CHAPTER 02

7 5 0
                                    

Aida's Point of View

"Aida~Aida~Aida mukhang ma-tumal ang kita na'tin ngayon ah..."

Salubong ng lintik kong boss, si Do Meng aka Panot the Great.

"Masiyadong ma-higpit ang seguridad boss hirap makalapit."

Sagot ko, umupo ako sa harap ng mesa niya at pabagsak na iniligay ang file sa kaniyang mesa at nilapag ko na rin ang bitbit kong camera na halos almost five years ko na rin ginagamit simula ng pasukin ko ang trabahong 'to.

Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga magaganda kong alaala simula nung una kong pumasok sa office na ito imbes na mag-apply bilang guro ay na pasok ako sa pagiging paparazzi.

"Uulitin ko ija, pansin ko lang medyo matumal na ang kalakaran na'ten ngayon ah."

"Uulitin ko rin Do Meng, medyo mahirap kasi yung binigay mo sa akin, though worth the wait."

Dati kasi mga artista pa ang kusang lumalapit sa akin, minsan nililigawan pa ako ng mga artistang nahuhumaling sa ganda ko, at ginagawa ko namang opportunity ito para makahanap ng butas ang kaso--

"ANAK NANG DIABLO!!!"

Napa-sigaw ako ng makita ang sarili ko sa salamin.

"Oh? na pano ka at tinawag mo ang ninuno mo?"

Asar kong inismiran si Panot, at kinuha ang camera ko sa mesa niya.

"Aida hoy-"

Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Akala ko ba may ipapasa ka?"

Natigilan ako sandali.

"Ano na?"

Naalala ko, nandito pala ako para ipasa 'tong copy ng article na ginawa ko.

"Ahehehe...pasensya na Boss na carried away lang"
"Carried away pinagsasabi mo? Akin na nga!"

Umiling ito at inabot ang file ko saka bumalik ako sa pagkaka-upo.

"Masiyado nang luma ang camera mo, bumili ka na ng bago."

Sinilip ko lang reaksyon ni Panot the Great pero as usual humihinga pa naman ito habang nilalait ang camera ko, kesyo daw ang luma na, atleast malinaw naman ang nakukunan ko. Tsk.

Eh wala naman sa palumaan 'yan eh, na sa skills 'yan kung papaano mo kunan ang target mo ng larawan at kung papaano mo gawan ng kwento.

"Sa totoo lang Aida, mas maganda kung mag-pahinga ka muna sa trabaho mo--"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, napatayo ako at malakas na hinampas ang mesa.

"Nag-bibiro ka ba!?"
"Hindi."

Ang seryoso nga ng mukha niya, hindi nga siya nag-bibiro ngunit hindi magandang biro 'yun!

"Ayoko tumigil! Wala na akong ibang trabaho at wala na akong alam na ibang trabaho maliban dito!"
"Ano bang pinagsasabi mo? Sinabi ko bang huminto ka na sa'yo ang disesyon na iyan kung hihinto ka. Ang oa ng reaksyon mo dinaig mo pa si Magenta. Ang sabi ko mag-pahinga ka masiyado ka ng stress tignan mo nga 'yang sarili mo, dinaig mo may sampong anak. Kung sa bagay mas maganda rin naman 'yung sinabi mong tumigil na."
"Do Meng naman!"
"College graduate ka na Aida, bakit hindi mo bigyan ng pansin ang kurso mo may mas magandang kinabukasan ang naghihintay sa'yo kaysa ipag-patuloy mo itong trabahong 'to."
"Ayoko pa rin."
"Malaki nga ang suweldo pero hindi naman pang habang buhay ija.."

Napalunok ako ng tatlong magkakasunod na beses.

"Kahit maliit na suweldo tatanggapin ko, huwag mo lang tanggalin."

The Paparazzi And His Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon