C H A P T E R 2

458 28 0
                                    

This chapter is dedicated to MoisesSmith5

“Good morning Ate,” bati ko kay Ate Cindy pagpasok sa flower shop. Tauhan ko siya sa flower shop ko, abala siya ngayon. Nilalabas niya 'yong mga flowers na nasa paso para gawing display sa labas.

“Good morning, Ace. Nagbreakfast kana?” Tanong niya.

“Tapos na po Ate. Ikaw ba? Gusto mo po bang magpadeliver ako?” alok ko rito.

“Salamat pero okay lang. Nagbreakfast naman na ako bago ko buksan 'yong flower shop.”

“Gano'n ba Ate, sige po.” Hahakbang nasa ako papasok ng opisina nang biglang may maalala. “Ate...” Tawag ko sa kanya.

She quickly turned her gaze. “Oh, Ace bakit?”

“Mamaya po pala darating 'yong mga inorder kong flowers galing Cavite, pakiabangan nalang po. Kapag dumating sila pakitawag nalang ako sa opisina.”

“Sige, Ace.”

I smiled at her before entering my office. My morning got even better when I saw the artificial flowers vase on my table. Buhay na buhay ang kulay nito na asul. My flowers always had the ability to made my morning better. Naupo ako sa swivel chair at nagsimulang magtrabaho.

Ilang oras kong ginugol ang sarili ko sa pakikipag-usap sa mga costumer. I have many clients who order carnation flowers for their wedding bouquets. This month is June that's way so many people are getting married. Minsan nga hindi ko maiwasang maingit sa mga costumers ko na kinakasal. Sobrang swerte nila dahil nahanap na nila yung taong makakasama nila habang buhay. I hope I will be too, one day.  I want to experience marrying someone who will be with me for the rest of my life.

Pagkalaan ng ilang oras. Biglang tumawag si Ate Cindy. Narito na raw yung flowers na inorder ko. Pansamantala ko munang iniwan ang trabaho ko para asikasuhin iyon. When I left the office, I saw that they were bringing my orders into the flower shop one by one. I just watched them with folded arms.

Nang matapos, pinagmeryenda ko muna sila tsaka ako nagbigay ng bayad at tip dahil alam kong sa malayong lugar pa sila galing. Kalaunan nagpaalam na sila para bumalik.

“Ace, ang gaganda ng mga inorder mo. May mga nagmamay-ari na ba nito?” Sabay tingin niya sa'kin.

“Mayroon na Ate. Iyong iba riyan gagamitin sa kasal.”

“Magugustuhan niya 'to  . Baka bumalik-balik pa siya rito para bumili ng flowers.”

I later looked outside the shop. Namataan kong may batang lalaki na tumitingin sa itinitinda kong flowers. Pumanhik ako palabas.

“Hello! Ano'ng gusto mo?” I purposely made my voice friendly so he wouldn't be afraid of me.

“Kuya magkano po ito?” Sabay turo niya ng yellow tulips.

“1500 iyang buong set,” sagot ko.

I grinned when he scratched his head. He obviously disappointed. “Ang mahal naman po...” ngumising aso ito. He's so cute!

“Do you want it?” muli kong tanong.

“Opo...kaso po ang mahal, kaya huwag nalang po.”

Lumapit ako sa tulips, pumitas ng isang kulay yellow at binigay sa kanya.

“Sa'yo na'yan,” ani ko.

Lumapad ang ngiti nito. “Talaga, Kuya?” Tumango-tango ako habang nakangiti. “Thank you po...” He came and hugged me.

“Ang cute-cute mo talaga,” sabi ko at marahan na pinisil ang pisngi niya.

Kalaunan umalis na ang batang lalaki Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papalayo hangang sa huminto siya sa isang babae at kinalabit niya 'yon. Iyon siguro Mama niya. When the boy's mother faced him, he showed the yellow tulips and he gave it to her mother. Nasilayan kong ngumiti ang Mama nito, tila nagustuhan ang ibinigay ng anak nito. Yumuko siya para yakip at halikan ang anak.

Our Sinful Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon