C H A P T E R 10

337 19 0
                                    

LUMUBOG na ang araw ng makauwi ako sa mansyon. As usual si Mommy agad ang una kong hinanap. Gano'n naman palagi sa tuwing umuuwi ako. Ewan ko ba. Iba ang presensya ng isang Ina kapag nasa bahay ito. You always feel safe. 

“Umalis po sila kanina. May pupuntahan daw po. Hindi po ba nagsabi si Madame Helga sa'yo?” tugon ng kasambahay na pinagtanungan ko.

“Hindi po ako.”

Natahimik ako. Inangat ko ang hawak kong phone at binuksan. Mommy's message flashed on my screen so I quickly read it.

Mom:

Ace sumama ako sa Tito Valentin mo, may importante lang kaming pinuntahan. I'll call you when we get home.

Kanina pa nag-message si Mommy, hindi ko yata nabasa dahil pauwi ako ng mansyon. Nagtipa ako ng irereply.

Ako:

Alright! Magiingat po kayo ni Tito.

Humakba na ako patungo sa hagdan at umakyat para magbihis ng pambahay na kasuotan. Wearing a plain blue t-shirt and baggy short I went down again to have dinner.

Pagdating ko sa dining kitchen ay namataan kong abala ang tatlong kasambahay sa paglalagay ng plato. Bumati ang iilang katulong sa akin at binigyan ko naman sila ng isang ngiti. Pumasok ako sa loob ng kusina para silipin kung anong ginagawa nila Ate Babet. The fragrant smell of the dish stung my nose as I entered. Abala si Ate Babet at ibang katulong sa pagluluto.

“Magandang gabi po Señorito Ace,” bati ng isang kasambahay na nakapansin sa'kin.

Mabilis na pumihit paharap si Ate Babet. Narinig niya yata ang pangalan ko.

“Nakauwi kana pala,” aniya. “Sandali lang huh, malapit na rin matapos 'tong niluluto. Ginugutom kana ba?”

I shook my head. “Hindi pa naman po. Take your time,” Nakangiting sambit ko. “Nandito po ba si Ate Vanessa?”

“Ay wala siya. Sabi niya ay aalis daw sila ng mga kaibigan niya,” Tugon niya nang nakatalikod. Binalikan niya ang kanyang niluluto.

Oh, great! Dalawa na naman kaming naiwan ni Vincent sa mansyon. My shoulders slumped. Simula no'ng lumapit kami sa mansyon ay mailap ng sumang-ayon sa akin ng panahon. Sadya talagang pinagdidikit kaming pagkakataon. I kept quiet while watching them cook in the kitchen. Suddenly my eyes caught a tray with  a bowl of soup, water and medicine. I started to being curious.

“Ate, kanino 'yang nasa tray?”

She quickly looked at me before glancing at the tray.

“Aba't bakit nandiyan pa 'yan? Mercidita!” Sigaw niya.

Mayamaya ay may pumasok na kasambahay na nagngangalang 'Mercidita

“Ma'am Babet bakit ho?” ani no'ng kasambahay.

“Ano'ng bakit?! 'Di ba sabi ko sa'yo, dalhin mo 'yan sa Señorito Vincent mo?” striktang pagkakasaad ni Ate Babet.

I frowned. Bakit anong nangyari kay Vincent?

“Iyon na nga po ma'am e. Ilang beses ko na pong kinakatok sa pintuan si Señorito Vincent pero hindi po siya lumalabas. Nakalock din po ang kuwarto niya,” Mercidita explained. Halata sa hitsura nito ang takot dahil sa pagka-strikta ni Ate Babet.

“Ano po bang nangyari sa kanya?” I can't stop asking.

Binaling sa'kin ni Ate Babet ang mata niya.

“May sakit siya Ace,” mahinahong sambit niya.

He's sick?! Agad na sumibol ang matinding pagaalala sa aking dibdib. I don't know why I was so affected by what I found out. I shouldn't be worried about him. Pero napakawalang puso ko naman kung iisipin na hahayaan ko lang siya.

Our Sinful Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon