang pinakawalan. Tinitigan siya nito nang matagal. Wala siyang nababasang kahit anong emosyon sa mga mata nito.

Napapikit siya nang bigla itong yumukod at bumulong, “Don’t you try running away from me. Remember, may usapan na tayo.”

Hindi siya nakagalaw. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Ang init na hatid ng hininga nito sa balat niya ay nagdulot ng kakaibang sensasyong lumukob sa buo niyang pagkatao. Bigla siyang nakaramdam ng excitement na may kasamang kilig at pangingilabot.

Nang hilahin siya nitong muli pabalik sa kinaroroonan nila kanina, hindi na siya nagprotesta pa. “Tell them your sizes, love.” Kung kanina babalá lang, ngayon ay sinamahan nito iyon ng lambing.

Wala siyang nagawa kun’di sabihin sa saleslady ang mga size niya sa damit at sapatos na binili ng lalaki. Iniupo siya nitong muli sa couch, bago ito tumayo nang dumating ang saleslady.

“Here’s size thirty-seven, Ma’am.” Iniabot sa kaniya ng saleslasy ang isang beige na stiletto, pero si Enrico ang kumuha niyon.

“Let me try on her,” anito. Lumuhod ito sa harapan niya. Hindi naman siya humihinga habang pinagmamasdan ang bawat kilos nito.

He carefully lifted her right foot and took off her shoe. Pinagpagan pa nito ang talampakan niya na nagdulot ng nakakikiliting sensasyon. Mabuti na lang at walang amoy iyon, kun’di napahiya na siyang talaga.

He put the stiletto on her. Tumango-tango ito. “Perfect!” Hindi na nito hinubad iyon. Isinuot na rin nito ang kapares sa kabila. “That would do.” Nilingon nito ang saleslady. “She’ll wear it now.”

“Okay, Sir,” anang saleslady na alanganing nakangiti sa kanila.

“Go, love. Try your clothes. Mas maigi na iyong sigurado tayo,” mahinahong utos ni Enrico sa kaniya. Inalalayan pa siya nitong tumayo hanggang sa may fitting room. “I’ll just be outside.” Naroon na muli ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon