“Anong oras ka umuwi kagabi?” bungad kay Autumn ng kaniyang amain na si Luis, pagpasok niya sa dining nila. Kagaya ng nakagawian, nagbabasa ito ng dyaryo; kahit hindi naman na iyon uso sa panahong iyon, habang nagkakape.
“Alas-dose na ho,” nakayukong tugon niya saka umupo.
“Alas-dose? Uwi pa ba iyon ng matinong babae?” anito.
Napalingon siya sa ina na nakayuko sa pagkain nito. Napakunot ang noo niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Mahigpit na napakuyom ang kaniyang kamao habang hawak ang kutsara. Masama ang tinging sinulyapan niya ang amain na patuloy pa rin sa pagbabasa nito.
Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Her stepfather was hitting her mother from time to time. Habit na nito iyon. Habit na labis niyang ikinagagalit hindi lang dito pati na rin sa ina, dahil madalas din siyang nakatitikim ng lupit nito. Hindi niya maintindihan ang ina kung bakit kahit anong pilit niyang kumbinsi rito na iwanan ang asawa ay hindi nito magawa. Her stepfather was so obsessed with her mother. Kaya kahit na ano raw takas nila rito ay hindi nila magagawa, dahil mahahanap at mahahanap daw sila nito.
He’s a police officer. Subalit, iba ang ugali nito sa labas at sa loob ng pamamahay na iyon, na kung ituring niya ay kulungan. Kung puwede nga lang ipakulong ito, ginawa na niya. But her mother always stopped her from doing so. Hindi niya alam kung ano ang ginawa rito ng kaniyang amain para matakot ito nang ganoon sa asawa. Because her mother really changed into a dutiful wife. Daig pa nito ang alipin ng amain, kaya wala siyang magawa. Hindi niya kayang iwanan ang ina, dahil baka kung anong gawin dito ng amain.
Tahimik na sumandok siya ng pagkain. Her father died when she was young from a lung cancer. Batang-bata pa noon ang kaniyang ina at maganda. Isa itong English professor noon at minsang nakilala ang amain nang mahold-ap ito. Doon nagsimulang manligaw ang amain niya, hanggang sa sagutin ito ng kaniyang ina at magpakasal ang dalawa.
Mabait ang pakita nang amain niya noong umpisa. Ngunit, pagtuntong niya sa high school at sinabi niya ritong may nanliligaw sa kaniya ay hindi nito iyon nagustuhan. Iyon ang unang beses na nakatikim siya ng sampal dito. Doon niya nakilala ang tunay na ugali nito. Pati ang ina niya ay nagulat din. Kaya mula noon hindi na siya nakapagdamit ng gusto niya. Masyadong konserbatibo ang amain sa kanila ng ina. Bugbog pareho ang aabutin nila kapag nanamit sila nang naayon sa uso.
“Napadadalas ang pag-uwi mo ng madaling araw. Hindi ba nagpapahinga ang boss mo?” Nang-aarok ang mga mata nito nang tingnan siya.
Ibinaba niya ang kutsarang may lamang kanin. “Hindi ho uso ang pahinga sa kaniya. Wala naman hong problema dahil bayad naman ho bawat oras ko,” hindi napigilang sagot niya.
“Autumn. . .” mahinang saway sa kaniya ng ina nang tumunghay ito.
Walang emosyong nilingon niya ito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot, pero hindi niya iyon pinansin. Normal na iyon para sa kaniya. “Ayokong mawalan ng trabaho, Mommy. Alam mo iyan,” may diing wika niya rito.
Napatungo itong muli at hindi na nagsalita pa.
Bukod sa trabaho na lang siya nakahihinga, nag-iipon din siya. Nag-iipon siya para makaalis na sila roon at makapunta sa malayong-malayong lugar, na hindi masusundan ng malupit niyang amain.
“Siguraduhin mo lang na trabaho talaga ang inaatupag mo at hindi kung ano-ano. Kapag nalaman-laman kung buntis ka, hindi ka na makalalabas pa ng bahay na ito,” banta nito sa kaniya.
Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi mangyayari ang sinasabi ninyo. Hinding-hindi.” Subalit sa loob-loob niya, binigyan lang siya nito ng ideya kung paano makawawala sa kulungang kinaroroonan. Pero kung gagawin niya iyon, dapat lang na siguraduhin niyang ang taong kakapitan ay hindi kayang salagin ng kaniyang amain. Iyong tipong nasa dulo lang ito ng kalingkingan ng taong iyon.
BINABASA MO ANG
SEASON OF LOVE 4: AUTUMN: INNOCENT LOVE
RomanceWhen Autumn was lost, she found salvation in the arms of her boss-Lucio Enrico Lagdameo. Subalit, para manatili sa tabi nito, kailangan niyang matuto. Kailangang mawala ang inhibisyon sa katawan niya. But how can she learn all of those when she's n...